Chapter 12

2.2K 48 4
                                    

Tracy's POV

Naabutan namin si mama na nasa kitchen ngayon.

"Hi mama". Bati ko kay mama

"Hi po tita" Bati naman ni nicnic kay mama.

"O andyan na pala kayo, kumain na ba kayo?".Bati samin ni mama habang busy pa din sa ginagawa niya.

"Oo mama tapos na". Simpling sagot ko dito.
"Ma, after mo dyan daretcho ka sa living room. May sasabihin si nicnic sa inyo. Una na po kami doon". Dugtong ko dito.

"Ah sige anak. Matatapos na din naman to". Sagot ni mama.

Nandito na kami ngayon sa living room. Iniintay na lang namin si mama pumunta dito.

"Hey love listen to me, wag kang kabahan. Im here naman e. Ako magsasabi kay tita". Nakasmile si nicnic sakin.

"Shhhh! Wag ka ngang ngumiti dyan. Nawawala ako sa focus ko" sungit na sabi ko dito.

Nakaka distract naman kasi talaga yung mga ngiti niya. Nakakainis.

Magkatabi kami ni nicnic dito sa sofa, nakahawak lang siya sa kamay ko. Nilalaro niya lang to. Di ko alam kung kinakabahan to.

Pero ako? seryoso kinakabahan ako sa magiging reaction ni mama.

Ilang mga saglit pa dumating na si mama. Nagulat siya ng makita nakahawak si nicnic sa kamay ko.

Napabitaw naman ako kay nicnic, dahilan upang mapatingin din siya kay mama.

Umupo sa harap namin si mama. Antahimik ng paligid.

"Tita?". Pambasag ng katahimikan ni nicnic.

Napatingin si mama kay nicnic pero di to nagsalita.

"Magpapaalam lang po ako sa inyo ...... na kung pwede ....... ko po bang ligawan .... si Ac". Utal utal na tanog ni nicnic kay mama.

"Totoo ba to ac?" Seryosong tanong ni mama sakin.

Hindi ako sanay na ganito si mama. Ang alam ko ganito si mama pag hindi niya nagugustuhan yung mga nangyayare.

"Ahh o....po maa.." utal utal ko ding sagot kay mama.

"Ah okay". Sagot ni mama samin.

Nagkatinginan lang kami ni nicnic.

"Ma? Okay lang sayo yung ganito?" Lakas loob kong tanong kay mama.

"Syempre hindi". Sagot ni mama.

Dahilan para mapayuko si nicnic. Napahinga lang ako ng malalim.

"Nicnic, iwan mo muna kami ni ac. Maguusap muna kami. Tatawagin ka na lang namin kapag tapos na kami magusap". Utos ni mama kay nicnic.

Agad namang pumunta sa kitchen si nicnic.

Nabalik ako sa wisyo tungkol sa sinabi ni mama na ayaw niya.

Sabi ko na nga ba ayaw ni mama sa ganito. Oo open siya pero siguro ayaw niya sa ganitong klaseng relasyon.

"Ayaw ko anak pero syempre, anak kita ac, mahal kita. Gusto ko lagi masaya ka. At alam kong ito ang magpapasaya sayo. Ina mo ako, kaya alam ko din kung makakabuti ba o makakasama sa anak ko.". Napatingin ako sa sinabi ni mama.

"Anak? Eto ang unang mong karanasan sa pagibig. Eto din ang una mong inilapit sa akin.". Dagdag ni mama.

"Opo ma. Thankyou po" napaiyak ako sa sinabi ni mama.

"Wag kana umiyak dyan. Mas okay din to sakin. Dun tayo sa safe anak. Kahit magka anohan pa kayo dyan ni nicnic walang mabubuo". Napatingin lang ako kay mama.

The Way She Teased MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon