Chantal's P.O.V
"Gusto mo kausapin ko si Koa?" tanong sakin ni Imer
"Para san pa?" tanong ko sa kanya, wala naman kasing dahilan para kausapin siya
"Kasi nasasaktan ka na" simpleng sagot niya
"Okay lang naman, tsaka hindi niya alam na alam kong pinaglalaruan niya ako"
Sobrang init na ng gilid ng mata ko.Naramdaman ko na niyakap ako ni Imer, dafuq gusto ko na umiyak sa kanya.
Pag naalala ko na pinaglalaruan niya lang pala ako, nalulungkot nalang ako. Gusto ko nalang umiyak bigla.
"Nga pala class, sino gusto mag audition sa lakan at lakambini? After class na yon. Dito mismo sa room 8"
Gusto ko sumali, pangarap ko yung ganon e. Gustong gusto ko talaga mag model.
Malapit na nga pala ang buwan ng wika namin, next week na yon.
"Imer sasali ka?"
Matangkad at gwapo naman si Imer e, magaling siya sa mga ganyan. Bagay siya sa mga ganang contest.
"Oo e, ako kinausap ni Ma'am e tas si Jade daw kapartner ko"
Okay, medyo nalungkot ako don, usto ko den sumali e. Pero sige si Jade nalang gusto niya din naman sumali e. Tsaka may experience naman siya don.
"Sige nood nalang ako ng audition niyo mamaya" pilit na masiglang sabi ko
Bigla naman pumasok yung Adviser namin, siguro may meeting para sa buwan ng wika, at kung ano ang mga mangyayari doon.
"May meeting tayo after class, wala munang uuwi"
'~
"Lakan at lakambini lang ang magaganap sa buwan ng wika, dahil mag kasama ang junior at senior high. May talent portion at question & answer din na magaganap. Ang susuotin ng mga sasali ay base sa mapupuntang lugar sa kanila, recyclable dapat ang mga suot ng kandidato."
yan yung sinabi ngayon sa meeting, di na ko masyadong nakinig kase criteria for judging nalang naman ang sinasabi.
Nagulat ako ng biglang tumabi sakin si Koa, psh kanina lang kalandian niya si Mariel.
Kinakausap niya ako pero wala akong pake kaya tango nalang ako ng tango.
"Pano pag nahulog ako sayo? sasaluhin mo ba ako?"
nagulat ako, bigla nalang huminto yung tibok ng puso ko.
ewan ko ba, hindi ko alam.
bakit ganito? parang totoo na?

BINABASA MO ANG
Everything Was Fake
Teen FictionA fool girl, fall for a playboy. She fall by his words, his clinginess, everything. She thought it's all true, but sadly, it isn't. Because they're just in a game.