2nd Sem.- Love Bloom

3 0 0
                                    

Pasko na woooooh ito na naman ang araw na madudukutan ako ng mga inaanak ko. Haist yung feeling na nadudukutan ka ng mga inaanak mo pero ikaw di ka na makadukot sa mga ninang at ninong mo. Ang unfair lang dapat give and take hahahaha.

So pasko na masaya na naman nandito kami sa bahay ng ninang ko. Umuwi sila galing LA ang dami nanamang pasalubong hahaha.

Pero di pasko or mga regalo ang topic natin ngayon.. Kasi kung nabasa nyo Love Bloom ang title natin ngayon.

At saka bago yun mabalik muna tayo sa November. Naalala nyo yung may nag text sa akin ng 'Hi' ilang araw ko yun di nireplyan. Di talaga ako nagrereply kapag di nakasave sa phonebook ko ang no.

So ito na nga after ng ilang days na pag dedma ko sa text na yun. Nagpakilala na din sya sa text.

'Snobber, Jv to' nagulat ako that time.

'Jv? yung supladonh masungit na tropa nila dimple?' tanong ko naman sa kanya.

'Hahahaha' tumawa lang sya sa text.

'luko tawa ka pa', reply ko naman sa kanya.

*Ring*

Hala tumawag sya, sinagot ko naman agad.

[Oo ako to] sabi nya. Sabay patay nya sa call.

0_0 ano daw yun tatawag tapos papatayin agad.

'San mo nakuha number ko?' text ko naman sa kanya.

'Kay Dimple' sagot nya.

Lukong dimple yun sabing wag ipapamigay number ko lalo na kina negro.

'ah ganun, bakit ka napatext?' di ko alam pero napapangiti ako hahaha ewan ko ba naninibaguhan ako ganito pala si Jv sa text.

'Sabi ni Dimple punta ka daw sa birthday nya mamaya' sabi nya.

'oh birthday nya pala, ei bakit ikaw nagsasabi. bakit hindi sya?' tanong ko naman sa kanya ng pasungit.

Maya-maya di na sya nagreply. Hala nagalit ata hahahahah.

Tinawagan ko naman si Dimple.

[Uy kulugo Birhtday mo nga?] tanong ko kaagad nung pagkasagot nya ng tawag.

[Oo punta ka mamaya dali] sabi naman nya.

[Ala baka may inuman di ako pupunta pag puro kayo lalaki] sabi ko naman sa kanya.

[Hindi yan may mga babae din , pakilala ko din Girlfriend pati si Ace kasama ang jowa nya. At saka tropa ka namin lol di kami napatol sa kapwa lalaki] asar naman nya sa akin.

[Ulol kayo kingina mo, Ge punta ako sasama ko si Yvonne] sabi ko naman sa kanya.

[Ge lang, mamaya ha punta ka. Saka may matutuwa dito pag pumunta ka ayieeee hahaha] narinig ko din yung iba sa kabilang linya na may parang inaasar sila.

[Ewan ko sa inyo] sabay patay ko sa tawag. Lol inaasar pa rin yata ako kay Leodynel. Ay speaking of Leodynel panay pa rin chat at text nya sa akin. Hindi ko nalang pinapansin.

So ngayon tinawagan ko si Yvonne para yayain sya na pumunta kina Dimple sumama naman sya. Mga 6pm ng magpunta kami dun ang daming hands ni Dimple then after nang kainan nandun naman na yung inuman.

Pero nung kaninang pagdating namin nakasalubong ko si Leodynel nagkamustahan lang kami. Tapos nung nandun kami sa balcony nakita ko si Jv nagkatitigan kami. Pero saglit lang dun nakita ko si Ace na sinuko si Jv.

"Uy tropa hahaha nga pala girlfriend ko" sabay pakilala nya sa amin ng jowa nya.

"Ito nga pala Tropa namin  si Trish lalaki yan mukha lang babae hahaha" sabi naman nya.

Chapter's of the AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon