Mark yan yung name na hindi na nawala sa buhay ko. Lagi yang sumusulpot at manggugulo ng buhay ko. Yang pangalan na yan ang supa sa akin.
Naalala nyo pa ba yung nagbato sa akin ng tissue? Yes Mark ang pangalan nya.
Where not close and also no chemistry or any mutual feelings between us. Dumating lang sya sa buhay ko para mang-asar at mang-inis.
His single and I'm also single. Bakit walang naging sparks sa amin, dahil at that time i'm still waiting for Jv. Bakit naging kasama sya sa sumpa? Dahil kahawig nya si Jv.
Sumpa sya dahil sa tuwing nakikita ko sya naalala ko si Jv and all of my regrets and sins. Kaya nga nung nakita ko sya nun nung binato nya ako ng tissue akala ko si Jv na pero hindi pala.
Pero dahil sa madalas na asaran sa akin napagkakamalan na kami. And also lagi akong niloloko ni Dimple kasi na share ko sa kanya na napagkamalan ko nun si Mark na si Jv.
Lumipas na ang ilang buwan lumipat na ng dorm si Mark at dun nag-umpisa ang sumpa sa akin.
Ilang linggo ang lumipas may nakilala nanaman akong Mark. Chubby sya and okay lang naman.
Makulit sya at kwela, madali syang makasundo. Nagustuhan ko ugali nya dahil nga ang komportable nyang kasama.
Naging mag MU kami (malanding ugnayan) Charot hahahaha actually (malabong usapan)
May something sa amin pero alam nyo yun. Nung ipinakilala ko sya kay ate madel ka dorm mate ko. Wala sila na lagi magkasama kahit nandun ako parang naging hangin nalang ako. Tapos malalaman ko na sinabi ni Mark daw kay ate madel na crush nya to.
Gusto ko mainis nun, wow lang hahaha ang landi nung pangalawang Mark na to. Nagkaroon naman ako ng tampo kay ate madel kasi alam naman nya na may something na sa amin ni Mark pero ganun nangyari.
Nung nalaman ko yun kinausap ko kaagad si Mark at tinapos ko na ang dapat matapos bago pa magsimula ang lahat.
Depressed ako that time kasi ako ko okay na. Na may papalit na kay Jv pero wala pa rin. To release my anger pumunta ako sa hindi ma-taong lugar sa Mega height at dun binasag ko ang mga luma kong tasa at plato.
After kung gawin yun parang nabawasan ako ng bigat na dinadala sa emosyon ko at puso ko.
Then again dito ko na narealize na bakit madalas makilala ko ei puro Mark ang pangalan. Eto na ang pangatlo.
Senior namin sya sa Department namin. And also kaklase ko isang subject. Naka-group ko sya sa activity namin, dinaldal nya ako ng dinaldal hanggang sa naging ka close ko na sya.
Okay naman sya, mabait. Nung una wala akong masabi sa kanya dahil talagang okay sya.
Dumating kami sa point na umamin sya sa akin. At nung bakasyon namin panay ang chat at video call namin. Nagkakafeelings na din ako sa kanya. Papayagan ko na sana sya manligaw kaso may nalaman ako. May girlfriend na pala sya, and gusto nya pa yata na pagsabayin kami.
Sa lahat ng ayoko ipinagsasabay ako sa iba. King-ina talaga mapapamura nalang talaga ako. At natatawa din sa sarili ko. Tricia ano nanaman to? hindi ka na ba nadala? pang ilan na ba to?
Aaminin ko, nung una nung wala pang mga mark ako na nakilala. Nasabi ko sa sarili ko na, okay na, na mas mahalin ko sarili ko at saka nasabi ko na atleast may mga kaibigan ako. Na okay lang na wala akong boyfriend.
Nung una okay pa ei nauuto ko pa sarili ko sa mga salitang binitiwan ko. Pero nung nagtagal nakaramdam ako ng lungkot sa sarili ko. Lungkot na mag-isa akong kumakaen sa kwarto ko, lungkot na wala akong makasama, lungkot na mag-isa kang nanunuod ng movies. Oo minsan naman nakakasama ko mga kaibigan ko kaso hindi ikaw ang unang priority nila.
BINABASA MO ANG
Chapter's of the Author
Non-FictionThis is all the regrets that I would like you to read. This is dedicated to a person that I love the most. That I hope he would forgive me.