BRIDE IN HIS DARK MANSION (PART 5)

1.2K 31 0
                                    

"KAILANGAN ko talagang kumustahin si daddy, August! Nasaan ba kasi ang mga cellphone natin?"

"I have my cellphone. You don't have?"

Umusli ang nguso ni July. Paano pa niya madadala kung saan-saan sila nagsusuot ni August. "Pinahawak ko kay Jacintha. Bilin ko sa kanyang pakibigay sa akin after the wedding dahil siguradong makakalimutan ko."

"Ang mabuti pa ay kumain ka na. Ilang araw lang naman tayo. Isa pa, kasama mo naman ako. You can borrow mine."

Sinulyapan lamang niya si August. Alam naman niya, eh, hindi ipapahiram ng asawa ang cellphone nito. Naiirita tuloy siya kung bakit naman kasi hindi niya bitbit ang cellphone nito.

"Huwag kang mag-alala dahil maayos ang lagay ni daddy. Ang tatlong araw natin dito ang sulitin mo. Matulog, kumain at maligo sa dagat. Pagbalik natin sa siyudad, isang linggo ang commitment interviews natin. Just be consistent on your interviews and guestings."

"Why do you need to tell me what to act?" Aware naman siya sa sitwasyon at kung maaari ay hayaan lamang siya ng asawa. May isip din siya kung paano ang paraan ng pagsagot sa mga tanong. She already keep in mind how to deal with it. After all, she is a journlist. A well-known columnist.

"Take this. Kumain ka na." Malamig ang boses ni August habang iniaabot nito ang tray na may pagkain para sa kanyang agahan at mango juice na siyang paborito niya.

"How sweet? Niluto mo para sa akin?"

Tumawa ng mapakla ang kanyang mister. "This is my resort, July. Mayroong sariling restaurant para sa mga bakasyunista. Eat this and try to go out. Makikita mo ang kabuuan ng resort. Sa tabi ng telepono, may mga contact numbers in case na may kailangan ka. They will immediately attend to your needs. You are the wife of this resort's owner. Be the boss." Tumalikod na ito.

Napatingin siya sa pagkain. Paano niya ma-o-obserbahan ang paligid kung gabi na sila dumating at pagal pa ang katawan? Akala niya ay simpleng resthouse kagaya nang nauna nitong sinabi.

At lalong hindi siya makapaniwala na pwede naman siyang sagutin ni August ng hindi sa tanong niya kung siya ang nagluto kaysa pati pagkakaroon ng restaurant ay sinabi na nito.

Tinikman niya ang pagkain. Masarap nga at imposibleng ang masungit at misteryosong direktor ang nagluto nito. Maaari pa kung may halong lason. Tapos na ang kasal nila. At heto na at maglalabasan tiyak ang madilim na pagkatao ni August. Ngunit, hindi siya papayag na siya ang pababagsakin nito. Pareho lang silang nakikinabang sa bawat isa. Walang dapat na mangyayaring lamangan.

TAMA ang sinabi ni August tungkol sa resort na ito. Napakalawak ng nasasakupan. Napatingin siya sa tinutuluyan nilang mag-asawa. Ito ang pinakamalaki at natatangi ang disenyo. Palatandaan na hindi basta nagbabakasyon ang nakatira dito.

Isinuot niya ang sumbrero at shades. Likas siyang maputi at hindi takot sa ilalim ng araw. Ayaw niya lang kasi na may makakilala agad kung sino siya. Ayaw niyang magkagulo ang mga tao dahil sa kanya. Sariwa pa sa kanyang isip ang malakas na tili ng mga fans nila ni August. Mas prefer pa rin niya ang solemn ceremony. But, she don't have a choice. Public figure ang asawa at ganoon din siya.

"Come on! What a small world. July?"

Tumigil sa paghakbang ito. At dahil sa gulat ay nabitiwan ang hindi pa nailalagay sa mga mata na shades. Lalong lumitaw ang kanyang mukha kahit may sumbrero pa itong suot.

"Vince? Ano ang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Luminga-linga siya sa paligid. Ayaw niyang makita sila ni August.

"One week na ako dito. Obviously, this is your first day here. Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi kita sinusundan. At kung tinatanong mo kung ano ang ginagawa ko dito, suki na ako ng resort na ito. Madalas ako dito."

DRIDE IN HIS DARK MANSION (Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon