Chenle's This and That

113 3 19
                                    

"Ji."

"Ha- ARAY!" napasigaw si Jisung sa sakit nang sa paglingon niya ay sinalubong ng mukha niya ang paa ni Chenle na naging dahilan ng pagkahulog niya mula sa kama.

"Ano ba, Zhong Chenle?! Ginagawa ko sayo?!" pilit na bumangon si Jisung habang hinihimas ang ulo niyang unang sinalo ng sahig.

May karapatan naman siyang magalit dahil sa nakalipas na oras ay wala naman silang ibang ginawa kundi tumambay lang. Di naman sila nag-uusap dahil busy si Jisung sa game niya sa phone, si Chenle rin naman busy sa kakabantay ng mga laro ng GSW sa phone din niya mismo. Walang makitang rason si Jisung kung bakit siya sisipain sa mukha bigla ng bespren niya.

Samantalang yung isa naman ay tinapon sa isang tabi ang phone niya, nilapitan si Jisung at mahinang tinanggal ang malaking kamay nito para palitan ng sa kaniya at nagsimulang masahihin ang nauntog na parte. "Sorry beh. Bored lang."

Naisapak ni Jisung palayo ang kamay ni Chenle (pinagsisihan niya ng slight kasi magaling magmasahe yung loko, sayang). "So sinipa mo lang ako kasi bored ka? Ganoon? Anong ineexpect mo, magsasabi ako ng 'ah, sige oks lang'?" bulalas ni Jisung habang tinitignan ng masama si Chenle.

Tumawa naman ang loko. "Kaya nga sinipa kita Ji eh," pag-uumpisa ni Chenle nang makuntento na ito sa kakatawa (mga 2 mins. lang naman siyang humalagakpak ng tawa. Chenle, obahajima). "Kyot at madaldal ka kasi pag galit ka kaya ayan. Saka hindi lang ako bored. Bored na bored," inemphasize niya pa yung point niya ng pagkumpas-kumpas sa kamay niya.

"O, e problema ko ba yan?" walang emosyon na balik sa kaniya ni Jisung.

"Hindi. Pero diba may pact tayo na problema ng isa, problema ng lahat?"

"Oo. At ayaw na ayaw rin naman natin lahat nung pact na yan. Di ko nga gets kung bat ginawa pa natin yan eh."

"Well, gusto ko siyang i-apply ngayon," ngumiti si Chenle ng mapanloko. "May idea ako kung anong magandang gawin."

"Umayghad. Sure akong hindi na naman to matino," napahawak si Jisung sa noo niya (kasi hindi lang si Chenle yung pwedeng maging dramatic dito).

Tinignan ni Jisung si Chenle na kumakaladkad ng desk drawer nito saka may binunot na isang notepad, sabay kuha ng isang lapis sa makalat niyang mesa at bumalik sa kama.

"Ano yan?" takang-takang niyang tanong habang nagsimula nang magsulat si Chenle sa papel.

"Papel, Ji," matipid na sagot nito pabalik.

"Matalino ka na niyan?" umirap si Jisung. "Anong balak mong gawin jan sa papel?"

"Susulatan."

"Namo, Chenle."

"Hehehe, sorna Ji. Eto nga kasi balak ko," inayos ni Chenle yung pagkakahilata niya sa kama para ipakita kay Jisung yung sinulat niya sa papel.

"Chenle's This and That? Ano yan?" talagang naiirita na sa puntong eto si Jisung dahil timatamad na siyang magtanong ng magtanong. Pinoy Henyo lang ang peg. Sa tanong niya ay napangiti ng malawak si Chenle. Wow, ang cute niya sana.

"Gagawa ako ng isang summer bucketlist," sabi nito sabay nagsulat ulit. "At maghintay ka nalang muna jan, tatanungin nalang kita for ideas."

"Wow, Brainly na pala ako ngayon? Flattered yung tatlong natitirang braincells ko," pang-aasar pa ni Jisung kay Chenle. Sa totoo lang bored din siya ngayon, at ang barahin si Chenle ang katuwaan niya (pero parang baliktad ata yung nangyayari eh no).

"Mhm," ang matipid na sagot ng isa. Mukha siyang nagsasagot ng exam sa mukha niya ngayon. Eh hindi nga yan ganyan ka seryoso pag sumasagot ng exam eh, napaisip si Jisung.

"Ji," sa loob ng ilang minuto ay panay ang tawag ni Chenle sa kaibigan para magtanong ng suggestions na nagpairita lalo kay Jisung kaya nakisakay na rin siya sa paggawa nito.

"Ano na naman? Dadagdag ka pa? Eh 17 na to, ang dami na nga yata neto," pagrereklamo niya agad. Bukod pa kasi sa 17 na ang nailista ng kaibigan niya ay halos sobra pa sa kalahati nito ay nagpapakaba na kay Jisung dahil todas talaga si Chenle kung mahuli siya.

"I-try ko kayang mag-jowa?" nakangiting tanong ng binata.

Mga ilang segundong tinignan ng may blankong mukha ni Jisung si Chenle. "Huwag lang yan, Lele. Huwag lang yan."

"Ha? Ba't naman?" hindi alam ni Jisung kung nagmamaang-maangan lang si Chenle para sa munting bucketlist niya o sadyang hindi niya talaga naiisip ang maaring mga resulta sa mga gagawin niya.

Isang sa mga pinakaclose na kaibigan niya si Chenle. Bestfriends na nga ang turingan nila sa isa't-isa eh. At kahit na palagi niyang binabara ang kaibigan (at sinasakit din siya pabalik kaya quits lang), alalang-alala parin ito sa kaniya.

"Masasaktan ka lang," mahinang sambit ni Jisung. Ang huli niyang gustong mangyari ay totoong masaktan ang kaibigan niya sa mga ginawa niya mismo.

Napangiti si Chenle sa sagot ni Jisung. Hindi siya matuturingang bestfriend ng isa kung hindi siya marunong magbasa ng mga maliliit na pag-iba sa kilos ng kaibigan, at ang mga kahulugan ng mga kilos na ito.

Lumapit pa siya kay Jisung saka niyakap ng mahigpit ang bespren niya. Wala lang, na-touch siya ih. "Salamat, Ji. Pero magiging okay lang ako. Pipiliin ko naman ang tamang tao."

Hindi agad umimik si Jisung, at alam ni Chenle na nag-iisip ito kung papayagan ba niya si Chenle sa gusto niya o hindi. Maya-maya'y niyakap din siya pabalik ni Jisung.

"Basta wag na wag mong hayaan na masaktan ka nila."

Napatawa ng mahina si Chenle. "Oo naman. At," inangat ng kaunti ni Chenle ang ulo niya para tignan si Jisung sa mata, "kung sakaling mangyari na masaktan man ako, nandiyan ka naman para sakin, diba?" at hinigpitan niya pa ang pagkakayakap niya dito.

Hindi ulit umimik si Jisung at tinitigan lang siya pabalik, pero ang simpleng pagbaon niya ng ulo sa leeg ng kaibigan ay sapat ng sagot at paninigurado para kay Chenle.











Kinabukasan ay natagpuan ni Jisung ang sarili niya sa likod ng bahay nina Jaemin na pinapanuod si Chenle habang dinudumog nito ang samoyed ng hyung nila.

Shet, mag-uumpisa na nga talaga siya. Wala na tong pagbawi. Napadasal nalang si Jisung na sana hindi hayaan ni Jaemin yung aso niyang tumae sa hardin ng nanay niya pag nalaman niya ang nangyayari ngayon kundi makakatay nga talaga siya.

chenle's this and that | chensungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon