Chapter 39

664 18 9
                                    

Tracy's POV

Nandito na ako sa resto kung san kami magkikita ni nicnic.

Tinext ko na din and ayon papunta na daw siya. Nag taxi na lang ako. Sabi kasi ni nicnic ihahatid daw niya ako mamaya pauwe.

Umupo ako dun sa bandang dulo para wala masyadong tao.

"Maam, can i take your order?". Lapit ng isang waiter.

"Ah kuya tawagin na lang kita later, wala pa kasi yung kasama ko e.". Tumango lang ito nagsimula ng maglakad paalis.

Habang wala pa si nicnic nag cellphone muna ako.

Panay ang text ni jaja pero di ko nirerelyan

Mas kinikilig pa siya kesa sa akin e.

"Kanina kapa?". Nagulat ako biglang nagsalita kaya napatingala ako.

"Nicnic?". Takang tanong ko.

"Yep, sorry late ako." Tsaka ito umupo.

"Okay lang tsaka teka bakit ganan suot mo?". Tanong ko dito.

Hindi ko siya nakilala dahil naka sumbrero siya, shades at mask. Plus naka jacket pa siya

Tinuro lang niya yung mga babae na nasa labas.

Ahh gets ko na.

"Nakita kasi nila ako pagkababa ko ng kotse and ayon hindi na nila ako tinantanan". Iiling iling na sagot nito.

"Ah sige order na tayo gutom na din kasi ako". Tinawag ko yung waiter kanina.

"Ikaw na bahala umorder". Utos nito sakin.

Itinuro ko sa waiter lahat ng kakainin namin.

Fave ko kaya dito sa resto na to. Ansasarap ng pagkain.

Napatigil ako sa pagsasalita ng mapansin kong hindi nakikinig sakin yung waiter.

"Hey, ano ba? Naririnig mo ba mga sinasabi ko?". Napabalik ito sa ulirat niya.

"Sorry maam opo nakuha ko po lahat ng order nyo". Paumanhin nito at umalis na.

Napatingin ako sa tinitignan niya kanina.

Pati ako napatulala sa nakita ko.

Nagtanggal ng mga shades at jacket si nicnic

Damn! Ang sexy niya sa suot niyang tube na red.

Litaw na litaw yung kulay ng balat niya. Ang puti.

"Done checking me?". Nakataas ng tanong nito sakin.

"Ahh e kasi anoo, pasensya na.". Yukong sagot ko dito.

Nagintay kami ng ilang minutes bago inihanda ang pagkain namin.

Nagsimula na kaming kumain at after nito siguro mag uusap na kami.

Nag pahinga lang kami ng konti at lumabas na kami sa resto.

"Shit". Bulalas ni nicnic.

Nabigla ako nung bigla niya akong hilain at nag tatakbo.

"Aishhh teka nicnic naka heels ako". Pigil ko dito.

Pero parang wala itong narinig.

Patuloy pa din ang pagkaladkad niya sakin.

Hinahabol lang naman kami ng mga babae

"Arayyyy!!!". Napasigaw ako sa sakit na nararamdaman ko.

Natipalok na ako kakakaladkad niya sa akin.

The Way She Teased MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon