Chapter 15

1.9K 40 9
                                    

Sarah's POV

Days go by ganon at ganon pa din nangyare.

Nakita ko si ac na may kasama sa may cafeteria. Nakatalikod yung babae na lumapit sa kanya.

Kinomfort si ac ng iba na ako dapat gumagawa. Nakakalungkot lang ng sobra. Wala akong magawa kasi di ko din makita kung gusto ba talaga ako ni ac. Kasi parang ang bilis niya akong kalimutan.

And until now nagkakasama sila lagi. Parang bestfriends na sila nung babae nameet niya sa cafeteria. Di ko pa din nakikita mukha nung babae. Kasi kapag makikita ko sila magkasama kung hindi nakatalikod, malayo naman sila sakin.

And eto nanaman sila kahit nakatalikod sila. Kilalang kilala ko na si ac yung isa.

Ang sakit sa puso. Sobra. Iba na yung nagpapasaya sa kanya.

"Sorry ac, wala sa lugar pero nagseselos ako". Bulong ko sa sarili ko.

Nag rang na yung bell kaya nandito na kami ngayon sa room.

Nakipag palit si ac kay jaja ng upuan. So ang katabi ko na si jaja and angeline.

Talagang umiiwas na siya.

"Class, namove yung outing. This week magaganap na yon and eto pa. Pinayagan tayo ni dean na 1week tayo don. And guess what? Sa Batangas tayo" paliwanag ni maam.

So ayon ready na talaga.

Kailangan ko na mag paalam kay mom para aware siya na 1week kami nasa batangas.

"Yonnnnnnn!". Sabay sabay na hiyawan ng kaklase ko.

Halatang excited sila.

Sana all.

P.E namin ngayon kaya nasa gym kami.

May game daw kami ng volley ball.

Nag stretching na kami para di daw mabigla yung katawan namin. Nahati kami sa 2 grupo.

Kagrupo sila angeline, andy and michelle.

Kalaban namin sila jaja ac and gia.

Nag start na yung game.

Nakapwesto na kami. Si angeline ngayon ang mag serve ng bola.

Magaling si angeline sa volleyball. Varsity siya dati sa dati naming school.

Pag serve niya in pero di nasalo nila ac.

Tumagal yung laban.

Nasasambot naman ni jaja. Maalam din ata siya mag volleyball.

23-24 na .

Leading kami kaya isa na lang panalo na kami and pag nanalo daw perfect ang performance.

Sa huling palo ni angeline tutok ang lahat.

"Boooooogshhh!" May bumagsak na lang sa sahig.

Napatakbo ako ng nakita kong nataaman ni angeline si ac sa muka.

Tinignan ko si ac nakaupo siya pero dumudugo yung ilong niya.

Pag punas niya sa ilong niya nagulat siya sa nakita niya.

"Dugoooooo" basag ang boses niya.

Bigla siyang hinimatay.

"Guys dalhin niyo siya sa clinic. Takot si ac sa dugo". Rinig kong utos ni gia.

Nilapitan ko siya at binuhat na. Wala nakong pake kung magalit siya sakin. Pero kailangan ko siyang dalhin agad sa clinic. Tinakpan ko ng panyo yung ilong niya pero walang tigil to sa pag dudugo.

The Way She Teased MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon