Epilogue

3.2K 114 61
                                    

* 6 years later*

Mula sa malayo ay masayang pinapanood ni Daniel ang babae. Her voice is like music to his ears. Masayang-masaya ito na tila nagpapahabol sa alon. She's collecting sea shells, at pagkatapos ay tatakbo pag nakikitang papalapit na ang mga mumunting alon. Her hearty laughter brings smile to the people around her.

"Halika na! Tanghali na. It's lunch time!" sigaw niya sa babae. She pout, bagay na ikinatawa ni Daniel. She's really the cutest when she pout like that. Tumakbo ito papalapit sa kanya, her black straight hair is flowing, like dancing in the air. Mariin siya niyakap nito! Daniel planted a kiss on her forehead. Buong pagmamahal niya itong tinitigan.

"You had fun, Danris?" he asked his daughter who is now almost 6 years old.

"Yes, Dad! But I want to stay a little longer, pleaseeee?" she bated her eyelashes. Kamukhang kamuka talaga ito ng kanyang asawa. Danris will be the constant reminder of his wife.

Natuloy ang pagpunta nila sa US. Ngunit bago sila lumipad para sa operasyon ng asawa ay nagpakasal muna sila, isang beach wedding sa Samal Island. Naroroon sila Fourth, Bryan at maging sila Chloe at Zara. Si CeSi ay tumayong flower girl. Ang mga bata sa Vitas ang siyang umawit para sa kanilang kasal. His family flew from Brazil. Napakasaya ng okasyon na yun, isang araw na hindi nila malilimutan.

Tatlong araw pagkatapos ng kanilang kasal ay lumipad na sila patungong Amerika. Gaya ng naipangako ay sumama si Daniel. Naroroon siya sa simula hanggang sa tuluyang ma-operahan ang asawa. Umuwi lamang siya saglit sa Pilipinas to fulfill some responsibilities, at pagkatapos ay muling bumalik sa Amerika upang hintayin ang resulta ng operasyon ng kabiyak.

The operation was succesful! Masayang-masaya ang mag-asawa sa naging resulta. Anim na buwan nagpagaling si Maris, at pagkatapos ay naglibot sila sa iba't-ibang parte ng Europa para sa kanilang honeymoon. A year after, she conceived a child-- isang napakaganda, at napakalusog na batang babae, they named her Danris, a combination of their names, Daniel and Maris.

Ngunit nitong nakaraang taon, muling bumalik ang sakit ng asawa. But this time, tuluyan ng kumalat ang cancer cell sa buong katawan ng babae. Pati ang ibang organs ng misis ay naapektuhan na, nagkaron ng madaming komplikasyon hanggang sa tuluyan na itong mamaalam.

Iniwan sa kanya ni Maris ang isang napakagandang alaala, si Danris. Their daughter is a staple reminder of their one great love. Isang paalala nang isang pinakamatapang na bagay na kanilang nagawa-- ang patuloy na magmahal sa gitna ng karamdaman at hamunin maging ang kamatayan.

His wife answered all his questions. Took away his doubts and fears. And above all, she taught him to trust love and life once again.

Di namalayan ni Daniel ang mga luhang naglalandas sa kanyang mga mata. He misses his Maris so much! Pero alam niya na kung nasaan man ang asawa, masaya ito na ginagabayan silang dalawa ni Danris.

"Daddy, are you crying?"tanong sa kanya ng anak. He smiles as he look at those familiar eyes; nakuha ng anak ang mga mata ng asawa.

"No, baby! I just miss your mom." ginulo gulo niya ang buhok ng anak.

"Awww! don't cry, dad! Mom told me that when I see you cry, I should give you kisses." pinupog siya ng halik ni Danris. He smiles.

Di na yata mawawala ang sakit na kanyang nararamdaman sa pagkawala ng asawa. His heart will forever ache on her loss, and will forever have that void that no one can ever replace. Pero nagpapasalamat na din siya sa anim na taon na ibingay sa kanila ng Diyos upang patunayan ang kanilang pagmamahal. He will forever cherish those moments they were together.

At sobrang laki din ng pasasalamat niya na iniwanan siya ng isang buhay na alaala ng asawa-- si Danris. Magkahawak kamay ang mag-ama na naglakad pabalik sa kanilang beach house.

---------------------------THE END---------------------

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon