Ep. 10 (Part 2)

12 1 4
                                    

Dalawang oras na ang nakalipas at halos nasa kalagitnaan na sila ng kanilang biyahe. Sa unang van, kung saan nakasakay ang mga (matatanda) responsible adults, natutulog ang karamihan at ang iba naman ay nagchichismis sa katabi. Ang natitira ay nakikipag-usap sa pagbabakasakaling makapag-chancing.

Sa kabilang dako, ang ikalawang van naman ay may jamming session, pero karaoke ang labas dahil makakati ang mga dila nila at di mapigilang bumirit.

"LADEH! WON'T YOU SAVE ME! MA HART BELONGS TO YOU!" 

"Donghyuck, utang na loob naman ang taenga ko! Lumipat ka nga ng upuan!" pagsaway ni Mark kay Donghyuck. Medyo napapagod na siya sa pagmaneho kaya mas madali na siyang naiirita. Hindi rin nakatulong na puro birit ang kanta na tumutugtog sa kasalukuyan. Tapos yung bumibirit sa likuran niya pa nakaupo. Saya, di ba?

Dedma lang si Donghyuck kahit na tumaas na ng kaunti ang boses ni Mark sa kaniya. Sinasabi rin naman kasi nung isa ang mga linyang iyon sa sandali na mag-umpisang kumanta si Donghyuck. Ano pa ba'ng punto niya? (Charot lang. Ang respeto sa matatanda ay importante, guise.)

"LADEH! CAN YOU FORGIVE ME!? MOMALL I'VE DONE TO YOUUUuUuUuwOAh!" pagsunod ni Chenle. Wala eh, taob na yung iba. Sila na lang nakatiis sa taas ng kanta.

"Wow! May pakulot-kulot! YouUUuUuOH!" 

"Sabi nang wag ka na gumaya, Nana. Nakakahiya," malambing (pa rin) na puna ni Jeno kahit na nasa unahan siya ng van, katabi ni Mark dahil siya ang driver number 2 (ngunit hindi naman talaga nila nagawang pumalit ng driver dahil nakatulog siya).

Dedma rin siya nung isa. Di na narinig dahil sa sigaw ng mga nakaupo sa pinakalikod ng van.

"Mimiyuh ka ghorl?!" malakas na comment ni Renjun. Pinalitan na lang niya ng banat sa songerists ang mga parts ng kanta na di na niya maabot.

"WOOH! EY!" may kasamang malakas na pagpalakpak pang pag-hype ni Lucas. Magkatabi pala sila ni Renjun kaya di mataas altapresyon ni mamang Injun sa araw na ito.

Si Jisung? Ayon, nakahawak sa noo niya habang nakasandal sa bintana ng van. Siya na lang nahiya sa mga kaibigan niya.

"LADEH! OH LADEH!!!!" chorus na bago ang bridge ng kanta at sabay nang kumakanta sina Donghyuck at Chenle. Ang nalalabi naman ay nag-aabang sa highest note sa buong kanta; nag-aabang sa kung sino ang mapapahiya sa dalawa, dahil paniguradong may pipoyok at pipyok talaga sa huli.

"OH LÁ-!"
"OH LADEH!!!!!!!!!"

Ayon, may pumiyok nga. Laking pasasalamat talaga ni Mark na tumahimik na ang nakaupo sa likuran niya. Napagpasiyahan ni Donghyuck na itulog na lang ang hiya na naramdaman niya sa nangyari.

Napagod na rin si Chenle sa kabibirit kaya tinapik-tapik nito si Jisung, na umayos ng upo nang tinapik siya, at sinandal ang ulo nito sa balik nung isa. Napangiti na lang si Jisung at pinatong na lang rin ang ulo nito sa kay Chenle. 

At nakahanap na rin ng katiwasayan ang ikalawang van.



"Five hours latel," ala-spongebob narrator na wika ni Jisung sa sandaling nakalabas na siya ng van. 

Pagkatapos ng halos anim na oras ng biyahe ay nakarating na rin sila sa kagubatan na kung saan gaganapin ang kanilang camping. Karamihan sa kanila ay kagigising lang mula sa pagtulog sa buong biyahe. Sina Mark at Johnny ay gustong-gusto nang matulog dahil sa pagmamaneho. Sa unahan naman nilang lahat ay sina Yuta at Lucas na manghang-manghang pinagtitignan ang paligid.

Bagama't inaantok pa rin ay pinilit ni Taeyong na manatiling gising, nag-stretching ng pandandalian, at saka tinawag ang atensiyon ng hukbo. "Guys, form a circle!" Gustong sapakin ni Taeyong ang sarili niya dahil sa lahat ba naman ng pwede niyang masabi, iyon pa ang lumabas sa bunganga niya?

Malamang sa malamang ay humalakhak ang mga loko. True friends nga naman.

"Yes, teacher!" pang-aasar sa kaniya ni Ten gamit ang nakakasukang pagpapa-cute na boses. Nakatanggap siya ng isang kurot kay Kun.

"Oy!" narinig nilang sigaw ni Lucas. Lumingon sila kung saan ito nanggaling.

"Dito tayo pumwesto!" pagtawag ni Yuta sa may di kalayuan. Ang kinatatayuan ng dalawa ay isamg damuhan, may kalakihan ito na paniguradong kakasiya ang buong camp site na bubuuin nila. Pagkakita rito ay bigla yatang nabuhayan ng loob ang mga lalaki, at nagsitakbuhan na papunta doon.

Matapos nilang mag-arms sideward, para raw sakto ang bilog sabi ni Jungwoo, ay umupo na silang naka-indian sit, ang atensiyon ay tutok kay Taeyong kasi takot silang baka magalit na talaga ito.

"So," paninimula ni Taeyong. "Kailangan muna natin kumain." 

Nagsagutan naman ng pag-sang ayon ang lahat.

"Kunin na namin ang mga cooler," sabi ni Yuta sabay tayo. Sumunod sa kaniya si Lucas.

"Mga tangang to, di agad binitbit," mahinang sambit ni D****** nang makalayo na ang dalawa. Tumawa na lang si Taeyong na nakarinig nito.

Dinaan na lang nila sa pagchika ang gutom nila habang naghihintay sa mga cooler ng pagkain. Dapat ay magbabarbecue sila agad, ngunit pinagsabayan sila ng pagod at gutom kaya napag-usapan nilang de-lata na lang muna ang kakainin nila. Wala nang umangal dahil kahit ang mga designated chef na sina Taeyong, Jaehyun, Jungwoo at Jaemin ay sumuko na sa gutom.

Ilang minuto pa ang lumipas at halos maulol na ang iba sa gutom. Nagsimula na silang magsireklamo dahil bakit nga ba ang tagal nung dalawa, eh ang lapit lapit lang nung mga van? Nilingon nila ang kinaroroonan ng mga ito. Sakto naman na kalalabas lang ni Lucas sa isang van.

"Oy! Ano pang ginagawa niyo jan?" pagtawag ni Johnny. Unti-unting lumingon si Lucas sa direksyon nila. Labis naman nilang ipinagtaka kung bakit ang ekspresiyon nito ay parang humiwalay ang kaluluwa niya sa kaniyang katawan. Napatahimik sila dahil akala nila may sasabihin si Lucas, ngunit nakatitig lang talaga ito sa kanila.

Bago pa sila makatanong ay lumabas na rin si Yuta mula sa isa pang van. "Wala rin sa inyo?" natatarantang tanong nito sa isa. Nabigla yata si Lucas sa kaniya at tinignan siya nito kaagad saka umiling-iling bilang sagot.

Habang dumadagdag ang pagtataka ng iba, nanlamig naman si Taeyong. Inalala niya ang mga gamit na pina-double check niya bago sila umalis, at naramdaman niya ang pagsisimula ng pagtulo ng malamig na pawis nang sumagi sa isipan niya ang cooler. Shet, wag naman. Utang na loob.

Kahit na halos nanghihina siya ay pinilit ni Taeyong na tumayo at pinuntahan ang dalawa. Ang iba naman ay tahimik pa rin na nanonood sa nangyayari. 

"Yuta," isang salita pa lang mula kay Taeyong at napayuko ng 90 degrees si Yuta.

"Paumanhin po!" wika nito.

Dali-dali namang pumunta si Lucas sa gilid ni Yuta at nag-90 degrees bow rin. "Paumanhin po talaga!" 




"Di ko pa rin alam ang nangyayari, pero mukhang intense na. Jeno hyung, pabukas netong popcorn."

"Shh!"




Sa kabilang dako, gusto nang mahimatay ni Taeyong. Wag muna, Taeyong. Baka may pag-asa pa. Inhale. Exhale. "Cooler ba ang naiwan?" Natigilan na rin ang mga nanonood sa kabilang banda nang marinig nila ang tanong na ito. 

Nakayuko pa rin na tumango ang dalawa sa tanong ni Taeyong. 

Binalot ng katahimikan ang lugar na tumagal ng ilang segundo na sa pakiramdam nila ay inabot ng ilang oras.

Hanggang sa sumigaw si Chenle na nagpabalik ng mga kaluluwa nila sa kanilang mga katawan. At nagkagulo na ang ang campsite.

"PUTANG INA NAMAN!" naisigaw na lang ni Taeyong.




a/n: NCT 2020 LETS GEDDIT

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

chenle's this and that | chensungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon