Narealize ko after kung i-reject si Jaed. Siguro bigyan ko ng chance si Jv kasi sabi naman nila on the process of dating matutunan natin sila mahalin.
So nung pasukan nakipag meet ako kay Jv and yes I let him to court me.
1month sinagot ko sya. 1 month na kami ang saya ko ng bigyan nya ako ng silver bracelet. Simple lang pero may meaning. Sabi nya nahirapan daw sya humanap ng ibibigay nyang bracelet. Pero nung nakita nya to naisip nya na bagay to sa akin. SimpleAng saya namin wala kaming masyadong tampuhan tapos sina Dimple panay ang asar. Si Leodynel naman di ko na masyadong kinakausap. Para iwas selosan na din kami ni Jv. Okay naman din si Jv sa mga kaklase ko at lahat. Everything is almost perfect but eto nanaman si Rica. Bumalik nanaman sya.
May baby thesis na ipinagawa sa amin. So lahat kaming group nagsama-sama at nag overnight sa bahay nila kuya jose. Completo kaming lahat. ka group ko sina Joshua, Cedrick, Kaith , Gillian and Janjo.
Nasa table ako ngayon at ipinaggagawa ko sila sa Math nila. Napagalitan kasi dahil ako lang ang may assignment nun kaya pinagawa sila. Nag volunteer ako na ako gagawa kapalit ng sila ang gagawa ng baby thesis namin.
After matapos nag inuman naman ang mga boys habang kaming mga girls nakatulog na sa kwarto namin. Yun lang ang nangyari sa buong overnight namin.
Pero itong si Rica, wala akong kaalam-alam sinabi nya kay Jv na 'uminon daw ako, tapos puro daw lalaki katabi ko' nang malaman ko yun tangina gusto kong sabunutan si Rica.
Pero nung sinabi yun ni Rica kay Jv. pumunta sya sa bago kung dorm at biglang nakipag break. Wala akong Idea sa mga nangyari basta nalang syang umalis matapos nyang sabihin yun. Tapos bigla naman dumating si Rica at tinanong ako kung bakit ako umiiyak. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. Cinomfort nya pa ako hindi ko alam sya pala may kasalanan.
Dahil sa lungkot at confusion bumalik ako sa dati kung dorm at dun umiyak. Pinatatahan naman nila ako at nung naging okay ako sinabi ko ang nangyari nagalit naman sila dahil bakit daw ginawa nya.
Tapos mga ilang oras may kumatong sa pinto ng Unit namin. Narinig ko ang boses ni Jv hinahanap nya ako. Hindi ko alam kung magpapakita ako o kung ano. Pero narinig kong sabi ni Ate Ludy na wala ako dun. After nun umalis na sila.
Nag thank you naman ako kay ate ludy. mga 3am na naisipan ko ng umuwi dahil may pasok pa ako ng 7am.
Bumalik ako sa bago kung dorm at dun nakita ko si Jv na naka-upo sa tapat ng pinto namin.
Napatayo naman sya, ng makita nya ako.
"Tabi" sabi ko sa kanya. Pinipigilan ko ang iyak ko pero nung niyakap nya ako at narinig ko ang sorry nya. Napaiyak nalang ako, ramdam ko din ang pag-iyak nya.
Humingi sya ng sorry, sorry dahil sa mas naniwala sya sa iba, sorry daw dahil hindi daw nya muna inalam bago sya nagsabi ng ganun.
Humarap ako sa kanya at niyakap ko din sya. At tinanong ko kunh ano ba kasi ang naging dahilan. At yun na nga sinabi nya sa akin ang sinabi ni Rica.
Napangunahan daw agad sya ng galit, pero nung kumalma daw sya bumalik daw sya sa dorm namin para kausapin sana ako. Pero wala daw ako kaya hinanap nya ako kung saan tapos nakita nya daw si Yvonne. Tapos nagtanong sya about dun sa overnight.
Kaya sobrang panay ang sorry nya sa akin. Pinatawad ko naman sya kasi naintindihan ko sya. Pero nung malaman ko yung about sa sinabi ni Rica ugh naiinis ako. Alam ko kung bakit yun ganun, kasi nag kwento sa akin si Rica dati na feeling nya daw may gusto sa kanya si Jv ei nung time na yun manliligaw ko sa si Denden kaya wala akong paki nun.
Nag-usap naman kami ng gabing yun at nagpromise na sa isa't-isa lang kami magtitiwala.
Tiwala lang kasi talaga, para tumagal sa isang relationship.
BINABASA MO ANG
Chapter's of the Author
Non-FictionThis is all the regrets that I would like you to read. This is dedicated to a person that I love the most. That I hope he would forgive me.