Last week of July na ang araw kung kailan bibisita si Dong wan sa pilipinas. Nagkausap kami about sa oras ng dating nya.
After namin mag usap nagpaalam ako kay Aiyish na susunduin ko pinsan ko sa NAIA. Ipina-alam ko na pinsan ko susunduin ko para payagan ako ni maam o na umuwi muna ng baguio.
Bago kasi magpasukan, yung mga bagong officer at previous officer ei kailangan mag meeting para sa pagpapasa ng information at list ng funds.
Nasaktuhan naman na sa araw ng meeting namin darating si Dong wan. Hindi ko alam gagawin ko nun, then naka isip ako ng isang palusot na lulusot talaga. Ipinaalam ko na susunduin ko pinsan ko sa Airport dahil ako ang mas malapit.
Pinayagan naman ako at ang sabi ay pagbalik ko nalang daw ibibigay ang notes ng pinag meetingan.
So ito na nasa NAIA na ako, hinihintay ko paglabas nya. Medyo na e-excite kasi mamimeet ko na yung ka penpal ko. Ako ang nag prepared ng lahat ng kailangan nya. Dahil bago palang pupunta si Dong wan dito sa pilipinas hiningan ako ng mama nya ng Photo copy ng ID ko na ipinasend ko pa sa Fax machine. Just in case daw.
Hahaha di ko naman ki-kidnapin anak nila. So ayun na nga naka prepared na lahat yung accomodation nya at lahat. Nung naghihintay ako sa arrival area may nakita akong isang lalaki na nakasalamin na papalapit sa akin. Hindi ko pa sya nakilala nung una. Pero nung tinawag nya name ko. Sya na pala si Dongwan.
Nakipag shake hands naman sya sa akin.
"Nice to meet you" sabi naman nya sa akin.
Vice Versa kami. After the greeting umalis na kami ng NAIA at pumunta ng terminal na papuntang baguio.
Nakarating kami ng 9pm sa baguio. Alam nyo ba hindi na kami natulog sinulit agad namin ang unang gabi. Nag night market kami pinakaen ko sa mga bukas na kainan, nag bike din kami sa burnham park and etc. Hinatid ko naman na sya sa condo na inupahan nya ng isang linggo.
Bago ako umalis tinanung ko sya about sa kung anong kakainin nya bukas para makabili ako bago uli bumalik sa condo. Sabi nya gusto nya daw i-try ang filipino food. Basta ako na daw bahala.
Pumunta naman ako sa inupahan kong isang kwarto sa studio 120. At nag text naman ako kay mama na nandito ako sa baguio at may kaibigan ako na tinutour. Nag okay naman si Mama tapos may naging pahabol ako na wag sasabihin kay auntie norma. Yung tita ko na matapang hahahah.
So kinaumagahan namili ako ng toyo, itlog na pula, kamatis, at bagoong. Bumila na din ako ng bigas hahaha napapa isip ako kung kakainin nya to.
Dumating ako sa condo, may spare key ako na hiningi sa may ari ng condo para di ko na maistorbo ang tulog nya.
Nagsimula naman na ako magluto at nang matapos di pa rin sya gising. Na board naman ako at nag on nalang ng TV. hininaan ko nalang ang volume.
Pero di ko trip ang mga palabas. Then may naisip ako bigla. Chinat ko pinsan ko na si Khrizia na pumunta sa condo. Sabi naman nya may pasok pa daw sya pero try daw nya sa hapon. Tinanong naman nya ako kung saan daw kami pupunta.
Napaisip naman ako, taga baguio ako pero wala akong masyadong alam sa lugar na to. Pero bahala na may google map naman.
Maya-maya pa ay nagising na sya. Nagulat sya na naka upo ako sa upuan. Binati ko naman sya sa way ng pagbati nila sa korea.
May tinatanong sya sa akin kaso medyo di ko maintindahan ang pag e-english nya kaya naman madalas kami gumamit ng translator sa phone nya. Pero nakakapag usap naman kami minsan.
Naligo na sya after syang makakain. Hahaha natatawa ako kanina dahil sya marunong kumaen ng toyo.
So habang nag hahanda sya naghahanap naman ako ng lugar na pwede naming puntahan. So first na pinuntahan namin ay mga malls dito. May gusto daw kasi syang bilhin.
BINABASA MO ANG
Chapter's of the Author
Não FicçãoThis is all the regrets that I would like you to read. This is dedicated to a person that I love the most. That I hope he would forgive me.