BRIDE IN HIS DARK MANSION (PART 8)

1.2K 31 0
                                    

"WALANG hiwalayan pong naganap. You know, my wife is papa's girl. During our honeymoon, she really miss her dad. Nangako ako na pagbalik namin, pwede niyang makasama ang papa niya kahit gaano katagal." Ngumiti si August.

"Ano po ang mensahe ninyo sa asawa ninyo, direk?" Ubod ang tamis na tumitig ang interviewer kay August.

"I miss you, sweetheart. I miss your pretty face, but you miss papa, so, I will wait you come home.  And I love you." Nagpakawala pa daw ito kunwari ng flying kiss.

Nanggigil na pinatay ni July ang telebisyon. "Sinungaling!" Pahabol pa nito bago tuluyang naglaho ang pinapanood na interview ng asawa.

Silly! At bakit kinikilig siya sa 'I love you' ng ubod ng sinungaling na mister?

"Mahal mo na ba siya, anak?" Mula sa kung saan ay sumulpot ang kanyang ama sa likuran niya.
Inayos niya ang hitsura. Tumawa si July nang humarap na sa papa nito.

"Of course not, papa! Bakit ko matututunan ang isang kagaya niya? Na ang kasalanan ng ibang tao ay sisingilin niya sa hindi sangkot? Wala siyang ama. Bagay na bagay sa kanya tumira sa madilim at tagong mansiyon." Bakit ba siya ang nasasaktan sa description niya para sa mister?

"July, ayaw ko na sanang magkomento, anak. Nakakailang kasi lalo na at ganito ang pangyayari ng buhay ko. Pero, kung ako ang tatanungin, ipagpaban mo pa rin kung ano iyan. Mahirap ang one-way love pero kung magtagumpay ka, masaya. "

Gustong magreklamo si July sa ama nito dahil sa sinabing one-way love ng ama. Nagpapatunay tuloy na siya lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa.

"Pa, gusto ko munang kayo ang focus ko at ang career. Magsasawa din iyang si August sa pakikipagplastikan sa mga media. At siya na ang kusang mag-file ng annulment.

"Kung ako ang tatanungin ay mas mabuti pang mag-usap kayo ng maayos, anak. Lalong walang mangyayari sa inyo kung sama ng loob ang paiiralin." Suwestiyon ng ama.

Hindi yata siya makapaniwala sa naririnig niya sa papa nito. Malabo bang malaman ang mga nangyayari o gusto lang nitong magbulag-bulagan. Alam naman niyang hangganga ngayon ay mahal pa rin ng ama niya ang mama nito sa kabila ng matagal na  panahong pagtataksil nito.

"Ayaw ko na, papa. At kung tutuusin nga ay dapat akong magdiwang. Kayo ang inisip ko kaya ako nagpakasal sa kanya. Hindi talaga kami magkakasundo dahil sa masama nitong pag-uugali."

"Ikaw ang iniisip ko, anak. Kung sana hindi ako nagkasala ay walang mangyayaring ganito. Hindi ka magdudusa kagaya ng nangyayari ngayon. Patawarin mo ako, anak."

"Papa! Wala kayong kasalanan dahil si mama ang puno't dulo ng lahat ng ito."

Nagpaalam ang dalaga na magbibihis. Tumawag kanina si Jacintha at bibisatahin siya ng kaibigan.

Nanlulumong naiwan ang ginoo. Sinundan nito ng tingin ang kanyang anak. Namuo ang mga luha at pagkatapos ay bigla niyang hinaplos ang bahaging dibdib nito. Mariin siyang napapikit at pilit tinitiis ang sakit na nararamdaman nito. Kailangang makalaya sa puso niya ang nakaraan para guminhawa na rin ang kanyang pakiramdam. Kasuklaman man siya ng anak nito ay kakayanin niyang tanggapin para sa kabutihan ng lahat.

"NANOOD ka ba ng interview ni August?" Ito agad ang bungad ni Jacintha sa kaibigan.

Nakuha agad ni July ang mensahe ng pagpunta ng kaibigan.

"Hindi." Pagsisinungaling niya.

"Bakit naman hindi? Inamin ni August ang totoo. Ngayon ko lang siya narinig na sabihin ang saloobin sa isang babae. Hindi niya minsan nagawa iyun kay Nadi."

"Jacintha, huwag na tayong maglokohan. Alam mo ang totoo."

Napansin niyang nawalan ng kulay ang mukha ni Jacinta. She nailed it.

DRIDE IN HIS DARK MANSION (Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon