CHAPTER FOUR

246 11 0
                                    

" So how's your day?", seryosong tanong ni Marco habang nakaupo sa tapat niya. Nasa loob sila ng isang maliit na restaurant sa Poblacion at kasalukuyang kumakain ng tanghalian. Sinundo pa siya nito kanina sa room para siguradong sasama siya dito.

" Good," maikling sagot niya na hindi makatingin dito ng maayos. Paano ba siya makikitungo dito ng maayos kung ang nasa utak niya ngayon ay ang mga panunuksong ginawa ng mga kaklse niya dahil dito?

" What do you mean good?", tila naiinis na tanong ni Marco na hindi man lang ginalaw ang pagkain at nakatitig lang sa kanya.

Nabitin sa ere ang dapat sana'y pagsubo niya dahil sa nakitang inis sa mukha ng binata. May ginawa ba siyang kasalanan dito o hindi lang maganda ang umaga nito at siya ang napagbuntunan ng inis nito?

Ibinaba niya ang kutsarang may lamang pagkain sa kanyang plato at sinalubong ang mga mata nito. " Galit ka ba?"

He took a deep breath bago luminga sa paligid. May ilang customers sa loob ng restaurant na iyon pero hindi naman sila napapansin ng mga ito dahil isang booth ang pinili nitong ukupahin nila at nasa bandang sulok pa iyon ng restaurant.

" I'm sorry. It's just that I'm so worried for you. Hindi ako maka-focus sa classes ko dahil nag-aalala akong baka nag-panic attacks ka na at gusto mo nang umuwi pero di ka makakilos. It's driving me crazy," seryosong sagot nito na bakas sa mukha ang pag-aalala nito sa kanya.

Parang may malamig na kamay na humaplos sa kanyang puso sa nakikita niyang concern ni Marco para sa kanya. Hindi niya napigilan ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata na pinilit niyang labanang huwag tumulo.

" There were times that I got scared today. There were times that I wanted to run to you and ask you to take me home. There were times when I just wanted to hide from the other students to not see them gossiping about me. But I chose not to because someone believed that I'm strong enough to stand up to what was scaring me. I wanted to make myself less scared and make that someone proud,"madamdaming pag-amin niya at hinayaang pumatak ang kanyang mga luha. It felt liberating to let those tears flow.

Nang makita niyang akmang pupunasan ni Marco ang kanyang mga luha gamit ang mga daliri nito, she closed her eyes and waited for his touch. And when that touch came, she couldn't help but smile. It was feather-like touch as if he was afraid to cause any unpleasant memory to surface in her mind. She didn't flinch and for the first time after that incident, she welcomed wholeheartedly the warmth that his touch gave her.

And just when she was beginning to get drunk in the warmth he was giving, he stopped. Agad siyang nagmulat ng kanyang mga mata at agad ding nagbaba ng tingin nang makasalubong ang mga mata ni Marco na matiim na nakatitig sa kanya.

Did she just let him see how he affects her? Wala sa loob na napakagat siya ng kanyang labi at tahimik na nagdasal na sana'y hindi nito napansin ang epekto nito sa kanya. She tried eating again to distract herself nang muli itong nagsalita.

" You're an extraordinary brave soul, Anna. Any man who would try to win your heart should prove first how he loves your spirit, remember that."




Mabilis na lumipas ang mga araw at malapit na ang katapusan ng semester. Sa pagpipilit na rin ni Martin ay pinaturuan siya ng martial arts para sa kaligtasan na rin niya. Sinasamahan siya ni Marco every weekends sa Sam Simon kung saan nakatira ang kanyang instructor.

Naging busy na rin silang dalawa ni Marco dahil malapit na ang finals pero kahit ganun ay lagi siya nitong cheni-check tuwing may vacant period ito. Nakikita niya itong sumisilip sa labas ng assigned rooms nila, making sure she's okay. Hindi rin ito pumapayag na hindi sila magkasabay sa pagpasok at pag-uwi. Tuwing lunch ay magkasama rin sila. Dinadala siya nito sa Poblacion para doon kumain dahil ayaw daw nitong mailang siya sa ibang mga students sa canteen.

AETERNUM SERIES 1: A TWIST OF FATE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon