Lea's POV
"Alice, tell me that you'll behave pag pupunta tayo ng supermarket okay? Limited lang ang budget natin." Pag papaalala ko sa anak kong si Alicia. Alam ko kasi mag tu turo-turo na naman siya sa pag bibili namin kaya sinasabihan ko na siya.
"Opo, Mama! 'Di na po ako mag tuturo." Nag salute pa siya sakin. Ako naman napabuntong hininga.
Alam ko mamaya iiyak na naman siya dahil may gusto siyang ipabili sakin na di ko kayang bilhin. Masyadong kapos ako ngayon dahil hindi pa ako sumesweldo bilang kahera sa isang fast food chain. Ngayon lang day off ko at para makabili na ako ng kakainin at kakailanganin namin ng anak ko. Isa pa, matagal tagal na rin nang di ko nakakasama anak ko. Lagi kasi siyang nasa kapitbahay namin pag uuwi siya galing school nila dahil gabi pa uwi namin.
Nakabihis ng dress anak ko ngayon na binili ko sa ukay-ukay. Tapos sinuotan ko siya ng sunglasses na gustong gusto niya dahil binili sa kanya ng tito niya. May kinuha ako sa itaas ng kwarto namin at tinawag ko siya.
"Anak, halika dito." Pag tatawag ko sa kanyang pangalan. Lumapit siya sa akin habang nakangiti. Nilagyan ko ng clip ang kanyang mahahaba at malalambot na buhok. "Halika na?" Sumang-ayon naman ang aking anak.
Lumabas na kami ng bahay. Habang ni lo-lock ko ang bahay biglang tumawag ang aking kaibigan na si Claire.
"Lea!" Bati niya sakin.
"Hi Claire! Napatawag ka?" Nakangiti kong bati sa kanya habang palakad papuntang sakayan.
Claire is my best buddy since my high school days. Nagtapos siya sa kursong BS in Accountancy. Well, parehas dapat kami mag tatapos pero nabuntis ako ng maaga. Nag stop ako sa second sem nung 2nd year College ako. Pero hindi ko pinagsisisihan na nabuntis ako ng maaga. Alicia is a blessing to me. Nang dahil sa kanya, nagawa kong bumangon at mabuhay ng masaya.
"Wala lang. Balita ko libre day mo ngayon ah?" Kumunot ang noo ko at sabay tumawa. Kinuha ko ang kamay ni Alicia at tumawid kami papunta sa sakayan ng taxi.
"At san mo naman yan nalaman?" Tumingin ako sa mga paligid ko dahil samu't sari ang mga sasakyan, kasama na ang mga taxi, ang dumadaan samin.
"Wait, wag kang mag tatawag ng sasakyanan niyo ni Alice!" Nagulat ako sa sinabi niya. Nilinga linga ko yon at kumunot ang noo ko. Medyo malabo mata ko kaya 'di siya mahagilap ng aking mata. "Sa gilid mo! Yung may red na sasakyan." Pagkatingin ko sa kaliwa, nakita ko nga ang sasakyan na yon. Nakita kong bumukas ang pinto at niluwa ng sasakyan ang aking kaibigan na si Claire.
"Lea Marie!" Sigaw niya habang patakbo papunta sakin.
"Clarissa, mag-iingat ka!" Niyakap niya ako ng mahigpit at yumukap din ako sa kanya. Ngiting ngiti ako nang makita ko siya. Sobrang saya ko na kahit naka ahon na sa kahirapan si Claire, di pa rin siya nagbabago at walang nagbago saming dalawa.
"Nako! Maipit ang anak mo!" Sigaw ko at napahiwalay ako sa kanya. Buntis ngayon sa ikalawa niyang anak si Claire at alam ko magiging babae anak niya dahil nung ikinabubuntis niya ang kanyang panganay na lalaki, wala siyang ibang hinanap kundi ang mga maasim na pagkain. Ngayon, ang hanap niya ngayon walang iba kundi mga matatamis at prutas. Nag-alala ako sa kanya kanina dahil tumatakbo siya ng nakataling habang palapit sakin. Nako sasapukin ko talaga tong babaitang to.
"Okay lang kami ni baby ko! Wag kang mag alala. Malakas kaming dalawa, gumegewang pa nga to eh. Diba baby?" Sabi niya at hinimas niya ang kanyang tiyan.
"Nako pasalamat kang babae ka at buntis ka at baka kanina pa kita sinapok. Sana hindi magmana ng ugali mo ang baby mo. Pano pa kaya kung babae yang pangalawa mo? Edi pag mag ka barkada siyang nabuntis na maaga, gagaya rin siya. Katulad ng ginawa mo?"
Itong gagang to, nalaman lang niya na buntis ako ng tatlong buwan nag pabuntis din sa jowa. Nalaman kong buntis siya nang mag pi-pitong buwan na ako. Mag bestfriend daw kami at kailangan daw parehas kami ng pinoproblema at pinag dadaan. For richer, for poor nga raw ika niya. Pero, pagkatapos niyang manganak mga apat na buwan bumalik na siya sa pag aaral. Walang kaso yon sa school namin pero ako kasi tumigil na ako kasi masyadong malaki ang nagastos ko sa hospital non.
"Sira! Kaya nga sinamahan kita mabuntis kasi bestfriend mo ko!"
"Sinong may saltik ang utak ang gagawa non ha?!"
"Edi ako! Isa pa, that's not being saltik. Ganyan ang tunay na magkakaibigan. Sama-sama sa problema. I can't ease your problems that time, para maging fair, nagpabuntis ako! O diba! Isa pa, id girl to si baby ko "My Love" ang ipapangalan ko sa kanya. Suportado ko ang kalandian ng anak ko!" Patawa niyang sinabi.
"Sira!" 'Di ko na napigilan at tumawa na rin ako.
Naglakad na kami papunta sa kanilang sasakyan at bumungad ang panganay na anak ni Clarissa na si Sebastian.
"Hi Auntie Lea! Hi Maria Alicia!" Pagbati sakin ng panganay na anak ni Clarissa. Napatawa ako sa tawag ni Sebby sa anak ko.
"You're teasing me again!" Nag pout ang anak ko habang si Sebby at tumatawa. Sumakay na kami at tumingin ang asawa ni Clarissa samin at ngumiti. Bago iyon, bumaba muna siya para pag bukas niya ng pinto si Claire.
Nang makasakay to, bumati ito samin na si Steve.
"Hi Lea! Hi Alice!" Ani nito habang nakangiti.
Kahit maaga itong nabuntis si Claire, hindi iniwan ni Steve si Claire kahit kailanman. Kahit may saltik siya nito, hindi niya iniwan ito. Mas lalo niyang minahal ang kaibigan ko at nakikita ko yon na ang pure ng pagmamahalan nilang dalawa. Marami man humadlang pero di sila nagpatinag. Kaya masayang masaya ako kung ano na narating ng kaibigan ko pati sa kanyang pamilya. Pinakasalan na ni Steve ang kaibigan ko pagkatapos makakuha ng license si Claire. Architect ngayon si Steve kaya kakayanin talaga ni Steve na buhayin si Claire pati ang aking inaanak.
"Saan ba kayo pupunta ng inaanak ko?" Pag tanong ni Claire samin nang magsimula nang mag maneho si Steve.
"Sa may supermarket sana." Sabi ko.
"Oh, we're going there too Auntie Lea!" Ani ni Sebby habang nakikipaglaro siya sa anak ko.
"Oo nga, Lea. Sabay na kayo samin." Ani ni Steve.
"Oo beshy, sabay na kayo para may kasama naman si Sebastian samin." Ani ni Claire.
"Pretty please. Auntie Lea!" Nako nagpa cute na si Sebby. Pag ganitong mga pag kakataon, di na pwede yan tumanggi. Ngumiti ako sa kanya at nag sabing yes.
"Yehey!" Sabay nina Sebastian at ni Alice sinigaw.
Walang ibang umalingasaw na ingay sa sasakyan kundi ang tawanan namin at ang boses ng mga anak namin ni Claire.
°sᴏᴘʜᴏʀғɪᴄ