Chenle's This and That
7. Pabilisan ng pag-ubos ng mikmik nang hindi nabubulunan (bawal umubo kahit slight! Gawing shield si Jisung in case na may mabulunan at magalit)
Sa kabutihang palad (at sa kamalasan ni Chenle) ay napagkasya naman ng 7-11 na kasalukuyang kinalalagyan nila ang lahat ng nabiktima niya. Hindi nga niya inasahan na ganito pala kadami ang nabola niya.
"Ang totoo niyan ay inuto ko sila na may libre kaya nasama sila," pag-aamin ni Ten sa kaniya. Nagpeace-sign naman ang mga kabarkada niya kay Chenle at wala nang nagawa ang binata kundi ibuwis ang black card niya.
Turns out na nagkita pala ang tribu ni Ten at tribu ni Johnny pagkatapos siyang i-text ni Chenle para mag-introduce yourself sila (at mareto na ni Johnny si Yuta sa kabarkada ni Ten na si Winwin) kaya sumama na rin sila.
Dumagdag pa ang tribu ni Taeyong na saktong nag-group study sa library ng university nila noong pinagtripan sila ni Chenle (scam sana para manghingi ng load pero di niya alam na binigay pala ng nanay ni Jisung yung pangalawang number ng bata kay Taeyong in case of emergency).
At hindi magpapahuli ang tribu ni Mark na kinabibilangan ng dalawa. Nagpaspecial pa ang mga to at nagpahuli ng dating at naging dahilan kung ba't parang sardinas na sila ngayon sa loob. Pero they managed, nakakahinga pa naman sila.
Naging madali sa kanila ang magkita-kita dahil ang 7-11 branch na ito ay nakapaloob sa Neo Got My Street, which is located sa sentro ng subdivisions na kinapapalooban ng mga tribu este grupo. Dito rin makikita ang town plaza nila.
Ang grupo nina Taeyong, Taeil, Doyoung, at Jungwoo, ay nakatira sa Boss Skrrt Skrrt na nasa north ng NGM street. Ang grupo naman nina Johnny, Yuta at Jaehyun ay nasa Queso na napapaloob sa east. Samantalang ang grupo nina Mark, Renjun, Jeno, Donghyuck, Jaemin, Chenle, at Jisung ay napapaloob sa Young subdivision na nasa south. Last but not the least ay sina Ten, Kun, Lucas, Winwin, Xiaojun (Xiao Dejun, yung panandaliang crush ni Chenle), Hendery at Yangyang na taga Weishen na matatagpuan sa west.
(a/n: pt pabalik balik akong nagbilang para siguraduhing 21 sila jan)
Inubos nila ang dalawang oras sa pagkilala sa isa't-isa na hindi naman naging mabilis dahil sa nag-click agad sila. Pero siyempre pahirapan parin ang pagsasaulo ng mga pangalan. Nang magtatatlong oras na sila doon ay naalala ni Chenle na may bucketlist pa pala siyang aatupagin. Kinalabit niya si Jisung na tuwang-tuwa na pinapanood ang (fail) fliptop battle ni Yangyang at Donghyuck (feat. Renjun as referee).
"Ha?"
"Bili tayong mikmik, dali," hinila na agad siya Chenle para hakutin ang dalawang packs ng mikmik at pinakita sa waiter para i-punch sa counter at idagdad sa pahaba nang resibo.
"ANNOUNCEMENT!!!" wala manlang effort na sigaw ni Chenle na mas malakas pa sa naka megaphone. Nagsitigil naman sila sa mga pinaggagawa nila at tumingin sa binata na ngayon ay nakatayo na sa itaas ng mesa.
"Excuse me po, sir, yung mesa po. Madudumihan niyang sapatos mo," pagsaway sa kaniya ng cashier na kanina lang ay parang parte na rin ng mga tribu dahil nakikisawsaw rin ito. Di naman nila iniignore, masama kayang mang-others.
"Tinanggal ko naman yung sapatos niya saka pinatungan ko po ng carton," follow-up naman ni Jisung. Nag thumbs up naman ang cashier.
"So mga iba pang hyungs, makinig kayo. Magkakaroon tayo ng isang mini game, well, hindi na nga mini kasi halos isang classroom na tayo dito. Pero gets niyo naman na."
Saktong magpoprotesta na sana si Johnny nang dumagdag ng babala si Chenle, "ang hindi maglalaro ay babayaran ng lahat ng kinain niya," agad naman na binaba ni Johnny ang kamay niya at sinarado ang bunganga niya dahil top 2 siya sa pinakamarami ng kinain (si Lucas ang current valedictorian na sumakop ng halos kalahati ng babayaran ni Chenle).
BINABASA MO ANG
chenle's this and that | chensung
RandomKung saan susubukang gumawa at kukumpletuhin ni Chenle ang isang bucketlist bago matapos ang summer ng huling year nila sa high school. At siyempre, makakasama niya ang bespren niyang si Jisung bilang gabay na magluluwas sa kaniya sa kapahamakan. "J...