CHAPTER SIX

245 14 0
                                    

Kasalukuyan . . .

Kanina pa gising si Anna pero wala siyang ganang bumangon. Alas-nuebe na ng umaga at medyo masakit na sa balat ang sikat ng araw na pumapasok sa nakabukas na bintana ng kanyang silid pero ayaw pa rin niyang bumangon. Halos dalawang linggo na rin mula nang dumating siya galing Vienna and she made sure to enjoy the warm weather lalo pa't winter sa Austria nang umalis siya.

For almost a month now, she dreaded this day to come. Kung pwede lang sanang sumakay siya ngayon ng eroplano pabalik ng Austria ay ginawa na niya. Pero hindi maaari. Martin needed her just as much as he needed Marco. And she owed it to the old man to return home.

She smiled bitterly at the thought of the word home. Was San Jose really her home? Simula nang araw na sinundo siya ni Martin sa San Isidro ay hindi na siya muling nakaapak sa lugar na iyon. San Jose became her new home kahit na ba hindi aabot ng isang taon ang pananatili niya dito dahil pinadala siya ni Martin sa Cebu para mag-aral ng culinary arts matapos lang ang isang sem niya sa SJC ayon na rin sa recommendation ng kanyang cooking instructor. Nakita daw kasi nito ang potential niya sa pagluluto na lihim niyang ikinatuwa.

She wanted to pursue culinary and at the same time leave the place that reminded her so much of her Marco. Pinasama ni Martin sa kanya si Nanay Anding ng isang semester para maalalayan siya nito sa bagong lugar.

Minsan lang siyang nakakauwi dito dahil na rin sa pag-aaral at minsan ay siya na mismo ang gumagawa ng dahilan para hindi makauwi dahil sa tuwing umuuwi siya'y naaalala niya si Marco. Hanggang sa nag-OJT na siya and with Martin's connections, she was able to train in one of Austria's most expensive hotels, Hotel Sacher Wien. She was assigned specifically to Café Sacher bilang kitchen assistant. After she graduated, they hired her. She was already working in the restaurant as chef de parte for almost two years now when the unexpected news arrived.

A month ago ay tumawag si Nanay Anding sa kanya na umiiyak. Ibinalita nito sa kanya na may sakit si Martin. Pancreatic cancer at nasa terminal stage na. Martin wanted to hide it from her and Marco pero hindi iyon pinakinggan ni Nanay Anding, who only wanted the best for the man she served for so many years now. She was shocked and devastated with the news. Ang takot at lungkot na naramdaman niya noon nang malamang maysakit ang tatay Rodulfo niya ay nabuhay ulit.

With no hesitations, she resigned from her job after a week, leaving Sophia alone. Kahapon ay tinawagan siya nito at ibinalitang lumipat na ang boyfriend nito sa apartment para may kasama na ito.

Napabuntong-hininga siya nang maalala ang unang pagkikita nila ni Martin nang umuwi siya. She was shocked nang makitang sobrang malaki ang ibinagsak ng katawan nito kumpara noong huling pagkikita nila isang buwan na ang nakaraan nang dumaan ito sa Vienna para bisitahin siya at tumuloy sa Paris para bisitahin ang isang kamag-anak nito.

To her dismay, ayaw nitong magpagamot dahil gusto na daw nitong makita muli ang asawa at nagbiro pang magkakagulo daw sa langit kapag magkikita-kita na silang apat nina Francisca at ng mag-asawang Enriquez. Hindi niya mapigilang umiyak sa harapan ni Martin nang malaman ang kalagayan nito. He had been her pillar of strength for the past years and she couldn't accept that he's dying.

Nang gabi ding iyon ay ibinigay ni Martin sa kanya ang titulo ng lupa sa talampas. Shock was understatement sa naramdaman niya nang mga oras na iyon. She wanted to hysterically laugh kung hindi lang magtataka si Martin. He was giving her the place where Marco consumed her innocence. He wanted to give her the very place she didn't want to set foot ever again because the memories of that night seemed to haunt her whenever she remembers the place.

It would have take hell to freeze before she accepted the lot if only Martin did not blackmail her emotionally. Pinakiusapan siya nitong tanggapin ang regalo nilang mag-asawa dahil iyon ang huling habilin ng namayapang si Francisca. He wanted to fulfill her last wish. Tinanggap niya ang titulo kahit na walang interest doon para lang mapaluguran ang matanda.

AETERNUM SERIES 1: A TWIST OF FATE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon