DUMADAGSA na ang mga panauhin. Libo-libong mga puting rosas ang nakakaagaw-pansin na magsilbing palamuti ng simbahan. Kulay-ginto ang carpet na nasa aisle. Nakaputi ang lahat ng mga dumalo, kagaya ng nasa imbitasyon. Pati ang choir ay puti rin ang kulay ng mga kasuotan.Matitikas ang mga napiling hahalili sa groom at hindi rin patatalo ang mga mala-diyosang mga sasama sa bride. Maraming nagkikislapang lente ng camera sa paligid. Wala pa man ang bride ay nagtitilian na sa tuwa ang mga fans ng dalawang ikakasal. May twenty minutes pa bago mag-umpisa ang seremonya, ngunit handa na si August na hintayin ang kanyang mapapangasawa.
"JULY, hindi ako makapaniwalang ikakasal ka na."
Hindi malaman ni July kung ano ang kanyang mararamdaman habang patungo sila ng simbahan. Katabi niya ang amang kahit paika-ika pa ang paglalakad ay tiwala siyang maihahatid niya ito sa altar.
"Daddy, sayang naman ang make-up ko kung paiiyakin ninyo ako. Ang mabuti pa ay positibo na lamang ang iisipin natin para walang malungkot, dad." Nginitian niya ang ama nito.
Ang totoo niyan ay gusto niyang umiyak ng matagal yakap ang kanyang daddy. Bagamat pumayag ito sa pakiusap ni August na titira rin ang ama sa mansiyon ay hindi pa rin kampante ang dalaga. Tuluyan ng mahahati ang kanyang atensiyon sa ama at sa magiging asawa nito.
"Maam, kanina pa po nakasunod ang pulang kotse sa atin." Nagsalita ang driver.
Nagkatinginan silang mag-ama at lumingon sa kanilang likuran.
Napangiti si July. "Okay lang po, kuya. Siguradong taga-media."
"Pero, bakit po tinted ang mga salamin, maam? At karamihan sa mga taga-media ay nasa unahan natin para maihanda ang camera kapag bumaba na kayo."
Halata sa driver na hindi kumbinsido sa kanyang mga sinabi. Panay ang tingin nito sa side mirror. Kinakabahan tuloy siya dahil sa ikinikilos ng kanyang tagamaneho.
"Dad, mukha ngang sinusundan tayo."
"Anak, relax. Malay mo si August ang nag-utos sa mga iyan para bantayan ka. Alam mo naman kung paano ka niya alagaan. Mahal ka ni August, anak."
Gustong mapangiwi ang dalaga sa sinabi ng ama. Pati yata ang ginoo ay biktima na rin ng pagpapakitang-tao ni direktor.
"May kapalit ang pinapakita ni August, daddy. Nakalimutan na ba ninyo ang kanyang sinabi? Wala siyang time tumingin ng mapapangasawa kaya sinamantala niya noong nakita ako."
"Matanda na ako, July. Alam ko ang mga obserbasyon ko."
"Ang mabuti pa, daddy, huwag na nating pag-usapan ang lahat."
Muling narinig ni July ang tinig ng driver ng sinasakyan niyang limousine. Nangangati na ang kanyang kamay na sirain ang cord ng interphone na nakakabit sa naturang sasakyan. Lalo lamang siyang mamamatay sa nerbiyos dahil maya't maya ay nagbibigay ito ng update tungkol sa pulang sasakyan.
"Kuya, ang pagmamaneho na lamang ang aatupagin ninyo. Mamaya niyan ay mababangga pa tayo dahil abala kayo sa nakikita ninyo sa likuran." Idiniin niya ng bahagya ang kanyang tinig para maramdaman ng driver na kanina pa siya nanggigigil.
"JACINTHA, tawagan mo nga si July. She is three minutes late."
Napahagikhik ang dalaga. Tinatawanan niya ang pinsang si August.
"Relax, kung makapag-react ka ay ilang oras na siyang huli!" Reklamo nito sa binata na sinabayan ng selfie kasama ang groom.
"She should be here before the time."
"Kuya, si July ang bride. May right siyang mahuli ng dating."
"And I have the right, too. I can't wait for long here. Huwag na huwag akong hindi siputin ng babaeng iyun." Bakas sa mukha ng binata ang pagkairita sa paghihintay.
BINABASA MO ANG
DRIDE IN HIS DARK MANSION (Unedited Version)
RomanceThis novel is to be published under Heart Romances which is a page I'm writing since 2013.❤ July hates every details of it! Hindi niya tinanggap ang tatlong million para gawing nakakatawa at nakakatakot ang kasal niya sa nakakatakot ding pag-uugali...