Chenle's This and That
11. Neo Got My Street Tambays Palarong Pambata
"Chenle, takot na talaga ako. Yaw q na, I'm out."
"Reklamo ka ng reklamo, sumusunod ka parin naman. Shut up ka na nga muna kasi, Ji. Mabuking pa tayo eh," pagsaway ni Chenle kay Jisung na kanina pa nakahawak sa hoodie niya at parang magnanakaw na nakatakas dahil palingon-lingon ito sa paligid niya.
"Eh kasi," pag-uumpisa ulit ni Jisung, "ba't ba natin sila sinusundan? Di ba pwedeng sa plaza nalang tayo maglaro? Kahit ano pang gawin natin basta ikaw ang nagpasimula at si Renjun hyung ang target mabubuking at mabubuking naman talaga tayo!" pero tulad nga ng sinabi ni Chenle, sumusunod parin sa kaniya si Jisung.
Napahinto si Chenle para tignan si Jisung at irapan ito. "Ang boring nga maghintay sa iba. Kasalanan ba nating naisipan nilang si Johnny hyung ang ipa-drive? Alam mo namang isang oras pumili ng OOTD si hyung na yan."
Napatahimik si Jisung. "Good point."
"Susunod na nga lang kayo, di niyo pa magawang tumahimik," napatalon ng kaunti sina Jisung at Chenle sa boses mula sa likod nila. Paglingon nila ay napatingin sa baba si Jisung at sinalubong ng iritadong Renjun at si Chenle naman ay napatingin sa taas sa mukhang tuwang-tuwa na si Lucas. Minsan napapaisip nalang si Chenle kung ano bang hinihithit ng hyung niya na lagi ata siyang nasa cloud nine, pero inaamin niyang masaya to the point na lutang rin siya minsan kaya di na niya pinag-iisipan ng mabuti. Share niya lang.
Napangiwi ang dalawa kay Renjun. "Hi hyung?" dahil siya ang kumaladkad kay Jisung para sundan sila, nag-take responsibility nalang ng kusa si Chenle. Nakaligtas sila noong ninakaw nila yung drawing ng hyung nila (dahil sa pera) pero hindi siya sure kung makakalusot sila ngayon, lalo na't date pa nila ang napiliang i-crash. Shet, bad life decisions.
At dahil nga unang 'date' (gusto niya tawaging date) niya ito sa crush niya ay mukhang nagmemenopausal na ginalit si Renjun, hindi na nakaligtas ang dalawang bubwit ngayon sa legendary chokehold ng hyung nila. Nagpakawala si Chenle ng dolphin-level na sigaw nang biglang may pumulupot na braso sa leeg niya. Patakbo na sana siya ngunit napasigaw si Jisung sa sigaw ni Chenle kaya hindi na rin siya nakatakas. Habang nararanasan nila ang karma ng kanilang mga ginawa (*si Chenle lang dapat) ay tumatawa lang si Lucas sa tabi at nagsasabing 'ang sweet niyo namang mag-BFF'. Pinatigil niya lang si Renjun nang mangiyak-ngiyak nang tumingin sa kaniya sina Jisung at Chenle (agad naman siyang sinunod ni Renjun, whipped).
"Balik nalang akong China," hinahabol parin ang hiningang bulong ni Chenle kay Jisung. Tiningnan lang siya ng masama ni Jisung na as if nagsasabing 'sabi na nga ba eh'.
"Ano nga palang ginagawa niyo dito?" biglang pagtanong ni Renjun na ikinagulat ng dalawa. Nako, takot na ata. Tinuro lang ni Jisung ang katabi niya at nagets agad ni Renjun na para na naman to sa bucketlist niya. "May kinalaman ba sa pagsunod sakin ang next item mo na yan?"
"Wala," mahinang sagot ni Chenle.
Feel na ni Renjun na sapakin ang sarili niya sa inis. "Eh bat mo kami sinusundan?!"
"Trip ko lang hyung!"
"T😃ngina ka!"
"Alam ko po!"
Habang kinakabahan na nanonood si Jisung ay tuwang-tuwa lang na humahalakhak si Lucas. Tularan po natin si Lucas Wong na kahit nasa harap na ng piligro ay nagagawa paring tumawa ng todo.
#positivityAng nadatnan ng mga fashionably late (literal) ay ang lumuluhod na si Chenle sa harap ng mukhang mangangain nang si Renjun with the haunted house sa background. Matatawa na sana sila kasi ang mga naririnig nila ay sagutan ng 'p😙ta ka talaga!' at 'alam ko na nga, hyung!' pero dahil sa background ay kinilabutan sila. Pwede na mag-apply si Renjun sa loob, kahit wag na siya sumuot ng costume.
BINABASA MO ANG
chenle's this and that | chensung
RastgeleKung saan susubukang gumawa at kukumpletuhin ni Chenle ang isang bucketlist bago matapos ang summer ng huling year nila sa high school. At siyempre, makakasama niya ang bespren niyang si Jisung bilang gabay na magluluwas sa kaniya sa kapahamakan. "J...