CHAPTER NINE

279 12 0
                                    

Akmang tatayo na sana si Marco mula sa kinauupuan nang magsalitang muli si Martin.

" Francisca's greatest love was unconventional during our time," ang mga mata ng matanda ay tila pinamahayan ng sakit. " She fell in love with L-Lucia."

Napatuwid ng upo si Marco sa narinig. " What the hell are you talking about, old man? Don't bad-mouth my mother. Alam ko ang totoo. You bore Lucia a child and mom's too martyr to even accept Anna!" His voice is in controlled anger.

Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng ama pero ilang sandali pa'y napuno ang silid na iyon ng tawa nito. " I wish it was how you thought it was, son. Sana nga'y minahal ako ng ganun ni Isca pero hindi iyon ang nangyari. Listen well, Marco Vallarta for this will perhaps make your life easier."

May kakaibang kabang umahon sa dibdib ni Marco sa sinabing iyon ni Martin. Kinakabahan siya sa kung anuman ang maririnig mula sa ama at kung ano ang tunay na pagkatao ni Anna Valeria.

"Isang working student noon si Lucia sa pamilya ng mama mo. Maagang naulila si Lucia dahil natabunan ang kanyang mga magulang sa gumuhong lupa nang may dumaang bagyo dito noon. The Garcia's were very traditional. They cared so much about what the society thinks of them lalo na at isa sila sa pinakamayaman dito sa San Jose.

Magkaklase kami ni Francisca simula pa lang noong elementarya and I have to say, I have loved her since forever. Pero iba si Isca, as I fondly called her, sa ibang mga babae. She wears her hair short and would not accept suitors. She's opinionated and strong willed too. And I loved her more because of that. Pero gaya ng ibang mga binata, tinanggihan niya ang pag-ibig ko," isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Martin nang maalala ang nakaraang iyon.

Tahimik lang na nakikinig si Marco habang mahigpit ang pagkakahawak sa gilid ng kama ng matanda. Hindi kailanman niya naisip na may ganitong lihim ang kanilang pamilya halos dalawang dekada na ang nakakaraan.

" May isang manliligaw si Isca na masyadong nasaktan sa pagtanggi niya sa pag-ibig nito. He was bitter and wanted revenge. May mga usap-usapan na noon tungkol sa kung ano talaga si Isca pero walang naglakas-loob na palakihin ang issue dahil nga makapangyarihan ang mga Garcia sa bayang ito. But that man, who came from a prominent family from another town, hired a private investigator. The investigator was able to take pictures of Isca and Lucia in an intimate situation.

Lakas-loob na nagtungo ang lalaki sa mag-asawang Garcia at ipinakita ang ebidensya ng pagiging lesbian ni Isca. Binayaran ng malaki ng mag-asawa ang lalaking iyon kapalit ng katahimikan. Maging ang mga katulong ay pinalitan at binayaran para walang lumabas na chismis. At dahil masyadong traditional ang mag-asawa, sapilitang ipinakasal sa akin si Isca para matigil na ang mga usap-usapan.

Ako ang napili ng mga magulang niya dahil magkaibigan ang aming mga pamilya at hindi lingid sa kanila ang pagtingin ko para sa kanilang anak. Noong una'y ayaw ni Isca pero nang palayasin si Lucia sa bahay ng mga Garcia at ipapapatay daw ito kung hindi ito magpapakasal sa akin ay saka lamang pumayag si Isca. Ako nama'y agad na pumayag sa gustong mangyari ng kanyang mga magulang dahil alam kong iyon lang ang paraan para maging akin si Isca. Naging bulag ako sa kalungkutan ng ina mo sa pagpapakasal sa'kin."

Pakiramdam ng binata ay nanlaki ang kanyang ulo sa naririnig. Everything seemed unbelievable kung hindi lang galing kay Martin. Sa isipan ni Marco ay nabuo ang mga imahe nina Lucia at Francisca, mga taong nag-ibigan sa maling panahon. Ngayo'y alam na niya kung bakit kahit kailan ay hindi niya nakitang nagpahaba ng buhok ang ina o kung bakit parang lalaki itong kumilos.

"Pero bakit nagkikita pa rin sila ni mommy pagkatapos n'yong ikasal kung umiiwas kayo sa scandal?," naguguluhan niyang tanong makaraan ang ilang sandali.

AETERNUM SERIES 1: A TWIST OF FATE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon