1st day in College

3 1 0
                                    

College Life, this is it. Dito mo na malalaman kung anong gusto mong profession sa buhay. Eto na ang simula kung saan kailangan na mag seryoso, hindi na ito katulad ng highschool life na pwede ka pang magluko at magpaiyak ng mga teacher.

June 15, 2015 ang first day ko as a college student. Kinuha ko ang kursong BS Information Technology. Ang totoo nyan gusto ko talaga maging architecture kaso wala nun sa school. International pa naman hahahaha joke lang mahal ko school ko char lang uli. hahaha what I mean is.....haist wag na ngang i-mention school ko.

My first day of school is great. Nakakilala agad ako ng mga bagong kaibigan. Sa loob ng isang linggo madalas kami ang magkakasama. I would like to introduce, Rica, Joshua, and Cedrick the four of us our became friends. Pero hindi ganun katatag, simula ng mag-umpisa ng mawala ang mga gamit at pera namin. Unang nawala ang phone ni Cedrick na nakita sa kama ni Rica. Which is, how did that happen? Kasi sa dorm nila is 'no visitors' allowed.

Pero di na namin yun inisip kasi ayaw namin mangbintang. So we still accept Rica to our group pero mukhang nagkamali kami dahil nawala ang allowance ko for a week. And we think Rica stole it from my bag. How am I sure? Dahil niyaya ko sila na mag jollibee kami kasi nakatanggap ako kay tito ng coupon. Si Rica at my dorm mate lang ang sumama sa akin.

Nung time na nasa jollibee kami ako at si Ate Ludy ang kumuha ng food sa counter. Then si Rica lang ang naiwan sa upuan namin. Pagbalik ko naabutan ko na sinasara na nya ang bag ko. Then sabi nya kinuha nya lang daw yung ipinahabilin nya sa bag ko. So ayun nag okay lang ako at hindi ko na binigyan yun ng malisya.

Then the other day nung kukunin ko pera ko sa bag ko. Wala na, as in nawala na. At naalala ko ang nangyari kahapon. So sa tingin nyo? sino ang kumuha?

So dahil sa nangyari na yun nawalan na kami ng tiwalang tatlo kay Rica at hindi na namin sya isinasama. Nagkaroon kami ng mga panibagong group of friend.

One month na nung magsimula kami sa college. And hindi na maganda ang nangyayari sa section namin. Mali pala ang naisip ko na matured na kami pagtungtong namin ng college. Kasi nandito pa rin yung pinag walk outan kami ng prof namin. May awayan at sariling grupo ang mga magkaka-klase. At kami ang pinaka pasaway.

At may tatlong grupo sa klase namin. First is the boys group na pasaway na pinapangunahan naman ni Janjo. Second is grupo ni Aiyish , Kaith, Gillian, and Girlie. patatlo naman yung iba. Ako? wala akong grupo im just carefree at that time. Lahat part ako ng group just go with the flow lang ako. Pero itong si Rica sunod parin ng sunod.

So ayun na nga ang magulo naming klase. And now mapunta tayo sa lovelife. May manliligaw ako simula nung start ng college. Pano kami nagkakilala ? Pinsan sya nung kapitbahay namin, nung namention ko papasok ako sa Westmead nasabi nya sa akin na may pinsan daw sya dun nag aaral. Ei that time namromroblema ako sa kung anong gagawin ko dun kasi malayo ang papasukan ko, 2oras ang byahe mula sa amin kaya naman nag dorm na ako.

Tinawagan nya ang pinsan nya at ipinakausap sa akin. At dun na nagsimula ang lahat. Nung nagkausap kami hanggang sa nagkakilala at  hanggang sa umabot na sa ligawan. Nagsimula syang manligaw nung magsisimula na ang 1st day of class. Masaya nun kahit laging may tampuhan at selosan. And to tell you the truth hindi sya gwapo, maputi lang sya and okay lang yun dahil hindi dapat tayo nagbabase sa appearance ng tao.

Umabot ng tatlong buwan ang panliligaw nya sa akin. Itatanong nyo kung naging kami??? Hindi. Bakit?

Birthday ko nun August 25. We celebrate my Birthday with all of my classmate at roommate. Actually nagulat ako dahil I just prepared a spaghetti na niluto pa ng mama ng ka dormmate ko. Yung spaghetti dumami  may Pizza, Cake and Ice cream na ibinigay sa akin ng mga mabubutihin kong ka roommate. That was amazing ang saya. Lahat ng kaibigan ko nandun and yun ang first time ko na mag celebrate with my friend.

Chapter's of the AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon