CHAPTER THREE

262 13 0
                                    

" Let's go, Anna," halos pakiusap na ni Marco sa kanya habang nakatayo ito sa labas ng nakabukas na pinto ng passenger side ng kotse nito.

Umiling siya. Pakiramdam niya'y nanlalamig siya at nabibingi sa lakas ng kaba ng kanyang dibdib. Kasalukuyan silang nasa parking lot ng isang maliit na coffee shop sa San Simon, ang kasunod na bayan ng San Jose.

Kanina matapos mananghalian ay pinasama siya ni Marco na mamasyal para daw mawala ang takot niya sa maraming tao. Nagpakatanggi-tanggi siya dahil kahapon lang ay ipinasyal siya nito sa buong San Jose. Nahihiya siya na parang nagiging pabigat na siya dito. Pero nagpumilit ito at sinabing sa San Simon naman sila papasyal dahil walang nakakakilala sa kanila at susubukan nitong i-expose siya sa mga tao.

Napili ni Marco ang maliit na coffee shop na iyon dahil halos walang customer at para unti-unti siyang masanay ulit sa presensya ng ibang tao sa paligid. Pero nang lalabas na sila ng sasakyan ay nag-panic attack na naman siya at ngayon nga'y ayaw na niyang lumabas.

" Let's go home, Marco. Please," pakiusap niya sa nanginginig na tinig. May mga luha nang nakaambang na tumulo sa kanyang mga mata dahil sa panic at sa frustration na rin. She wanted to be okay again pero hindi nakikipag-cooperate ang reaksyon ng sariling katawan sa gusto niyang mangyari.

Marco knelt before her and took her quivering hands and covered them with his own warm hands. " Anna, look at me."

" Please, Marco let's just –"

" Anna, listen. Nandito lang ako sa tabi mo. Kung gusto mong hawakan ang kamay ko just for you to feel secure while we are in there, by all means. And I promise you, everything will be alright," anito na nakatitig sa kanya nang matiim. Every word he said was with conviction.

Napatitig siya dito. She was looking for security at nakikita niya iyon sa mga mata ni Marco. " D-Don't let go, please."

Tumango ito. " Promise."

She took deep breaths bago pinilit ang sariling lumabas ng sasakyan. She was still shaking with fear pero pinilit niyang labanan iyon. Kailangan niyang labanan ang takot na dulot ni Mr. Salvador sa kanya. Hindi siya pwedeng matakot habambuhay.

Inalalayan siya ni Marco na lumabas ng sasakyan. Napahigpit ang hawak niya sa kamay nito nang dumako ang kanyang tingin sa nakasarang glass door ng shop.

" Take a deep breath," bulong ni Marco sa kanya at ipinatong ang libreng kamay nito sa kamay niya. She did as what she's told at maya-maya pa'y kinabig na ni Marco ang glassdoor pabukas.

Agad niyang iginala ang paningin sa loob ng shop, not really sure kung ano ba ang hinahanap niya. Was she looking for familiar faces or strangers? Isa lang ang sigurado siya, she wanted to feel safe.

There were only three customers inside the shop. A middle aged woman occupying a table near the door was busy reading a magazine. A couple occupied the table near the counter were so serious in their conversation that they didn't even notice their arrival.

Iginiya siya ni Marco sa isang corner table na lihim niyang ipinagpasalamat. These past few days, napapansin niyang she felt safer when she's not put in the middle of the crowd unlike before.

" I'll just get us something," paalam ni Marco nang makaupo na siya.

Agad na umahon ang kaba sa dibdib niya sa isiping iiwan siya ni Marco mag-isa para pumunta sa counter. Mabilis niyang kinuha ang kamay nito na kanina'y binitawan niya nang makaupo na siya. Marco smiled knowingly.

" Just stay here, Anna. You have to trust me and the people around you. Just think of this as part of your healing process."

" Pero –"

AETERNUM SERIES 1: A TWIST OF FATE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon