"Dan, why are we even here?" parang gusto nang mawalan ng pasensya na pinagmasdan ni Daniel si Chloe. Tulad niya, isa din 'tong modelo.
"Look, Chloe, I told you that you don't have to come with me!" napapasensyang paliwanag ng binata sa babae. Kung siya ang tatanungin, hindi din niya gusto na mapunta sa lugar na 'to. But it's his management decision to send him as the ambassador of good will through their outreach programs. Kaya naman ngayon ay nandito siya sa Vitas, Tondo upang pamunuan ang nasabing outreach program. But after seeing the place, parang gustong pagsisihan ng binata ang pagpayag. Why, the place seems like a garbage haven! Kaninang sinubukan niyang buksan ang pinto ng kanilang van, halos bumaliktad ang kanyang sikmura sa amoy ng kapaligiran. And to think that he'll be staying on this place for a week?
"You should have just demanded for someone else to do your job, Dandan! Like seriously, this place is sooo eewwwwyy!" diring-diri na sabi ng magandang modelo. Kung tutuusin ay naiintindihan naman niya ang babae. Talaga namang hindi ito sanay sa mga ganong lugar, lalo't kung pagbabasehan ang kutis nito. Napakaputi at napakakinis. Sigurado siya na the moment na lumabas sila, di kakayanin ng dalaga.
"You can go back, Chloe! Or you can just stay here inside the car."
"Di ko naman talaga kasi alam sa'yo why you even say yes to this idea e! We should be partying and get wasted and you know..." malandi nitong sabi na pasimple pang hinimas ang kanyang mga kamay. Nakangisi itong tinapunan ng tingin ni Daniel. He admit, Chloe is good "playmate" but he had enough of her. Ganon lamang ang mga babae para sa kanya, may expiration date, good while it lasts, ika nga.
Dangan lamang ay nahihirapan siyang dispatsyahin ito dahil sa talaga namang lagi itong nakasunod sa kanya. Alam naman ng binata ang gusto sa kanya ng dalaga, love! Pero matagal na panahon na niyang kinalimutan ang salitang yun. Minsan na siyang nagmahal, pero sakit lang ang nakuha niya sa pagmamahal na yun. That love left him broken and in pain. Mula noon, pinangako na niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal muli.
"Chloe, trabaho 'to eh! Kailangan ko 'tong gawin kasi trabaho 'to." paliwanag niya sa dalaga.
"Hmm, okay! But promise me you'll give me a call as soon as you get home after a week huh?!" malambing nitong yakap sa kanyang leeg. Tila naiilang naman si Daniel sa inasal ng babae, dahil hindi sila nag-iisa sa loob ng van, naroon ang kanyang driver. Yes, he is far from being conservative, yet he still believe in self-respect.
Tinapik-tapik niya ang dalaga ay pagkatapos ay bumaba na sa kanyang sasakyan. Inalalayan niya ang kaibigang modelo na hindi maitago ang pagkadigusto sa nakikita sa kapaligiran. As far as he knows, Vitas is one of the most depressed community in Manila. Karamihan sa mga tao dito ay pagkalkal sa mga bundok ng basura ang trabaho. Ang mga bahay dito ay yung tinatawag na tenament, na ayon sa kanyang manager ay pinagawa nang gobyerno.
Sa totoo lang, nahihirapang makahinga si Daniel. Subalit dahil nga siya ang Ambassador of Good Will, he has no choice but to act so pro-poor. Sinalubong sila ng ilang Vice Mayor ng Lungsod, at ilang mga konsehal. Una silang nilibot sa lugar para ipakita ang kalagayan ng mga mamamayan. Nakita ni Daniel ang maraming populasyon, mga batang sa tingin pa lamang ang kulang sa timbang, at marami pang mukha nang kahirapan.
Pagkatapos ay hinatid sila sa isang malapit na kumbento upang doon mananghalian. Sinalubong naman sila ng mga madre doon. Sinabi ng Madre Superiora ng kumbento na may isang maliit na programang hinanda ang mga bata ng Vitas para sa kanya at sa kanyang mga kasama pagkatapos nilang mananghalian. Kahit sigurado ang binata na hindi siya makakakain sa lahat ng nakita, magalang pa din siyang tumango.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nang matapos ang kanilang pananghalian ay nagtungo lahat sa loob ng kapilya. Doon nakita niya ang ilang bata na kahit na luma ang mga damit, ay halatang naligo at naghanda para sa programa na yun. At nang makita siya ng mga ito ay tila nagliwanag ang mga mukha ng mga bata. Di namalayan ni Daniel na lihim siyang napapangiti sa mga nakikita.
Nagsimula ang programa na hinanda para sa kanila. May mga umawit, tumula, at sumayaw. Lahat sila ay talaga namang gustong magpasikat sa mga panauhin.
"These kids are stupids! The look like some voodoo dolls!" bulong sa kanya ni Chloe. Marahang napatawa si Daniel sa tinuran ng dalaga. Nang biglang may lumapit na isang maliit na batang babae sa kanila. The little girl was pulling Daniel's shirt! Nang yukuin ito ng binata ay ngumiti ito sa kanya.
"H-ello! Artista ka po ba?" tila nahihiya pang tanong nito sa kanya. May dalawang malaking ngipin ito sa harapan, and the rest, nabubulok na. But she is cute, just on the dark side. May kulay din ang buhok nito na parang dahil sa matagal na pagkabilad sa araw.
"Hmm, yes! Pero model din ako." sagot niya sa bata nang mapansin na napadako sa kanila ang pansin ng nakakarami.
"Ganon ba? Ang pogi mo po, Kuya! Bagay kayo ni Teacher Maris namin." ang kanina ay tila nahihiyang bata ay biglang dumaldal. Daniel look at her with so much fascination. Cute din naman pala ang batang 'to habang tumatagal.
"Sino si Teacher Maris?" muli niyang tanong sa batang bibo na nasa kanyang harapan. Nakita niyang tinitigan siya nito na tila sinisipat ang kanyang mukha.
"Siya po ang nagturo sa amin mag-dance, mag-read, mag-sing, mag-write." narinig niyang sagot dito. Maya-maya ay mwinestra nito sa kanya na yumukod ng kaunti dahil may ibubulong ito. Daniel was obliged to follow. Lumapit ang bata sa kanyang tenga.
"Gelpren mo ba yang maputing babae sa tabi mo?" bulong nito sa kanya. Gustong matawa ng binata sa tanong nito, buti napigilan niya dahil nasa loob sila ng simabahan.
"Ano sa tingin mo?" ganting bulong niya dito. Saglit itong sinilip si Chloe na takip pa din ng panyo ang ilong.
"Di kayo bagay! Mas bagay kayo ni Teacher Maris. Para siyang bad eh. Si Teacher Maris, mabait, maganda saka lagi siyang may dalang cookies." maya maya ay bulong nitong muli sa kanya. Tatanungin niya sana kung nasaan ang tinatawag nitong si Teacher Maris ng tawagin ito ng isang madre.
"Cecilia! Anong ginagawa mo diyan? Bakit mo ginugulo si Mr. Matsunaga!" nilapitan ito ng madre at malumanay na hinila palayo ang batang si Cecilia. Bago ito umalis ay nakita pa niya na kumindat ito sa kanya. Bagay na ikinangiti ng binata.
Nang ibalik niya ang tingin ay nakita niya na naghahanda ang mga choir ng simbahan. Pumailang-ilang ang isang sikat na OPM na madalas kantahin sa simbahan. Sa simula ay sabay-sabay ang pag-awit ng choir, ngunit ilang sandali ay isang tinig na tila anghel ang solong umaaawit.
"Ikaw ang aking Tanging Yaman Na
di lubasang masumpungan Ang
nilikha mong kariktan Sulyap
ng 'yong kagandahan.."
Para namang natitigilan si Daniel sa narinig. The voice is just soooo soothing it surely give goosies to everyone. Ingat ni Daniel ang tingin, and then he saw a girl in sneakers, white shirt and blue jeans. Ang buhok nito ay nakapusod sa likod. Di niya gaano makita ang mukha dahil bahagyan itong nakayuko dahil abala sa pagtugtog ng gitara. Bakit pakiramdam ng binata ay tumatagos sa kanyang puso ang tinig ng babae? Isang masigabong palakpakan ang isinukli ng mga taong naroroon. Para naman biglang natauhan si Daniel, di niya namamalayan na natapos na pala ang kanta. His eyes searches for that girl, pero di na niya ito makita. Gusto niya lang makita kung bagay ba sa mukha nito ang tinig. Sinabi kasi sa kanya ng ilang kaibigan na pag maganda ang boses, malamang di masyadong kagandahan. Gustong matawa ni Daniel sa naiisip.
Nang matapos ang programa ay isa-isa na silang tumayo. Napag-alaman ng binata na sa bahay ng kapitan ng baranggay siya manunuluyan sa loob ng isang linggo. Lumakad si Daniel patungo sa mga madre upang makapagpaalam nang may biglang humila sa laylayan ng kanyang suot na polo. Mabilis niya itong nilingon. Isang cute na babae ang nakita niya. Tantiya niya ay nasa mga 18 to 20 ang edad nito. Naka-pusod ang buhok sa likod, nakaputing tshirt, baby pink na sneakers at blue jeans. Saglit na natigilan si Daniel. Ito yung babaeng may anghel na boses? Mataman niyang tinitigan ang babae.
BINABASA MO ANG
Chasing Daniel (COMPLETED)
Short StoryMaraming bagay na hindi naiintindihan si Daniel. He was bitter. He was jaded. He was a lost soul. But when he met Maris, tila unti-unting nasasagot lahat ng mga tanong, napapawi lahat ng sakit, nawawala lahat ng pagdududa. She taught him to trust lo...