Koa's P.O.V
Ang daming gumugulo sa isip ko.
Kung bakit ko ba sya pinaglalaruan?
Kung bakit ko ba to ginagawa sa kanya. E wala naman akong mapapala.
Sasaktan ko lang sya.
Tama pa ba to?
Tuwing kasama ko sya may iba akong nararamdaman.
Ano to?
Pero hindi pwede to dahil mahal ko si Rose. Sya yung nililigawan ko. Sya lang dapat. Pero bakit ako nag e-effort na paglaruan si Chantal? Dapat si Rose ang binibigyan ko ng effort e.
"Tama Koa si Rose dapat ang asikasuhin mo hindi si Chantal" Bulong ko sa sarili ko
Chantal's P.O.V
Hindi talaga ako nakatulog. Takte kasi yung sinabi ni Jade e. Lalo tuloy luumalaki eyebags ko.
Pano kung ligawan ka nya?
Pano kung ligawan ka nya?
Pano kung ligawan ka nya?
Omoooooo. Bakit ako nagkakaganito? E PINAGLALARUAN NYA NGA LANG AKO. Papasok na ako ngayun sa room naglalakad ako ngayun sa hallway hindi ko alam pero lutang talaga ako ngayun.
"PARRRRRRR!!!!!!!!"
Si Jho yan. Kahit kelan talagaaaaaaa. Nang maabutan nya ako tinakip nya ako sa balikat.
"Anong nangyare sa mata mo? Muka kang panda! hahahahahaha"
"Tss. Hindi kasi ako nakatulog"
"Bakit?"
"Tinanong kasi ako ni Jade kahapon kung 'pano pag niligawan nya ako' ayun hindi na nawala sa isip ko, Kaya eto napala ko. Hayyyy"
Pag katapos ko sabihin yun hindi na nag salita si Jho. Buti at nakaramdam sya. Pag pasok namin sa room sumigaw lahat ng kaklase ko habang nakatingin sakin.
"Waaaaaaaa"
"May pandaaaaaa"
"Halaaaaaa"
"TRAIN TO BUSANNN!!!"
"Zombieeee!"
Yan lang naman ang ilan sa mga sinasabi nila. Tinamaan na ng lintek ang mga kaklase ko.
"MAG TIGIL NGA KAYOOOO!!!!!" sigaw ko
"Bakit kasi ganyan ang itsura mo?" tanong sakin ng nasa likuran ko
Pagharap ko si Koa pala. Nagulat ako, biglang bumilis ang tibok ng puso. Walang emosyon ang pinakita kong muka sa kanya. Para lang akong nakatingin sa walang kwentang bagay rather tao.
"Hindi lang ako nakatulog." bored na sabi ko
"Balik na ako ah? Mag rereview pa ako." Sabi ko habang nakaturo sa likod
Tss. Sira na agad umaga ko kelan ba aalis tong gunggong na to sa paningin ko?! Ayaw ko na talaga syang makita. Lalo lang nahuhulog yung loob ko sa kanya.
~
Lunch break na. Pero nakapangalumbaba pa rin ako dito, tinatamad akong kumain. Wala akong gana. Lagi nalang akong nakatulala pero wala naman akong iniisip. Blanko. Blanko yung isip ko.
"Boi! Kain na tayo! Hindi ka mabubusog sa daydream!" si Jade
"Tsk! Hindi ako nag de-daydream!" sabi ko habang kinukuha yung pagkain ko.
Mag katapat kami ni Jade ng biglang....
"Koa! Dito ka kain!"
LINTEK!
Lumapit na samin si Koa kaya hindi na ako dumaldal kasi ayaw ko talaga makasalamuha sya. Like baka sya pa yung gawin kong panda dyan!
Pano kung ligawan ka nya?
Tsk! Naalala ko na naman. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Jade kay Koa nung first year kami.
Flashback
Pista ng nayon bukas kaya kailangan naming maghanda. Ginagawa namin ngayun yung mga bandiritas Magkatabi kami ni Koa habang nag kwekwentuhan tapos katapat namin si Jade.
"Bagay kayo!" si Jade
Potekkk. Talaga tong babaeng to. Kahit kelan e. Tumungo na lang ako kasi nahihiya na ako dito.
Lupa kainin mo na akoooo
"Ligawan mo kaya sya. Walang nanliligaw dyan" dagdag pa ni Jade
Tss. Masasapak ko to e
Natawa na lang si Koa sa inaasta ni Jade. Jusko ba naman
End of Flashback
Napangiti na lang ako habang naalala ko yun.
"Hoy natitimang ka na ata dyan!" si Jade na naman
"Wala wala may naalala lang hahahahahaha"
Natawa na lang tuloy ako. Wala akong pake kung kasama ko si Koa kumain. HE IS NONSENSE. Wala na akong pake sa kanya. Kung dati hindi ako mapakali pag hindi ko sya nakikitta. Pwes iba na ngayun.
"Dalhin mo na nga yan sa metal parang kanina lang tahimik tapos ngayun tatawa na lang bigla" sabi ni Jade kay Koa.
"Epal to!" sabi ko kay Jade
Natapos na kaming kumain kaya umalis muna si Koa para ibalik yung baunan nya sa bag
"Hoy ulile!" tawag ko kay Jade
"Anong ulile?!" galit na tanong nya sakin
"Alam mo, muka akong zombie ngayun."
"Oh anong gagawin ko?"
"Ikaw may kasalanan nito e" inis na sabi ko sa kanya
"Anong ako?!" gulat na tanong nya
"Tsk! e kasi nag tanong ka lang naman 'Pano kung ligawan ka nya?' Dahil dyan sa lintek na tanong mo hindi akko nakatulog kaya eto na pala ko! Eto!" sabi ko habang nakaturo sa mata ko
Sobrang hirap mag assume pag alam mo na yung sagot. Bakit kasi pinagpapatuloy pa rin natin yung paghahabol e alam naman natin na tayo yung 'taya' kaya tayo yung naghahabol pero hindi natin sila makamit kasi naghahanap pa sila ng 'iba'. Tayo na nga yung nandito para sa kanila, tayo yung nagmamahal sa kanila pero bakit ganon? hindi sila nag 'love back'. Tayo yung nagmahal tayo din yung masasaktan.
A/N:
Hi guys! Sorry ngayun lang ako nakapag-update. Marami kasi ginagawa sa school. SHOUT OUT DUN SA MGA KAIBIGAN KO! ayan na hahahahahaha. Salamat nga pala sa inyo guys! dahil sa inyo top 3 ang EWF sa most impressive rankings! Salamat ng marami! Mwaps! DON'T FORGET TO VOTEEEE!

BINABASA MO ANG
Everything Was Fake
Teen FictionA fool girl, fall for a playboy. She fall by his words, his clinginess, everything. She thought it's all true, but sadly, it isn't. Because they're just in a game.