Prologue

82 5 1
                                    

"Time check, 5:15 pm."

Namulat ang aking mga mata nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Dahan dahan kong nilingon ang nagsalita 'non at nagsimulang nag si iyakan ang mga tao na nakapaligid sakin. Dahan-dahan kong tinignan sila na para bang hindi ko maintindihan ang ginagawa nila.

Sigaw, iyak at hagulgol lang ang naririnig ko ron. Pero ako, walang ginagawa kundi tignan sila. 'Di ko napansin, tumutulo na pala ang aking luha. Dinampi ko iyon gamit ang aking mga daliri at nang makita ko yon biglang nguminig ang aking palad.

Napatingin ulit ako pabalik sa higaan, kung saan diniklarang pumanaw na, walang iba iyon kundi ang aking pinakamamahal na babae, Si Cassandra. Nang tinabon na ang kanyang mala anghel na mukha gamit ang puting kumot, doon rumehistro sa aking utak ang tunany na nangyayari.

"C-Cassandra..." mahinang pagbigkas ko sa kanyang pangalan. Hindi ko namamalayan, gumagalaw na ng mag isa ang aking mga paa papunta sa kanya.

"Cassandra!" Pag ulit kong sinabi sa aking bibig. Hindi mapigilan ng aking mga kamay na nguminig nito. Dahan-dahan kong tinanggal ang puting tela nito nang makita ko siyang natutulog ng mahimbing. Hindi ko na mapigilang humagulgol. Hinawakan ko ang mukha niya at umiyak nang umiyak.

"C-Cassandra diba sabi m-mo lalaban k-ka?" Hindi na klaro ang aking salita pero wala akong pake, hindi ko kayang mawala ang aking pinakamamahal. She's the only one I left at hindi ko kakayanin mabuhay na hindi siya kasama.

"Ethan..." Pag hahawak ng mama ni Cassandra sa aking balikat, para bang pinipigilan niya ako sa aking ginagawa. "Tama na..."

"Tita, anong tama na?" Napaharap ako sa kanya sa sinabi niya. "Naririnig niyo po ba ang sarili niyo? 'Di po ba tayo lalaban sa anak niyo?" Sabi ko sa kanya.

"Ethan, makinig ka sa—"

"No, tita! Pag lalaban natin anak mo. Paglalaban natin si Cassandra! Hindi pwede.." Hindi ko na natuloy ang aking salita nang bumagsak na ako sa sahig at umiyak.

Naramdaman kong pumulupot ang mga kamay ni tita sakin at umiyak din. "Ethan, kahit anong gawin natin, kahit baliktarin pa natin ang mundo, hindi na babalik si Cassandra. My baby's gone."

Sa mga salitang iyon, nakaramdam ako ng suko at umiyak nang umiyak.

°sᴏᴘʜᴏʀғɪᴄ

ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon