Kinabukasan ay ang kamatayan ng isa sa mga estudyante rito ang naging usap-usapan ng lahat.
"Darcy!" Napalingon ako kay Lucy na kakarating lang at umupo agad sa tabi ko. "Oh my gosh! Grabe! Di ako makapaniwalang may estudyante talagang nagpakamatay dito. Hindi nya na ba nakayanan? Sabagay, nakaka-suffocate talaga sa school natin."
"Alam nyo na ba kung sino yung babae?" Tanong ko.
"Wala pa silang nilalabas na information, pero base sa mga nakalap kong chismis kanina, si Maya daw yon ng Nursing Department." Sabat ni Tala na nakaupo sa harapan ko.
"At alam nyo ba? Graduating na dapat 'yon. Maganda pa nga ang kotseng naibigay sa kanya. Kaso sa kasawiang palad ay namatay sya." Dagdag nya pa.
"Teka, ano ba ang kinamatay nya? Sabi sa akin ni Axel ay nagpakamatay daw sya?" tanong ko nang may bakas ng pagtataka sa boses ko.
"Hindi ko sigurado. Kagabi kasi ay iyon ang inaakala nilang dahilan pero ngayon ay nag-iba na. Kahapon kasi may mga 1st year college students yung nagtatakutan doon sa Roxas hallway. Tapos bigla silang nakarinig ng pag-iyak, hanggang sa naging sigaw daw. Natakot na daw sila no'n kaya pumunta na sila sa prof nila na ka-close nila. Kaso pagdating daw nila doon, nadatnan na lang nila si Maya na patay na."
Seryoso, nakakatakot.
"So hanggang ngayon eh hindi parin alam yung dahilan kung bakit sya namatay?"
Umiling naman sya.
"Well that's scary."
"True. Who knows what can possibly happen to us after may namatay na babaeng hindi parin natin alam ang cause of death." Napatingin ako kay Lucy nang sinabi nya yon.
"What do you mean?" Napalapit ako sa lanya.
"May namatay na diba? Hindi pa alam yung cause of death. If that's suicide or murder. Hindi natin alam ang possibility na maulit 'yon. Everyone can be in danger right now. Hangga't walang nakakaalam sa totoong nangyari kay Maya ay hindi natin masisiguro ang lahat. Because right now? No one knows."
No one knows, huh?
.
Kinahapunan ay nag-usap na kami ni Dallas para sa mga balak namin para sa mga bata."What if we try to give them homeworks na? It won't be too hard. Para na rin makapag-practice sila sa mga bahay nila." Suggestion ko.
"Okay lang. Pero wala pa silang matinong notebooks. Yung kela Omar daw ay nabasa lahat namg mahulog 'yon sa bangkang sinakyan nila pauwi."
"Marami pa naman akong notebooks na hindi ko pa nagagamit, bigay ko na lang kaya?"
"That would be a great idea, Darcy." Napatingin ako kay Dallas nang sabihin nya 'yon.
"Ikaw? Ano idodonate mo?"
Napaiwas sya bigla ng tingin sa akin.
"Uy Dallas, ano kako idodonate mo?"
Pero hindi parin sya sumagot, ni tumingin man lang ay hindi nya ginawa.
"Uy, are you okay?"
Sa wakas ay humarap na sya, halata sa muka nya na nahihirapan sya.
"I...I don't know kung makakapag-donate pa ako. My..." Huminga sya ng malalim bago ituloy ang sasabihin.
"My family has some financial issues right now. Some investors pulled out their shares. May mga nanabotahe sa loob ng kompanya, mga matatagal na empleyado na daw."
Napatingin sya sa akin at hinanap ang mga mata ko.
"So...I'm sorry. Baka sooner or later ay umalis na kami rito kapag hindi naagapan yung problema namin sa kompanya. You know Eunioa University's standards, diba?"
"What the fuck, Dallas. Seryoso ka ba?" Napaiwas ulit sya ng tingin at napangiti.
"Pero syempre joke lang. Uto-uto ka naman." Tangina. Napatayo ako bigla at hinampas sya ng throw pillow na yakap-yakap ko.
Di ko sya tinigilan at hinampas lang sya ng hinampas.
"Tama na! Oy, Darcy! Tama na! Yung gwapo kong muka!"
Mas nilakasan ko ang hampas sa kanya bago ako bumalik sa kinauupuan ko.
"Kapal ng muka mo!"
Tumatawa lang sya habang inaayos ang buhok nya.
What the fuck bakit ang gwapo nya tignan?
"Darcy! Darcy! Nandito ka ba? Darcy!"
Napalingon kaming dalawa ni Dallas nang narinig namin 'yon. Nakita namin si Santi na papunta sa amin at halata mo sa kanya ang pagmamadali.
"Bakit Santi? Ano meron?" Kita sa muka nya ang sakit at pagka-dismaya.
"Uy, Dallas! Pre, andito ka din pala." Sabi nya at umupo sa gitna namin.
"Bakit ka napadpad dito?" Tanong ni Dallas kay Santi. Napatingin naman si Santi sa kanya at bumawi. "Eh ikaw? Bakit ka nandito?"
"Hulaan mo." Sabi ni Dallas at binalik lang iyon ulit sa kanya ni Santi.
"Bahala ka dyan, di ikaw ang gusto kong makausap." Sabi ni Santi bago humarap sa akin.
"Uy Dars, naalala mo yung kinekwento ko sayo dati?" Tanong nya kaya't napaisip ako.
"Si Lumi ba yan?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya. Si Lumi o Paraluman ang babaeng nagpatibok sa puso ni Santi, na-love at first sight daw sya.
"Binasted nya ako." Nabigla ako sa sinabi nyang 'yon. What the fuck? 2 years na syang nanliligaw, ah?
"Ngayon lang? Pakker? Okay ka lang ba?" Ngumiti si Santi sa akin ng malungkot bilang sagot. Halatang nasasaktan sya.
"Okay lang naman ako, sya ang inaalala ko." Sagot nya kaya't napatanga apero Wow. Binasted ka na nga, nag-aalala ka parin? Mahal nya na nga ata si Lumi.
"Bestfriend nya kasi si Maya. Pinuntahan ko sya kanina para sana kamustahin sya pero sinabi nyang layuan ko na lang sya. She's broken right now. Gustuhin ko mang aluhin sya eh hindi pwede, ayaw nyang makipagkita sa kahit na sino ngayon." Nalungkot ako bigla sa sinabi ni Dallas kaya't tinapik ko ang balikat nya. Nang humarap sya sakin ay niyakap ko sya.
"Magiging okay din ang lahat, Santi Dope. We're for you, okay?" Sabi ko habang hinihimas ang likod nya.
"Thank you, Darcy." Sabi nya sa akin kaya napangiti ako.
Santi can be a annoying at times pero alam mong pag nagmahal sya, binibigay nya ang lahat kahit pa walang matira sa kanya.
Naputol ang kadramahan namin nang umubo si Dallas.
Napatingin kami sa kanya at nakasandal na ngayon si Santi sa dibdib ko. Hindi parin sya timitigil sa pag-ubo.
"May tb ka ba?"
Tanong sa kanya ni Santi kaya natawa ako.
"Hoy Santi, kung ayaw mong mabalian ng buto, lumayo layo ka lang." Sabi ni Dallas na sya naman ikinatawa ni Santi kaya umupo na ito ng maayos. Teka where's the joke ba?
"O edi ayan. Napaka-possessive mo naman. Kayo ba? Kayo? Hindi diba? Gusto mo? Hindi diba? Binasted ka din ba? Hindi diba? Kaya tumahimik ka muna, nag-dadrama ako dito." Sabi ni Santi bago ito naglabas ng cellphone.
Mukang may tinawagan sya at feeling ko si Lucy yon. Di pwedeng magkahiwalay ang dalawa, baka maghasik ng lagim yung isa sa ibang lugar.
"Lucifer? Hello? Punta ka dito kela Darcy. Nakita ko sila tita kanina sa baba, mukang masarap yung ulam nila ngayon. Dito na lang tayo kumain. Bye!" Pota?
"Kapal ng muka mo ah, bahay mo?" Napangiti naman sya sa akin.
"Medyo? By the way, best man ako sa kasal ha?" Sabi nya bago tumungo sa pintuan ng kwarto.
Ha? Best man sa kasal nino?
"Bye Mr. And Mrs. Abayari." Sabi nya bago lumabas ng tuluyan.
Tsaka lang nag-sink in sa akin ang sinabi nya nang magsalita si Dallas.
"Makapagsalita yon, kala mo naman madali." Sabi nya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Vesanus
Misteri / ThrillerEunioa University is an exclusive school that only accompanies rich families. Sa loob ng unibersidad na ito namumuhay ang napaka-raming pamilya na sumali sa eksperimento ng isang doctor na nagmamay-ari ng eskwelahan. Ipinagbabawal ang pag-alis sa un...