"Beep!"
Naninig ang aking katawan nang narinig ko ang aking alarm clock tumunog. Tagatak ng pawis ang aking noo at leeg. Sinilip ko ang aking mga kamay at ito ay nanginginig.
Napaupo ako sa aking higaan hinilamos ko ang mukha gamit ang aking palad. Sinilip ko ang aking cellphone at alas-kwatro pa ng umaga. Huminga ako ng malalim at napapikit.
"Napanaginipan na naman kita.." bulomg ko sa sarili.
Hindi ko namamalayan ako ay umiiyak na. Tumutulo na naman aking luha at ang bigat na naman ng loob ko. Napahawak ako sa dibdib ko at linabas lahat ng iyak ko.
Araw-araw na lang umiiyak ako at yan lagi ang senaryo pag natutulog ako. Hindi ko alam ano ang gusto niyang iparating sakin pero bawat araw ang dumating at 'yon ang panaginip ko. Mas lalong bumibigat loob ko at nagiging kasalanan ko kung bakit siya namatay.
"Tama na..." mahina kong sambit nang hindi na ako makahinga sa kakaiyak.
Wala akong ginawa nung umagang yon kundi umiyak nang umiyak hanggang sa napagod ako at kumalma.
"Ethan, are you listening to me?"
Bumalik ang aking isip nang nagsalita si Cess, ang kaibigan ko simula college ako. Parehas kaming natapos ng kurso sa college at iyon ay BS in Pharmacy pero siya nagpatuloy siyang nag aral at kinuha ang masteral sa kurso namin.
Ako naman tumigil na ako sa pag tratrabaho simula nang mamatay si Cassandra. Nawalan na ako ng gana gumalaw at nag mukmok lang ako sa aking kwarto. Pag nag tratrabaho kasi ako siya lagi kong naalala at di ako maka focus sa work kaya nag leave na lang ako.
"O-oo Cess nakikinig ako. Ipagpatuloy mo lang." Pagsisinungaling ko. Pero imbis na mag patuloy siya sa kanyang salita piningot niya ang aking ilong.
"A-aray. Cess! Bitaw!" Sambit ko at tinanggal ang kanyang kamay sa aking ilong. Tinaas niya ang kanyang kaliwang kilay at umayos ulit sa kanyang pag kakaupo.
"You're lying. Namula ang ilong mo nang sinabi mo 'yon." Umiwas ako ng tingin at inirapan siya. Meron kasi ako sa katawan na pag nag sinungaling ako, namumula ang ilong ko. Kaya di ako nagsisinungaling at sinasabi ko talaga ang totoo sa kanila.
"Manahimik ka nga, Princess B—"
"Stop calling my full name!"
Pasimple akong napangiti nang nakita ko ang kanyang mukha na naiinis na. Ayaw na ayaw niya kasi na tinatawag ko siya sa kanyang buong pangalan. Masyado raw baduy sabi niya kaya yan ang ginagamit ko pag iniinis niya ako, para manahimik siya.
"Bakit ayaw mo mag aral ulit, Ethan? Sayang katalinuhan mo." Sabi ni Cess habang kumakain ng langka na may kanin.
"Hassle." Simple kong sagot habang pinaglalaruan ko ang pasta na nasa harap ko.
"Why? Hindi ka pa rin ba maka move on kay Cass—"
"Don't mention her name." Sabi ko at tinigil ang aking ginagawa. Tinignan ko siya at tinitigan niya ako.
"Why not?" Pagtataas ng kanyang kilay sakin. "You know, hindi ka aangat sa buhay mo pag patuloy mong sinisisi sarili mo. Si Tita Amanda na mismo nagsabi sayo na wala kang kasalanan, why can't you accept that?"
"Bakit ko tatanggapin yon kasa—"
"Hindi mo nga kasalanan, stop blaming yourself."
"I saw her having that condition yet I didn't do—"
"It's not your fault, Ethan."
"Yes it my fault! I let her die—"
"HINDI MO GINUSTO YON! IT'S NOT YOUR FAULT ETHAN!" Napataas na ang boses ni Cess at mga kumakain don napatingin na samin.
"Sorry.." pag papaumanhin niya at inayos niya ang upo niya. Hindi kami nagsasalita at siya tuloy lang sa pag kain niya at ako sa pag lalaro ng pasta ko sa harap. Wala na akong gana kumain ngayon at okay lang sakin kahit tubig lang sakin ngayon. Pagkatapos niyang kumain pinunasan niya ang kanyang labi at nag retouch siya ng lipstick.
"Nga pala.." pag babasag niya ng katahimikan. May nilabas siya sa kanyang bag at napakunot ang aking noo. Flyers yon sa kanyang hospital na pinag tratrabahuan, nag o offer sila ng trabaho sa mga graduate sa Pharmacy.
"We need a Pharmacist, masyado na kaming kulang." Ani niya habang inaabot sakin ang flyer.
Nung una tinitigan ko lang to. Pero nang makalipas ang ilang minuto kinuha ko na 'to.
"Thanks, Cess but no—"
"Think about it."
Kumunot ulo ko sa sinabi niya.
"Hindi kita pinipilit pero sana pag isipan mo ito. Gusto ko magabago na buhay mo. Hindi yung nandiyan ka lang sa kwarto mo nag mu mukmok." Hindi ko sumagot at nakinig sa kanya.
"I miss the old Ethan."
Napayuko ako sa sinabi niya. Kahit din ako, hinahanap ko ang sarili ko dati. Pero ang hirap ibalik ang dating ako.
"I have to go.." sabi niya nang tumayo siya. Tinignan niya ako at ngumiti.
"Sana pagbigyan mo ko, kahit ito lang Ethan." Sabi niya at umalis.
Tinignan ko ulit ang flyer. Alam ko sobrang nangangailangan ang mga tao ngayon sa Pilipinas ang Registered Pharmacist. Pero pag bumalik ako, mararamdaman ko ulit ang sakit sa puso ko. Ang kirot nito. Napahawak ako ng mahigpit sa flyers at yumuko.
"I'm sorry Cess, pero hindi ko talaga kaya." Nilagay ko ito sa aking backpack at umalis na rin.
°sᴏᴘʜᴏʀғɪᴄ