Chapter 11

2K 63 8
                                    

Naging madalas ang pagkikita nila Daniel at Maris pagkatapos ng gabi ng ball. Para sa binata, habang tumatagal na nakakasama at nakikilala niya ang dalaga, lalo itong napapalapit sa kanya. Iba si Maris sa lahat ng nakilala niya. She's one of a kind!

Pakiramdam ng binata ay hindi kumpleto ang kanyang araw kung hindi nakikita o nakakausap ang babae. Maging sa mga taping, lumilipad ang isip niya sa pag-iisip sa dalaga. At sa tuwing maalala niya ang mga ngiti at tawa ni Maris, napapangiti siya ng walang dahilan. The feeling sooo good it can be distracting sometimes. Kaya naman napagpasiyahan ni Daniel na magtapat na nang kanyang nararamdaman. 

Kaya naman halos mahulog ang puso ng binata sa kaba habang magkasama sila ni Maris na naglalakad papunta sa parking lot ng isang mamahaling restaurant sa Makati. Kakatapos lang nilang mag-dinner. Ang plano ng binata ay ngayon na magtapat. Pero habang humahanap siya ng tiyempo ay tila sumisirko ang kanyang puso sa kaba. Weird, pero hindi naman siya mahiyain, ngayon lang.

'M-maris! There's something I have to tell you...." it's now or never, yun ang naisip ni Daniel.

"Hmm, ano yun?" nakangiting humarap sa kanya ang dalaga. Saglit na nag-apuhap ng sasabihin ang binata.

"Uhmm, k-asi, the first time I saw you, I already like you. Pero pinilit kong labanan yun. Kaso nung naging malapit tayo, at habang nakikilala kita, I saw how beautiful you are as a person, not only from the outside but most especially from the inside. Nagising na lang ako isang araw na naramdaman kong m-mahal na kita. I-love you, Maris!" inabot niya ang kamay ng dalaga at dinala sa kanyang bibig. Ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay agad itong binawi ni Maris. Awtomatikong napatinging dito si Daniel. She's crying!

"I-i'm s-sorry, Dandan! B-but you can't love me. Di mo ako pwedeng mahalin." tila bomba iyong sumabog sa pandinig ng lalaki. He blinks his eyes so many times, just making sure that he isn't dreaming. Pero di siya nanaginip, nakikita pa din niya ang pag-iyak ni Maris, at nararamdaman pa din niya ang sakit sa kanyang dibdib sa mga narinig.

"What do you mean I can't love you? Why? If you don't love me yet, it's okay, I'm willing to wait, Maris. But please let me love you." sinubukan niyang yakapin ang babae pero agad lang itong kumawala.

"Hindi mo naiintindihan! Hindi mo ako pwedeng mahalin, Daniel. Hindi pwede!!" yun lang at patakbo na itong lumabas sa parking lot. May ilang segundo ng matauhan ang binata at agad naman niya itong sinundan. Nakita niya ang mabilis na pagsakay nito sa isang taxi, kaya naman hindi na tinangka pang pigilan ito ni Daniel. Masakit na masakit ang damdamin ng binata. Nanlulumo siyang bumalik sa kanyang sasakyan.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tatlong araw ang lumipas ngunit pakiramdam ni Daniel ay hindi pa din nababawasan ang sakit. Wala siyang ganang mag-trabaho, tila robot lamang siya na sumasabay sa agos. At tuwing gabi, nilalango niya ang sarili sa alak na para bang makakatulong iyong maibsan ang kanyang nararamdaman.

Hindi niya maintindihan. Nararamdaman din naman niya na may pagtingin sa kanya si Maris kung wala ay hindi siya maglalakas loob na magtapat dito. At nung gabi na sabihin nito na hindi niya ito pwedeng mahalin, nakita niyang nasasaktan din ang dalaga. Pero bakit mas pinili nito na ipagtulakan siya palayo?

Walang makuhang sagot si Daniel sa kanyang mga tanong. Galit siya kay Maris, but he still found his self inside his car driving, papunta sa Vitas. Marahil ay gusto niyang sumbatan ang babae. Pakiramdam  niya ay pinaasa siya nito. Pakiramdam niya ay napaglaruan siya.

Kinuha niya ang bote ng beer, at inubos ang laman nun. Alam niyang masama ang magmaneho ng lasing, pero what the hell? Right now, wala siyang pakelam. Pinarada niya ang kotse tapat ng barangay hall. Di gaya ng dati, wala ang mga tambay doon bagkus nakita niyang tila nagkakagulo ang mga ito. Naglakad siya patungo sa pinagkakaguluhan ng mga tao nang makita niya si Fourth, karga nito sa Maris na tila hinang-hina.

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon