Chapter 1

133 25 2
                                    

  Chantal's P.O.V

Alam mo yung feeling na pinaglalaruan ka lang? Yung akala mo totoo yung pinapakita at pinaparamdam nya sayo pero hindi naman totoo.

Ganun na ganun kasi yung nararamdaman ko sa kanya simula nung malaman ko na pinaglalaruan nya lang pala ako. Gustong gusto ko syang sapakin pero hindi ko magawa

"Ayos ka lang?" tanong nya sakin. Shems. Bakit ganito sya parang may care sya sakin pero alam ko naman na pinaglalaruan nya lang ako

"O-oo" sabi ko, kinakausap ko pa rin sya kahit pikon na pikon na ko.

Kung tatanungin nyo ko kung bakit ko pa sya kinakausap at hindi ko pa sya sinasapak isa lang ang sagot ko dyan dahil gusto ko syang saktan ito lang masasabi ko sa kanya "If you treat me like a Queen, I treat you like a King. But if you treat me like a Game, I'll show you how to Play"

Titibayan ko na yung loob ko para hindi ma-fall sa kanya.

Ayaw ko ma-fall sa isang tulad niya masasaktan lang ako, ako rin ang matatalo sa huli. Naglakad na ko palayo sa kanya ayoko munang makita yung pagmumuka nya baka hindi ko mapigilan yung sarili ko na saktan sya.

~

Para tuloy ayokong pumasok ngayon dahil sa kanya na iinis ako sa kanya. Akala ko talaga totoo lahat ng yon hindi naman pala.

Umasa ako sa wala, ang tanga ko kasi bakit ako aasa na magkakagusto sya sakin e wala naman akong kwenta.

Simula ng malaman ko na pinaglalaruan nya lang ako naisip ko na layuan nalang sya baka kasi tuluyan lang akong mahulog sa kanya, sa taong mapaglaro pero mas maganda kung sasakyan ko sya.

Mamaya na nga yan, magpapakilala muna ako my name is Chloe Chantal Mendez na pinaglalaruan ng isang lalaki. Alam ko na pinaglalaruan nya ko pero hindi ko pa rin sya iniwasan. Hayyy. Ang tanga ko talaga.

Matagal ng sinasabi ng mga kaibigan ko yun pero hindi ako nakikinig. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko naman kasi mapipigilan yung sarili ko na mahulog sa kanya. Wala namang makakapigil sa puso naten

Pagpasok ko sa room tinignan agad ako ng mga kaibigan ko. Sila kasi yung kasama ko nung umiiyak ako kahapon

Flashback

"Par may sasabihin ako sayo, pero wag ka maingay" sabi sakin ni Jho. Babae po sya na mukang lalaki. Parang alam ko na to a. Kausap nya kase si Koa kaya alam kong may nasagap tong balita. I know her tsimosa.

"Nuyon?" I said

"Diba kanina nung Mapeh natin magkakasama kami. Tinanong ni Yhan kung may feelings ba sayo si Koa ang sagot naman ni Koa pinagsasabay sabay daw kayong tatlo"

What the. Shems. Akala ko totoo. Hindi pala. Bakit ganon? naniwala agad ako? Tae. Ang rupok ko.

"E sino yung dalawa?" Malamang ako yung isa don.

" Si Mariel tsaka si Assey"

Tang'naaaaa. Sabi na e.

Ang sakit  

Pagkatapos  sabihin yun ni Jho nairita na talaga ako. Dapat tatambay pa kami dito pero na badtrip ako kaya nag yaya na akong umuwi ang malas pa kasama ko pa sya, kaya nag yaya na talaga ako.

"Par uwi na tayo." sabi ko na may kasamang diin

"Akala ko ba tatambay pa tayo dito?Tsaka kasama natin sila Koa" si Jade. Bakit kailangan pa banggitin pangalan nya? Tss.

"Wala. Sige na bilisan nyo na dyan." sabi ko sa kanila habang nakayukom ang aking kamao na handa ng pangsapak kay Koa.

Narinig ko pa sila na nagtatanong kung anong nangyayare sakin, hindi ko na lang sila pinansin. Hanggang sa nag yaya na silang umalis dun. Dumiretso kami sa park kung san nandon sila Koa. Nasa isang tabi lang ako at wala akong imik nagpipigil lang talaga ako ng galit. Wag nya lang antayin na masagad ako baka masapak ko sya.

"Hoy! Ayos ka lang?" si Lyn

"Oo naman" 

"Hindi nga? Ano problema?"

Kung alam mo lang

"Wala nga" tsaka ako umiwas ng tingin.

"Koa si Chantal oh. May problema ata" sabi ni Lyn.

Lintek.

"Ano yun Chantal?" with matching paghawak pa sakin. Err

"A wala yun haha"

Away talaga nila kong tantanan -,-

"Boi may nalimutan akong bilhen" si Assey

Lintek ngayun pa talaga kung kelan nila ako na corner. Susunod na sana ako sa kanila ng bigla nila ako hinila pabalik.

"Chantal ano ng kasi yun?" pati si Neil nakisali na. Wala na corner na ako. Lintek na yan.

"Wala ngaaaa!" sabi ko habang nakatungo. Shetttt. Naluluha na ako.

Habang hindi pa nila ko makumbinse na sabihin yun bumili muna sila ng pagkain kaya pasimple ako umalis at tumawid para sumunod kala Jade.

Patawid na ko ng biglang.... May van!



Everything Was FakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon