Chapter 7

2K 58 7
                                    

"You are my light

You're the lamp upon my feet

All the time my Lord

I need You there

You are my life

I cannot live alone

Let me stay

By Your guiding love

All through my life

Lead me Lord...."

Tinig ni Maris ang pumapailanglang sa ere sa araw na iyon. May palagay si Daniel na hindi lamang siya ang nakakaramdam nang tila hinehele ng malamyos na boses ng dalaga. Admittedly, hindi talaga siya mahilig magsimba, pero kung ganito naman kaganda ang tinig na tuwina ay iyong maririnig, siguradong kahit sino ay mahahalina.

Di gaya kahapon, wala nang bakas ng panghihina ang babae. Naisip ni Daniel, marahil ay talagang napagod lamang ito at sadyang malakas ang ineksyon sa kanya. Right now, Maris is a picture of a happy woman again. Smiling, laughing, her eyes are dancing in so much joy. He cannot resist staring at her.

Ang ganda ng dalaga ay di iyong tipo na ikakapanalo nito ng isang beauty title, but she is a beauty nevertheless. That kind of beauty that grows in someone's heart. That kind of beauty that is timeless. Yung kagandahan na lalong pinapatingkad nang katalinuhan at kagandahan ng puso nito. That kind that both the outside and the inside are equally beautiful.

"Pssst, Kuyang Pogi!" mahihinang pagtawag ang narinig ni Daniel at umagaw sa kanyang atensiyon. Hinanap niya ang pinanggalingan ng pagtawag, he saw CeSi smiling at him. Awtomatiko itong niyakap ng binata.

"I'm sorry, CeSi!" maya maya ay nasabi niya sa bata. Sa totoo lang, nang malaman niya ang kalagayan nito sa ama, parang gusto niyang mahiya. Akala niya masyado nang malaki ang kanyang problema, hindi niya akalain na meron palang isang batang babae na di hamak naman na mas malaki ang problema kung ikukumpara sa kanya. Actually, Vitas made him realized so many things.

"Eh, bakit ka nagso-sorry, Kuya? Di naman ikaw yung nambugbog sa akin ha!" she giggles. Parang lalong gustong maiyak ng binata. How can this girl be so resilient?

"D-di k-ko kasi alam... S-sorry! Kung alam ko lang s-sana. K-aso di ko nahalata sa'yo. Ang daldal mo pa din kasing bata ka." pinilit niya na ngumiti habang ginulo gulo ang buhok ni CeSi.

"Sabi kasi ni Teacher Maris, life is short! Saka love ko  po kasi ang papa ko. Ayaw ko siyang makulong, kaya lang naman po niya nagagawa yun dahil lasing siya. Pero pag di naman po siya nakainom mabait naman ang papa ko, Kuya!" her explaination really pull some heart strings. Nandito ang isang bata na sinasabi sa kanya na mahal pa din nito ang isang tao na nanakit sa kanya sa kabila ng lahat.

Chasing Daniel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon