Chapter 12

2K 74 10
                                    

Daniel clear his throats. Di niya alam kung may boses bang lalabas mula sa kanyang lalamunan. Halos isang linggo niya itong pinag-aralan, katunayan ay kay Fourth pa siya nagpaturo. Never pa talaga niya nagagawa ito buong buhay niya-- ang mang-harana! Iyon ang nakalagay sa post it paper na binigay sa kanya ni Fourth mula sa Wishing Jar ni Maris.

Isa sa mga wish ng dalaga ay ang maranasang haranahin ng lalaking mahal niya. And not only that, gusto niya na mag-gigitara ang lalaking iyon habang kumakanta. Gusto sanang tumanggi ni Daniel nang inabot yun sa kanya ng lalaki. Alam niyang mahal niya si Maris, pero hindi siya sigurado kung mahal din ba siya ng dalaga. Pero ayon kay Fourth, may pagtingin din ito sa kanya, dangan lamang ay napipigilan dahil nga sa sakit na meron ito. Di malaman ng binata kung ano ang mararamdaman sa nalaman. Masaya siya dahil mahal din siya ng dalaga, but part of him is crying because there is a possibility na mawala lang ito sa kanya. Could he afford to love despite of the fact na maaring mawala ang taong minamahal?

Marahil nasagot na iyon ngayon ng binata, dahil here he is, standing in front of Maris' house in Vitas. Sa totoo lang sobra sobra ang kanyang kaba, bukod sa hindi naman siya singer, he doesn't know how to play the guitar. Buti na lamang ang naging lubhang matiyaga si Fourth sa kanyang pagtuturo.

Labis labis ang paghanga niya sa lalaki. Alam niya kung ano ang nararamdaman nito para sa dalaga, but his love is selfless. Kahit alam niyang mahirap para dito ang ibigay ang taong mahal sa iba, pinili pa din nito ang kaligayahan ng babaeng pareho nilang minamahal.

Nakita niyang sumilip na mula sa bintana ng bahay na tinutuluyan nito ang dalaga. Sinabihan niya si CeSi na tawagin ang guro at sabihing sumilip sa binata. Halata sa mukha nito ang pagkagulat. He smiles, sinubukan niya na alisin ang kaba, lalo pa ngat ang daming tao na nakapaligid sa kanya. Lahat ay kinikilig at excited para sa kanilang pinaka-paboritong guro.

"Good evening, Maris! Good evening, everyone! Alam nyo, when I first came here, labag talaga sa loob ko. Ginawa ko lang talaga yun dahil sa utos ng management. But staying here for a week brought so much learning to me. Dahil sa lugar nyo, I've learned to appreciate life more. Natutuhan kong maging grateful sa lahat ng mga bagay na meron ako, kasi may mga tao who have less but happy.

My experience here is an eye-opener. Natutuhan ko mahalin ang buhay. Ang dami kong natagpuan dito, bukod sa mabubuting kaibigan, natagpuan ko muli ang sarili ko. I was a lost soul, I was jaded, I was bitter. Apat na taon kong tinago ang sakit sa puso ko dahil sa pagkabigo ko sa unang pag-ibig. 4 years ago, nawalan na ako ng tiwala sa pagmamahal, miski sa buhay.

Pero muli kong natagpuan ang sarili ko dito. Suddenly, nagkaron ng sigla muli ang buhay ko. At higit sa lahat, dito ko natagpuan ang babaeng muling magpaparamdam sa akin na umibig. This girl taught me so many things. She taught me that life is unfair, yes, but you can still choose to be happy. She taught me how to love once again. Akala ko kasi, hindi ko na muli yong mararamdaman.

Binago niya lahat ng paniniwalang tinanim ko sa utak ko. She made me realized that Daniel Matsunaga's theory weren't all right after all. She effortlessly made me want to trust life and love once again. She is a great blessing as I know she is to all of you here. Maswerte tayo na nagkaroon tayo ng pagkakataon na makilala ang isang anghel na katulad ni Maris.." he stares at her with so much love and passion. And she's crying, she's crying. Maging ang mga tao sa paligid ay hindi maiwasang maiyak. Alam nang binata na masaya ang mga ito para kay Maris.

"Maris, alam ko, sinabi mong hindi kita pwedeng mahalin. D-di ko alam kung ano ang reason mo, pero gusto kong malaman mo na hindi ako susuko. Di ba, you don't give up on the people that you love? I love you, and sorry to say, you can't get away that easy."  he smiles. At nagsimula na siyang tumugtog ng gitara.

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon