CHAPTER 2

5.5K 129 14
                                    

CHAPTER 2



MIA’s POV:

Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko kay Mr. Hellterson, 'yong matandang kaboses ni papa. Hindi ko rin alam kung paano o saan makuha ang pera para sa operasyon ni Kuya. Nasa punto na rin ako ng buhay na kahit ikapahamak ko'y handa kong gawin para mabuhay lang ang kuya ko.

"Kasalanan mo lahat eh! Nakakainis ka," naiinis ako sa sarili ko sa sobrang inis. Parang gusto ko nang patayin ang sarili ko sa mga oras na 'to, pero kawawa naman ang kuya ko. Sana lang mayroon akong sapat na lakas para makalabas sa poder ni Tita Selena at makahanap ng trabaho, para wala na ako problema ngayon.

“Hindi ka dapat sumuko," tama, walang susuko Mia, kahit ilang unos pa ang dumating.

"Magandang umaga ma’am," napatingin ako sa pinto at bumungad doon ang isang nurse na may dalang tray ng pagkain.
“Good morning din. “ bati ko saka ngumiti sa kanyang.
“Ah! Ate pwede po ba mag tanong. “ hindi ko alam kung saan hospital ako ngayon eh! Baka malayo ‘to sa ospital kung nasaan si Kuya kailangan ko pa naman bisitahin ‘yon.

“Ano ‘yon ma’am. “ naka ngiti niyang tanong.

“Nasaan Hospital po ako? Hindi ko po kasi alam no’n dinala ako dito wala yata akong malay. “ kumamot ako sa ulo, tama ba sinabi ko? Hindi ko naman alam ang lahat eh! Basta ‘pag gising ko akala ko patay na ako.

“Ma’am nasa Rieacosta Hospital po kayo. “ natigil ako sandali tapos na realise kong— “Ano po? “ nakanganga kong tanong.

“Rieacosta Hospital—”

“Nasa Rieacosta Hospital ako? “ kung ganon isang tambling lang nasa room na ako ni kuya.

“M-may problema po ba ma’am? “ mabilis pa sa alas dos akong tumitig kay ate saka hinuli ang palad niya dahil do’n halos mapalundag siya sa gulat.

“Pwede po bang lumakad na? Nandito rin kasi kuya ko nasa Room 9 siya bibisitahin ko lang siya. “ napahawak siya sa puso saka napatingin sa’akin.

“Ma’am kahit gustuhin kong lumakad ka at bisitahin ang kuya mo wala akong magagawa para do’n. Hindi ka pa pwedeng lumakad. “ sa ‘pag kakaalala ko hindi naman ako nasagasan o nabalian ng buto sa paa.

“Walang problema sa paa ko nahimatay lang naman ako kaya pwede akong lumakad. “ ‘pag pipilit ko sa kanya pero imbis na tumugon sa sinabi ko bigla niyang inagaw ang kamay niya saka namiwang.

“Pag ako napatalsik sa trabaho kukulamin kita. “ kinabahan ako sa sinabi niya kapagkuwan ay tumitig ulit sa mukha niya. “Oh! Ayaw mo maniwala na kaya kitang kulamin? Ang lola ko ang isa—”

“Ibig mong sabihin tutulungan muna ako, tama? “

“Basta pagkatapos natin bisitahin ang kuya mo babalik tayo agad. “ tumalon yata ang kaluluwa ko dahil sa sinabi ni ate.

“Alam mo kung hindi mo pa alam, ako na mag sasabing sobrang ganda mo po ate. “ napahawak siya sa mga pimples niya saka kumunot ang noo.

“Wag mo akong lokohin. “

“Ate lahat ng tao may angking kagandahan marahil sa iba hindi nila nakikita pero may mga tao rin naman na nakaka-appreciate non. “ alam ko at alam niyo na kahit hindi tayo pantay-pantay may mga dahilan upang masabi nating kahit kaunti meron tayong pagkapantay-pantay ‘di nga lang sa mata ng Ibang tao.

The Billionaire's AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon