Valerie's POVDalawang buwan narin simula ng magkaayos kami ni Space
"Daddy saan po tayo pupunta?"
Tanong ni Winter sa kanyang ama.
Ewan ko ba kung saan kami papunta.Hindi naman sinabi ni Space sakin dahil surprise daw.Eh hindi ko nga alam kung saan patungo yung daan na dinadaanan namin."Secret.Paano magiging surprise kung sasabihin ko sayo?"sabi naman ng ni Space
"Daddy naman eh..sige na daddy..."Pamimilit naman ni Winter sa ama
"Saan ba kasi tayo pupunta daddy?"sabat naman ni Summer
"Basta.Makakarating din tayo doon..."
Hindi na ako pumalag sa sinabi.Tumingin nalang ako sa dinadaanan namin
Hays..sana naman ngayong nagkaayos na kami ni Space ay wala ng problema pang darating.Kung meron man sana ay malagpasan namin ito ng sabay-sabay at wala ng mang-iiwan.
Ng tumira si Space sa bahay namin ay walang araw na hindi kami nagbabonding.Tumayo talaga siyang ama ng mga bata.Walang araw na hindi sila naglalaro.Paminsan-minsan rin ay nakikilaro ako sa kanila.Sa nakalipas na ilang buwan lahat ng araw ko ay masasaya.Wala na akong mahihiling pa.Kumpleto na ako.Kami ng pamilya ko.
Sa nakalipas rin na dalawang buwan naramdaman kng bumabawi rin si Space sakin.Pag wala ang mga bata ay palagi niya akong nilalambing.Sinasabihan na mahal niya daw ako.
Sana naman ay hindi magbago si Space.Sana manatili siyang mabuting ama at asawa.Dahil hindi ko na kakayanin pa kung mauulit pa yon."Nandito na tayo..."
Rinig kong sabi ni Space kaya binalingan ko sya.Nandito kami sa tapat ng isang malaki at malapad na gate.Kulay itim ito.
Ano kayang ginagawa namin dito.
Bumusina si Space kaya naman may security guard na lumabas.Pagkakita niya kay Space ay agad na binuksan niya ang gate kaya naman tumanbad ang isang malapalasyong bahay.
Binalingan kami ni Space ng nakangiti.Ako naman ay nagtatanong na tumingin sa kanya.
"Daddy!Kaninong bahay ba ito?Ang ganda naman"Biglang sabi ni Summer
"Oo nga!Parang palasyo"
Sang-ayon ni Winter sa kanyang kakambalNgumiti lamang si Space sa sinabi ng kanyang anak.
"Tara pasok tayo" Aya ni Space samin kaya lumabas kami ng sasakyan at pumunta patungo sa isang Double Door.Grabe ang ganda talaga ng bahay nato!Siguradong malaki ang nagastos ng kung sino mang nagpatayo nito.
Binuksan naman kami ni Space ng pinto."Wow!daddy!ang ganda naman dito!"kaagad na hiyaw ni Summer ng makapasok
"Oo nga!Sana ganito rin ka ganda ang bahay natin."Sang-ayon naman ni Winter
Napatingin naman ako ng may lumabas sa isang sulok
"Manang!?"saad ko ng makita ko ang kasambahay namin
"Anong ginagawa nyo dito?Akala ko ba nagbakasyon kayo?""Nagbakasyon naman talaga ako ma'am pero nagtatrabaho parin naman."paliwanang naman ni Manang
"Eh di ba sa amin ka nagtatrabaho?Eh bakit nagtatrabaho ha dito?Atsaka sino ho bang may ari ng bahay nato?"
Tinuro naman nito si Space?
Nilingon ko namin si Space"Ikaw?"
Bago niya ako sinagot ay may pinagawa muna sya kay Manang
"Manang pwede ho bang pakidala ang mga bata sa bagong kwarto nila?"
Tumango naman si Manang at umalis dinala ang mga bata.Ako naman ay naguguluhang tumingin kay Space"Bahay mo to?"
Tanong ko.Agad naman itong tumango"Bakit ka pa bumili eh may bahay naman tayo?"
Lumapit naman ito sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Kasi ayoko tumira dun dahil bigay sayo yun ni Ethan or Rein or whatever.At isa pa ayokong tumira ka ulit kung saan tayo tumira noon dahil bawat sulok doon naaalala ko ang kagagohan ni ginawa.Gusto ko rin na gumawa ng bagong alala sa bagong lugar.Ayokong tumira kana doon dahil puno iyon ng masasakit na ala-ala dahil sakin.This time I want to make new and happy memories with you and my daugthers."
Diko alam pero naiiyak ako sa mga sinabi ni Space.Tinutoo niya talaga na babawi sya sakin.Saamin.Hindi ko talaga aakalain na bibili siya ng bagong bahay.Sa sobrang saya ko ay naguunahanh tumulo ang mga luha ko.
"Salamat Space.
Salamat"hinaplos ko naman ang mukha niya.Inilapit ko ang mukha ko at hinalikan sya sa labi.Nagulat sya sa ginawa ko pero agad naman siyang tumugon ng makawala sa pagkabigla.----------------------------
Sheett..guys isang chapter nalang ang natitira.naiiyak talaga ako dahil first time kung makatapos ng isang story.Sana abangan niyo ang isang story ko pa na darating.-LadyPrincessInLove💕

BINABASA MO ANG
The Contract Marriage
RomanceBabaeng mahirap....mag isa sa buhay.... Pero maganda.......matalino...at mapagmahal.... May magbabago ba sa buhay niya.....