Chapter 2

14 3 0
                                    


Pagkatapos ng klase ay nagmadali na agad kaming dalawa ni Dallas paalis para puntahan ang mga batang kanina pa kami hinihintay.

Alam kong mali 'tong ginagawa namin kasi delikado doon sa parteng 'yon ng school dahil yun lang ang parte na walang bantay. Ito ang rason kung bakit pinagbabawalan ang mga estudyante na pumunta doon, dahil posibleng nandoon din si 'Leon' o ang 'killer's child' na sinasabi nila, pinangalanan nila yung batang yon ng Leon kahit hindi naman nila ito nakilala man lang. Leon ang ginawang 'code name' sa kanya dahil Leandro daw ang pangalan ng ama nyang isa daw psycho.

Sa isang malaking kagubatan matatagpuan ang Eunioa University, at 100 feet lang ang layo ng mga bahay sa school. Itinayo ang paaralang ito noong 1960 para sa mga pamilyang nais lumayo sa siyudad at para na rin sa isang experiment. It's been 57 years pero patuloy pa rin ang experiment na sinasabi nila. Ang mga graduates lang ang pinapayagang lumabas ng kagubutan sa pamamagitan ng mga kotseng nireregalo sa mga pamilya. Mayroon silang sari-sariling driver para hindi sila maligaw sa pasikot-sikot ng gubat.

Nakakasakal? Yes. But we do survive kasi nandito na rin siguro lahat ng pwede naming paglibangan.

Merong mall dito, clubs, bars, botiques, restaurants, study/computer places, church, at naglalakihang libraries. Sabi ni momma sa akin, lahat na daw ng makikitang cities na nilalakbayan nila ay nandito na. Although it's kind of unfair na wala kaming freedom na makita ang labas ng kagubatan, ayos lang. As long as I'm with my friends and family, I can survive. May mga police stations din naman na nakapaligid, so we're safe.

"Ate Darcy!" Paglingon ko ay nakita ko yung mga bata na paparating kaya sinalubong ko sila.

"Hi Annie! Kamusta? Nagawa nyo yung assignment na pinapagawa ko sa inyo?" Tumango ang mga bata sa tanong ko.

Pinaupo na sila ni Dallas habang hinahanda ko na yung mga gagamitin ko, nilabas na rin ni Dallas ang white board na nakatago sa taas ng puno.

"Okay, so bago tayo mag-simula, tayo muna ay mananalangin, pasalamatan natin ang Panginoon sa isa na namang araw na kanyang ibiniyaya sa atin."

...

After 2 hours, natapos ang pagtuturo namin sa kanila ni Dallas, it's a little tiring, but it' so worth it.

Nanggaling kasi yung mga batang tinuturuan namin sa may gilid ng bundok, at aksidenteng napadpad sila dito sa likuran ng school. Nung araw rin na 'yon ay na-curious si Dallas sa kung anong meron dito sa labas kaya lumabas kami, saktong nakita namin sila at pare-pareho silang hindi kami makausap ng ayos dahil hindi sila sanay magsalita ng mga tamang salita. Noon din nagsimula ang pagiging part-time teacher namin. Naks.

Dallas didn't like the idea at first, pero napilit ko siya. Kinonsensya ko sya ng bongga kaya wala syang nagawa kundi um-'oo' na lang sa akin.

Naglalakad na kami pauwi galing sa kinainan namin nang may naisip na kung ano si Dallas.

"Hey, do you want to visit the fountain?" Tanong nya na ikinagulat ko.

"Ganitong oras? Seryoso ka?" It's already 10pm at ang creepy pa doon pag gabi. Nasa gitna ng forest ang nalaka-laking fountain and it creeps me out a lot sa gabi.

"Why? Are you scared?" Tanong nya sa akin na para bang nang-iinis. What the?

"Wow. Ako? Takot? Baka ikaw. You ran when I told you that I saw a lady in white on your shoulders nung nagrereklamo ka sa sakin ng balikat mo." I tried not laugh but I failed nung maalala ko yun.

Sinimangutan nya ako at tumingin lang na para bang hinuhusgahan nya ang buong pagkatao ko. Bastos na bata.

"Sinong hindi matatakot? Pagkatapos mo akong mapilit na panuorin yung 'Shutter', na-trauma na ako at hindi na ata mawawala tung trauma na yon. Tsaka kelan ko lang din napagtanto na dahil pala yon sa training namin sa swimming!" Lumakas lalo ang tawa ko sa sinabi nyang 'yon.

VesanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon