Chenle's This and That
4. Makatakas sa bahay ng lagpas 10 pm (magpasundo kay Jisung)
5. Tumambay sa convenience store ng di oras at mag-live mukbang sa instagram (sa account ni Jisung)
Ring ring ring ring
Missed call, another missed call
12, 12:30, 2, 2:30am
I'm getting stressed cuz of you-"Hello?" nakapikit pa ang mga matang sinagot ni Jisung ang tumatawag sa kaniya. Naglo-loading pa ang utak nito dahil kakatulog palang niya ng mga isang oras at bigla bigla nalang nagtutunog ang cp niya. Hindi na niya tinignan kung sino ang tumatawag o kung may tumatawag nga ba talaga
"JISUNG PWARK!" nailayo ni Jisung ang cp niya sa taenga niya dahil sa napakalakas (at tinis) na sigaw ng pinakamamahal niyang bff. Nagising ang diwa niya dahil dito at iritadong tinanong si Chenle pabalik.
"Ano na namang kailangan mo?"
"Sunduin mo ko dito samin," mahahalata sa boses ni Chenle ang pagka-excite na nagpa-alala kay Jisung dahil paniguradong hindi na naman to maganda.
"Bat?" tipid niyang sagot habang bumangon saka pumunta sa closet niya para kumuha ng hoodie at sweatpants. Advance na siya mag-isip dahil alam niyang hindi naman niya mahihindian si Chenle. Wala, marupok eh.
"#4 sa listahan," ang matipid na sagot ni Chenle saka nagbabye at binaba na ang tawag. Sa inis na dahil sa ginising siya ng di-oras ay napamura nalang si Jisung ng halos lahat ng alam niyang mura na para bang nagrarap ng part ni Taeyong sa Chain bago dahan-dahang tumakas sa bahay nila. Di nga niya alam kung ba't nag-effort pa siyang magpaka-ninja eh out of town naman yung parents niya.
"Juiceq, Chenle," nanghihinang sambit ni Jisung habang tinitignan si Chenle na pababa na mula sa bintana ng kwarto niya. Kahit na may hagdan naman siyang gamit, eksaktong sa ilalim ng kwarto niya ang malaking bintana ng kusina nila, na sa kasalukuyan ay nakabukas ang ilaw at tanaw na tanaw mula sa loob si Mrs. Zhong na nagtitimpla ng gatas, at ang bababaan ni Chenle ay eksaktong nakatapat dito.
Nasa unang step na siya ng hagdan nang maramdaman ni Chenle na may tumitingin sa kaniya ay inikot niya agad ang paningin niya at kumaway nang makita si Jisung. Sumenyas naman sa kaniya si Jisung na bumalik sa kwarto niya at tinuro ang bintana ng kusina nila, gustong iparating na mag-ingat dahil may tao.
Ngumanga sa kaniya pabalik si Chenle na nagsasabing hindi niya magets at sa halip ay minadali ang pagbaba. Napa-face palm nalang si Jisung habang binabantayan ang mga galaw bi Mrs. Zhong sa loob at sinenyasan si Chenle na huminto muna kasi lumapit samay bintana ang ina niya.
"Hah?" lang ang naisagot ni Chenle bago tumalon mula sa third to the last na step at tuluyan nang nakababa sa hagdan. Napanganga nalang si Jisung mula sa kinataguan niya nang sa kabutihang palad ay namatay na ang ilaw sa kusina at makikitang umaakyat na si Mrs. Zhong pabalik sa kwarto niya.
Napahinga ng maluwag si Jisung. "Nasa kusina kanina yung mama mo. Juice ko di mo kasi alam yung feeling na borderline mahhighblood dahil hindi ikaw yung nagbabantay habanv tumatakas ka," pag-uumpisa ng sermon ni Jisung habang inaayos ang buhok at damit ni Chenle na medyo nagulo dahil sa pagtakas niya.
"Sus, EZ," sagot lang ni Chenle at hinawakan nito ang kamay ni Jisung saka maglalakad na sana papunta sa parte ng hardin na inayos niya para may labasan sila ni Jisung nang biglang bumukas yung ilaw ng garahe nina Chenle (na malapit lang sa kinalalagyan nila ngayon) at may dali-daling lumabas mula sa sinabing lugar.
"Zhong Chenle!" pagsigaw ni Mrs. Zhong nang maabutan nito ang dalawa (mahinang pagsigaw lang kasi sensitive si Mrs. Lee na kapitbahay nila sa mga sigawan). "Saan ka pupunta ha?"
BINABASA MO ANG
chenle's this and that | chensung
RandomKung saan susubukang gumawa at kukumpletuhin ni Chenle ang isang bucketlist bago matapos ang summer ng huling year nila sa high school. At siyempre, makakasama niya ang bespren niyang si Jisung bilang gabay na magluluwas sa kaniya sa kapahamakan. "J...