Days into weeks have passed. Naging abala kami ni Dallas pagtuturo sa mga bata. Tuwing bakasyon kasi ay sinusuguro namin na maging tutok kaming dalawa sa pagtuturo sa kanila, ngayon lang kasi kami nagkakaroon ng sapat na oras para doon.
Ngayon ay nagliligpit kami ngayon ng mga ginamit namin sa pagtuturo kanina. I continued on picking up pieces of paper nang may nakita akong drawing.
May tatlong stickman doon, isang babae, dalawang lalaki at ang isa doon ay bata. I saw a name written on it, it's Omar's...
"Ano yan?" Tumabi sa akin si Dallas at tinignan din ang drawing.
Yung babae ay ang kanyang ina, at ang isang lalaki ay ang kanyang ama. Sa ibaba nito ay may nakalagay na "Ang aking pamilya".
Medyo hindi ko pa maintindihan ang sulat dahil last year lang din sya natuto magsulat.
Seeing this drawing warms my heart.
"This is so sweet." Sambit ko.
"Sweeter than me?" Tanong ni Dallas.
"Yuck."
Lumayo ako kay Dallas para itago sana ang drawing. Nagpatuloy kami sa pagliligpit hanggang sa matapos kami.
Nang makabalik na kami sa loob ng Eunoia ay agad akong nag-aya na umuwi na. It's getting pretty late and my mom is gonna kill me pag wala pa ako sa bahay ng 8pm.
Kinukulit ako ngayon ni Dallas na gumala na lang muna sa Wednesday imbis na magturo kami, sira ulong 'to.
"Dali na Darcy, ang tagal na nating hindi gumagala ulit na tayo lang dalawa, miss ko nang makipag-pda sayo sa mall."
Oh my ghod?
"Dati hinahayaan mo lang akong hawakan ang kamay mo at akbayan ka tuwing may lakad tayong dalawa, tas ngayon grabe ka na makataboy. Sinasaktan mo ang damdamin ko, Darcy. Masama yan, baguhin mo yang ugali mong 'yan."
What the fuck?
"Ang lakas ng tama mo ngayon." Sagot ko kay Dallas. Ano bang hinithit nito?
"Umamin ka nga sakin Dallas, may hinihithit ka ba?"
"Hinihithit ko ang pagmamahal mo." Sabi nya sabay sayaw.
"Dallas para kang tanga, tumigil ka nga." Pagkasabi ko non ay tumigil sya sa pagsayaw at tumatawa tawa na lang.
Di ko na napigilan at natawa na lang din ako sa pinaggagagawa nya.
"Kinilig ka naman."
"Wala na akong crush sayo, sorry ka."
Nang makauwi na kami ay naabutan ko si Cyrus sa living room, nakahiga sya sa sofa at busyng busy sya sa phone nya. Sino na naman ang ka-chat nito?
"New girl?" Napatingin sya sa akin at ngumiti.
"Akemi Hajime, 36-24-36. She's 21, and a top engineering student." Sagot nya. Oh she's smart and sexy, she's totally his type.
"Anong nangyari kay Queenie?" Tanong ko habang naglalakad papuntang kusina.
"She broke up me, she said she can't keep up with my brainy stuff." Oh.
"To be honest, I never thought your relationship will last this long. I thought you'll ditch her after a week." Sabi ko habang naghahanap ng makakain sa ref. Oh, ice cream! Kinuha ko yon at kumuha ako ng baso at kutsara na pagsasalinan ng ice cream. Umupo naman ako doon sa katabing sofa na hinihigaan ni Cyrus.
"She was fun to be with. She may not be that smart, but she was cool." Sabi nya bago tumayo at kumuha din ng baso at kutsara.
"Oh, the last one before her was smart but she's pretty annoying. And now, she's not that smart but she's cool. Kakaiba ang taste mo ha."

BINABASA MO ANG
Vesanus
Mystery / ThrillerEunioa University is an exclusive school that only accompanies rich families. Sa loob ng unibersidad na ito namumuhay ang napaka-raming pamilya na sumali sa eksperimento ng isang doctor na nagmamay-ari ng eskwelahan. Ipinagbabawal ang pag-alis sa un...