IV

24 1 1
                                    

"Ang duga mo talaga kahit kailan, Sebby!" Pag rereklamo ni Alice kay Sebastian.

Tinawanan lang ito ni Sebastian habang si Alice ay di na natutuwa. "I'm not cheating, 'ya know Maria Alicia. That's what you called.." tinutok ni Sebastian ang kanyang hintuturo sa sentido ni Alice at ngumiti sa kanya ng nakakaloko. "...logic."

"Ah! Lumayo ka sakin! Wala kang ganon!" Nanininig na ang kamay ni Alice sa inis at tuloy tuloy lang tumawa si Sebby.

Kanina pa kasi sila nag lalaro ng tic tac toe at ni isa hindi nanalo si Alicia kay Sebastian. Tumigil na sa pag tatawa si Sebastian at niyakap niya si Alice. Halatang nabigla si Alice at di makapaniwala. Hinawi ni Sebby ang buhok ng anak ko at ngumiti.

"Wag ka na magalit sakin, baka di ka na naman makahinga yan." Pag papakalama niya sa kanya. Nakita ko naman kumalma ang aking anak. Napangiti ako sa nakikita ko ngayon.

"Sebastian anak, papakasalan mo si Alicia pag laki ah? Kaya kita binuo para pakasalan mo siya!" Sabi ni Claire.

"Clarissa.."

"Dai!"

Parehas na tinawag namin si Claire dahil ang bata bata pa ng mga bata ganyan na agad sinasabi niya sa kanyang anak.

"Ito naman 'di mabiro!" at tumawa ang aking kaibigan. Napangiwi ang aking bunganga, konting konti na lang sasabihan ko na tong may saltik.

Nang makarating na kami sa supermarket, pinababa kami ni Steve sa may entrance. Nang makababa kami, binaba niya ang windshield sa may passenger seat sa harap.

"I'll just gonna park this on the parking lot. You guys go ahead, I'll text you na lang honey." Pag paalala niya sa asawa niya,

"Sige, mag park ka na." Ika niya sa asawa niya. Hawak niya si Sebby habang ako naman hawak ko si Alice.

"So, halika na?" Pag tatanong ni Claire sakin.

"Sige." Pag sasang ayon ko at pumasok na sa supermarket.

Kumuha si Alice at Sebby ng malalaking cart at ibinag samin yung tig isang malaking cart. Nilagay ko si Alice sa may malaking cart kasi siya kukuha lahat ng mga dapat naming bibilhin. Parehas lang din ang ginawa ni Clarissa kay Sebastian. Nilagay niya ang bata sa loob ng cart.

Habang namimili kami ng bibilhin, nag uusap kami ni Claire. Tinatanong niya kung bakit ayaw ko pa maghanap ng bagong asawa na makakasama namin ni Alice. Hindi kasi ako nag mamadali, kung dadating, 'edi may dadating. Pero pag wala, 'edi wala. Ang ibig sabihin 'non kailangan ko ipagtuon ang pansin ko sa aking anak. Mas lalo na ngayon na bata pa ang anak ko.

"What if ngayon may dumating na bago para sayo?" Napatigil ako sa pag tingin ng mas murang mantika sa sinabi ng aking kaibigan. Tinignan ko siya at napakunot ang noo ko. "Pinagsasabi mo, Clarissa Sabrina?"

"Wala lang. Napaisip lang ako, 'pano kung ngayon dumating siya? Gusto mo ba magkaroon ng daddy Alice?" Nilingon niya ang aking anak at nakita ko lumiwanag ang kanyang mukha. Napatili siya at lumundag lundag sa cart. Alam ko na gustong gusto na niya magka daddy dahil ang papa niya 2 years old siya nang iniwan niya kaming dalawa.

"Gusto ko papa!" Tumingin siya sakin at kitang-kita ko ang kanyang matatamis na ngiti. "Mama, gusto ko papa!"

Napabuntong hininga ako sa sinabi ng anak ko. Binigyan ko na lang siya mg stick o para mabaling niya ang kanyang atensyon sa pagkain. Nakita ko natuwa ulit ang anak ko, kaya masaya ako na nakalimutan na niya agad ang hinihingi niya. Napansin ko napa "tsk" si Claire sakin, tumingin ako sa kanya at tinanong bakit pero nag sabi lang siya na wala.

Nang matapos na kami mamili ng bibilhin, kami ay pumila na sa cashier. Sabi ko sa may priority lane na siya, pero ayaw naman niya. Nagdabog pa siya, nako tong buntis na 'to. Binaba na namin ang aming mga anak at biglang kinalabit ni Sebby ang kanyang ina.

"Mama, I want some nutella. Nakalimutan mo kunin don sa may bread and pastry section." Tinignan naman ni Clarissa ang cart at wala ngang nutella ron.

"Okay, bilisan mo ha?"

"Yes! Maria Alicia, come with me!" 'Di pa nakakasagot ang aking anak ng hinila na niya ito at kumaripas ng takbo.

"Mag iingat kayo!" Sigaw ko naman sa kanila.

"Mahaba pa naman ang pila kaya makaka abot pa naman sila." Tinignan ko ang pila at ang sobrang haba nga nito. Siguro kahit nandito na ang mga bata nasa pila pa rin kami.

Ilang minuto ang lumipas bumalik na ang mga bata na may dalang dalawang nutella. Binigay niya iyon sa kanyang ina at inilagay sa cart.

"Mom, this is for me and for Alice." Ika niya.

"Ay, hindi! Ako na magbabayad sa nutella na yan. Magkano ba yan?" Ani ko at kinuha kay Clarissa ang isang nutella.

"500 pesos, Lea."

"Ang mahal naman..." Sabi ko sa aking isipan.

"Don't worry Lea, I'll bring that." Sabi ni Claire at nilagay sa cart.

Umalis naman ulit sila dahil hihintayin nila ang daddy ni Sebby. Habang wala sila Alice at Sebby, at ngayon na naghihintay kami sa aming pila nag usap muna kami.

"Pupunta ka sa Reunion sa school natin?"

"Hindi naman ako naka graduate."

"At least you studied there."

"Still, hindi ako grumaduate."

"Come on, our other classmates misses you already. Isa pa, magiging masaya ron!" Tumingin sakin si nakangiti.

"Edi pinahiya ko sarili ko ron kasi lahat kayo naka graduate ako hindi."

"Wag mo nga i degrade sarili mo. That doesn't mean you stop at nagka anak na, nakakadiri ka na."

"Hindi yan ang nasa isip ko—"

"Yes, yan ang nasa isip mo. Kasi nasa isip mo pag pumunta ka ron kukutsyain ka ng mga batch mates natin cause nagalaw ka na sa kadalagaan mo at di ka pa nakapagtapos. Sikat ka sa school 'non at malalam laman nila na nagalaw ka na? No, Lea. Hindi ganyan 'yon. Get that mindset of yours out of your head."

Hindi ako nakasagot non, dahil tama siya. Yan talaga naiisip ko. Pinupuri ako ng mga tao dahil piling tao lang ang pwede mag accountancy non at isa ako sa nakapasa at scholar pa. Kaya masyadong na disappoint ang iba kong kaibigan at iniwan nila ako nang malaman nila na nabuntis ako ng dati kong iniirog. Kaya di ako masisisi ni Claire na ganito iniisip ko ngayon. Takot akong makita sila ulit.

"What are you ladies talking about?" Biglang sumulpot ang asawa ni Claire sa likod nito.

Parehas lumaki ang mata namin ni Claire sa nangyayari.

"Ang mga bata, asan?" Tanong neto sa asawa niya. Kumunot ang noo ni Steve at halatang wala siyang alam.

"Ang anak ko." Ani ko.

° sᴏᴘʜᴏʀғɪᴄ
_________

sᴏʀʀʏ ғᴏʀ ɴᴏᴛ ʙᴇɪɴɢ ᴀʙʟᴇ ᴛᴏ ᴜᴘᴅᴀᴛᴇ sᴏᴍᴇ ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀs ғᴏʀ ᴛʜᴇ ʟᴀsᴛ ᴛᴡᴏ ᴅᴀʏs. ɪ ᴡᴀs ʙᴜsʏ ᴏɴ ᴛᴀᴋɪɴɢ ᴀ ʀᴇsᴛ. ᴛʜᴀɴᴋ ʏᴏᴜ ғᴏʀ ʀᴇᴀᴅɪɴɢ ᴍʏ sᴛᴏʀʏ!!

ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon