CHAPTER FOUR:ANOTHER LIFE TO MAKE MY HEART COMPLETE

1 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

ANOTHER LIFE TO COMPLETE MY HEART

Habang tinatahak ko ang madilim na pasilyong ito ay may tumakip sa aking mga mata hinawakan ko ang mga kamay nya at hindi ako nagkakamali kilalako kung sino ang may ari ng mga kamay na ito

"Antonio? "

Pagkaalis ng kanyang mga kamay ay humarap ako sa kanya

"Antonio sa wakas narito kana"

Ang saya ko sobrang saya ko dahil kasama ko sya, tumingkayad ako para mayakap sya, pero kumalas sya agad sa pagkakayakap ko sa kanya, tining nan ko ang kanyang kasuotan,may dala syang espada at naka uniporme sya

"B-bakit Antonio? May problema ba? "

"Meron Clarissa"

"Ano? "

"Ikaw, ikaw ang problema"

"B-bakit? Anong problema sakin? "

"Lumayo kana sakin! "

Labis akong nagtataka sa mga sinasabi nya, bakit gusto nya na lumayo ako sa kanya? Bakit ganito ang inaasal nya,

"H-hindi kita maintindihan Antonio? May nagawa ba akong masama? Bakit kailangan kong lumayo? "

"Lumayo ka sakin! Humanap kana nang iba? Hindi tayo para sa isat isa! "

Pinipilit kong tatagan ang aking kalooban,pinipilit kong wag umiyak sa kanyang harap, marahil siya ay nabibigla lamang,

"H-hindi Antonio tayo ang para sa isat isa, mahal natin ang isat isa, marahil ay nabibigla ka lamang, wag kang magsabi ng ganyan"

"Mag hiwalay na tayo Clarissa"

Ano bang sinasabi ni Antonio? bakit sya ganito?

"Pero Antonio-"

"Ikakasal na ako kay Victoria
Lumayo kana sakin Clarissa"

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko nag uunahan na silang lumabas sa mga mata ko

"Ikakasal ka kay V-victoria?
Pero hindi mo sya mahal diba? Ako ang mahal mo Antonio! "

Hinawakan ko ang mga kamay nya ngunit inalis nya lang ang pagkakahawak ko rito

"Maging masaya ka na lamang saamin ni Victoria, layuan mo na ako at maghanap ka na lamang ng iba"

Pagkatapos nang lahat ng paghihirap naming dalawa, ipinaglaban namin ang aming pagmamahalan kahit bawal, tapos bigla na lang syang magpapakasal kay Victoria

✴✴✴✴


Iminulat ko ang aking mga mata umupo ako at hindi ko na mapigilang umiyak, panaginip lamang yon pero bakit parang naaapektohan ako? bakit parang ako si Clarissa? Bakit ang sakit?
Tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko hanggang sa hindi ko na mapigilang himikbi, affected ako masyado sa panaginip ko

*after 10 minutes*

Wala nang luhang lumalabas sa mga mata ko, nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako ng kwarto, dahan dahan kong binuksan ang pintuan, pababa na sana ako pero may naririnig akong nag sasalita pinakinggan kong mabuti kung saan nang gagaling ang boses, sa kwarto ni Zayn, bakit kaya? Curious ako kaya lumapit ako sa pintuan at nakinig

"No I won't go back there"

"Okey nako dito sa Pilipinas, bakit ba kailangan ko pang bumalik dyan sa Japan"

You're FUTURE from the PASTWhere stories live. Discover now