021

218 15 0
                                    

Lorelei's Point of View

Tinext ko na si Chan na nandito na ako sa District 9 sa tapat ng 7 11 ewan ko ba. Bigla ko nalang gusto siyang makita. Feeling ko kasi may something na tinatago sa akin sila Felix.

I heard them last night pagkatapos ako ichat ni Kuya Jaehwan.

"Wag na wag mong ipagmemeet si Lorelei at Chan please lang" yan ang rinig kong sabi ni Seungmin kay Felix. Kaya naman naisip ko na may something talaga.

And doon ko din napoint na kaya pala bawal akong lumabas kasi may pinapaiwas sila sa akin.

Tiningnan ko paligid ko. Asan na kaya si Chan? Kailangan ko siyang makita.

"Chan asan kana..." i murmured

"Lorelei!" nanlaki ang mata ko at para akong napako sa kinakatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Kuya Jaehwan.

Dahan dahan akong tumingin sa likod ko. At nagulat ako ng bigla nalang akong hilain ni Kuya Jaehwan.

"diba sinabi ko bawal kang lumabas?" pinilit kong makawala sa pagkakahawak sa akin ni Kuya Jaehwan

"Kuya nasasaktan ako." sabi ko

"Lorelei umuwi na tayo" rinig kong sabi ni Felix.

"ayoko!" sabi ko at mariin na hinila sarili ko para makawala kay  Kuya Jaehwan.

"at bakit!?" tanong ni Kuya Jaehwan.

"imemeet ko si Chan!" sabi ko. I saw Kuya Jaehwan face angry.

"hindi pwede!" sigaw ni Kuya

"bakit!? Bakit bawal!? Ha! Kaya ba ayaw niyo din ako palabasin kasi ayaw niyong makita niya ako!? Bakit anong meron sa amin ni Chan!? Huh!? May something ba sa amin noon!?" sigaw ko. Hindi ko alam pero feeling ko nabuhay ako sa loob ng dalawang tao na puno ng kasinungalingan.

"Lorelei umuwi na tayo "sabi ni Felix. Umiling ako.

"hindi hanggat di ko nakikita si Chan! "sabi ko at naglakad paatras.

"Lorelei!"sigaw ni Seungmin Umiling lang ako. No. Kailangan ko makita si Chan.

"Isa Lorelei!" ng medyo malayo na ako sa kanila ay dali dali akong tumakbo palayo. Kailangan ko... Kailangan kong lumayo habang di ko pa nakikita si Chan. Asan ba si Chan? Bat ang tagal niya?

"Lorelei isa!" naiiyak na ako sa nangyayari, bakit ganito?.

"ah aray!" napahinto ako ng may biglang bumungo sa akin. Tumingin ako sa taong ito.

"Chan?"

"Lorelei?" parang huminto ang paligid ko ng makita ko si Chan. At naramdaman ko nalang sarili ko na nahihilo at may kung ano anong imahe ang lumalabas.

"Lorelei! Ano ba bumali-- Chan..."

"Felix? Seungmin?" matapos nun ay bigla nalang akong nawalan ng malay

Wrong Send ¦ Bang Chan ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon