Chapter 28

832 22 7
                                    

Ac's POV

Its been a couple of days simula nung huli kaming mag usap ni nicnic.

I miss her so much but yung pride ko yung nangingibabaw. Ansakit lang kasi nung sinabi niya. Ipagtabuyan ba ako kay mark.

(Syempre sis, ikaw ba naman malaman na ganon at may picture pa? Sino hindi maiinis?)kausap ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung sino na yung mga nakakasama niya don.

Ni hindi niya din ako tinetext. Sa mga araw na nakaraan walang araw na hindi ako umiyak. Hindi ko alam na ganito pala talaga magmahal. Sobrang sakit.

Kinuha ko yung phone at tinignan kung may text si nic pero ayon wala nga tanging si mark at jaja lang.

Si mark nag goodmorning. Walang araw na pumalya siya sa pag bati sa akin like "kumain kana goodevening goodnight" ganan. Pero hindi ko siya nirereplyan pag natawag naman siya sinasabi ko na lang na wala akong load.

And eto si jaja ngayon nagyaya magpunta ng mall. Bonding daw kaya ayon pumayag nako.







"Hoy ac! Ano ba kanina pa kita kinakausap nakikinig kaba?" Pukaw nito sakin.

"Ay sorry ano nga ulit yon?". Sagot ko dito.

"Hayyyyss bes ano hindi pa din ba kayo okay ni nicnic?". Tanong nito.

"Hindi e, hindi ko na nga alam gagawin ko. Chinachat at text ko siya pero wala hindi niya ako pinapansin. Bakit ba ganito jaja? Ganito ba talaga kapag nagmahal ka?". Mangiyak ngiyak kong tanong dito.

"Sa totoo lang ac? Hindi e. Kaya ganan kasi nasaktan siya. Yes nasasaktan ka pero mas sobra yung kay nicnic. Yung time na unang yaya sayo ni mark? Tinawagan ko siya kasi hindi kita macontact non e. Yayayain sana namin kayo mag lunch pero pag sagot niya iba na boses niya. Parang galing na siya sa iyak. Sabi niya sumama lang daw pakiramdam siya. Tapos alam mo ba yung tinext niya sakin pag ka drop ng call?". Kwento nito sa akin na nakayuko.

"Ano?"tanong ko dito.

Kinuha niya yung phone niya at ipinakita sakin.

"Jaja, hanapin niyo si ac later ha? Ingatan nyo tapos isure niyo na nakauwe siya ng okay ha? Wag mo na lang sabihin na pinapacheck ko. Alam niyo naman na mahal na mahal ko yon. Halos ipagsigawan ko na nga e kaso kulang pa din hahaha sige salamat"

Pagkabasa ko biglang tumulo luha ko.

"Ac kahit sobrang nasaktan mo siya? Mahal ka pa din niya." Pagpapatahan sakin ni jaja.

"Ano bang ginawa mo at sobra siyang nasaktan?". Dagdag pa nito.

Kinuwento ko lang ng nangyare sa kanya at tumango tango siya.

"Alam kong hirap pa sa side mo na ipagsabi sa iba pero sana hindi mo siya itinanggi sobrang sakit talaga non no". Sabi nito sakin.

"Sorry jaja". Nakayukong sagot ko dito.

"No hindi ka dapat sakin magsorry. Kay nicnic dapat." Nakangiti ito sa akin.

Tumayo na kami at nagpatuloy na sa pag sashopping salamat talaga at may kaibigan akong napaka maunawain.

Pagkauwe ko ay agad kong naligo uli at magpapahinga na. Naisip kong tawagan si nicnic ngayon. Kailangan ko talaga ayusin yung nagawa ko.

Nakailang tawag na ako pero ring lang ng ring.

Please nicnic sumagot kana.

After a minute sumagot na ito.

"Nicnic, please i'm so sorry. Umuwe kana dito i badly need you right now. Kamusta kana? Okay ka lang ba?" Sunod sunod na tanong ko dito.

"Hello? Who's this? "Boses ng isang babae to.
Nagulat ako dahil hindi si nicnic to.

"Who the hell are you? At bakit na sayo yung phone ng girlfriend ko?" Inis na tanong ko dito.

"Opps sorry, wait baby nicnic? Wake up! Someone's calling you". Sagot nito sa kabilang linya.

"Shh ano ba inaantok pa ako napagod ako kagabi" ng marinig kong magsalita si nicnic sa kabilang linya biglang naginit ang ulo ko.

Pinatay ko yung phone.

Aba at magkasama pa sila matulog? Wtf! Bakit nicnic? Bakit moko niloko. At napagod pa siya kagabi? Ano may kinalantari na siyang iba habang nasa ibang bansa siya?

Umiyak ako ng umiyak hindi ko na alam biglang sumikip dibdib ko sa nangyare.

Namimigat na ang mga mata ko.

Sarah's POV

Nagising ako sa pambibwisit ni lyssa sakin.

Pagkamulat ko ay nakita kong nakayakap sakin si ella. Magkatabi kami ngayon sa kama. Nasa lapag naman si levi at katabi si lyssa.

"Galit na galit girlfriend mo nicnic". Tatawa tawa nitong sagot.

"Wtf? Bakit mo sinagot?". Fvck patay na 'ko nito.

"Why? E ang ingay ring ng ring e alam naman na natutulog pa tao dito e.

"Lyssaaa!" Sigaw ko dito.

"Sorry na di ko naman alam, tsaka sarap tulog nan a? Makayapos sayo daig pa asawa. Ano masarap ba?" Pilyang tanong nito.

Napatingin ako kay ella na ang himbing ng tulog.

"Wag kang magtatagalog dyan. Kahit ganan itchura nan maalam yan magtagalog kasi pinay mama niya. Friend ni mommy". Paliwanag niya.

Napatango na lang ako.

Lumipas ang maghapon na wala kaming ginagawa at si ella andito sa bahay dito na ata titira e.

Kinuha ko yung phone ko ng maalala ko si ac.

Tinawagan ko siya.

Naka3 ring lang at sinagot din niya.

"Hello?" Sagot nito nahalatang kakagising pa lang.

"Ac?" Sagot ko dito.

Natatakot tuloy ako sa kanya.

"O napatawag ka? Ano tapos na ba kayo mag make love ng babae mo dyan? Mas magaling ba siya sarah
HA HA HA" sarcastic na tanong nito.

"Sorry pero mali ka ng iniisip." Kalmadong sagot ko.

"P*tangina naman sarah rinig na rinig ng dalawa kong tenga sagot niya at sagot mo tapos mali pa iniisip ko". Tumataas na yung tone ng boses niya.

"Hindi ko gawain yung mga gawain mo ac wag ako yung iniipit mo dito, sorry pero ibababa ko na'to pagod ako ngayon". Walang ganang sagot ko dito.

"Yan, dyan ka naman magaling e ang umiwas ano napapagod kana? Ano? Gusto mo ng makipag hiwalay?"sigaw nito

Hindi ko alam sasabihin ko dito.

"Ano? Naputol na ba dila mo? Ah silent means yes diba? Break? Edi sige break na tayo!"

Hindi na niya ako inintay magsalit at pinatayan nako ng cellphone.

Mahal kita pero ang sakit na :(

Biglang tumulo ang mga luha ko at nagsimula na akong humagulgol.

Tinry kong tawagan uli siya pero out of coverage na siya.

Bakit ganon? Kahit ansakit ng nagawa niya mahal ko pa din siya. Andali lang sa kanya nung hiwalayan na binitawan niya.

Natawa ako habang umiiyak.

See nicnic? Wala naman talaga gustong manatili sayo. Ang hirap hirap mong mahalin.(kinakausap ko sarili ko at pinag susuntok yung bandang puso ko)















Hi guys sorry sa almost 1 month kong hindi pag update. Sobrang busy kasi.
Pero promise kahit gano katagal mag uupdate pa din ako.

Iloveyou guys! Anong gusto niyo? May pa twist tayo? Or pabilisin na lang matapos?
Feeling ko kasi walang ng nagbabasa e.
Wala kasing vote or comment e.
-Quebixxx

The Way She Teased MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon