CHAPTER 8

4.3K 117 12
                                    

CHAPTER 8

Gabi na ng makauwi ako sa bahay at alam ko naman na hindi umuwi si Lucian kaya sinadya kunarin umuwi ng gabi marami kaming pinag-usapan ni Venn kaya hindi na namin namalayan na maghating gabi na.

Dahan-dahan lang ako sa pagpasok sa main door ng biglang may magsalitang kakilakilabot.

“Yelda.” Akala ko talaga ako tatawagin niya kaya nakahinga ako ng malalim at muling naglakad ng dahan-dahan lang pero ng akmang aakyat na ako sa hagdan muli siyang nagsalita.

“You can’t hear me, Yelda?” Lasing ba siya? Tumingin siya sa gawi ko saka niya ako tinuro. “... I’m hungry Yelda.” Tinuro ko ang sarili ko, ako?

“Yelda.” lumalakas tibok ng puso ko sa kaba kaya mabilis pa sa alas dos na naitapon ko ang packbag ko sa sofa saka mabilis na napatakbong patungo sa kusina at kahit kinakabahan pinilit kong magluto.

“You look so sexy now Yelda, why is that?” Lasing nga talaga siya.

“You look so beautiful too, your husband is lucky to have you, I know you love him for real.” Natigil ako sa kakatadtad ng gulay ng bigla akong napatingin sa kanya at saktong nakatitig din pala siya sa’akin.

“Yelda, where is she?” ako ba tinutukoy niya? Napatingin ako sa kabila saka huminga ng malalim.

“S-sa a-ano—”

“Your voice is sounds like a young lady.” Hindi ko na siya pinansin sa lahat ng pinagsasabi niya, tinutok ko nalang ang sarili ko sa ‘pag luluto.

Mga 25 mins din akong nagluto bago ko ‘yon inihain  sa harap niya.

“Hmm, they look so yummy Yelda.” Tumingin siya sa’akin  at ang sumunod niyang ginawa ang nakapag bigay nginig sa katawan ko. Ngumiti siya, at ibang-iba ngiti niya, para siyang sobrang maamong nilalang.

“Thank you.” ’yong ngiti niya ang nakapag bigay lakas sa’akin noon. Hanggang ngayon ganon parin ang epekto sa’akin.

   
“Hmm.. Your cooking skills is amazing Yelda, quite different now.” Napapangiti ako saka pinagmasdan ko lang siyang kumain hanggang sa matapos siya.

“I’m full.” Ngumiti siya ulit saka tumingin sa’akin. “Need to rest thanks for the delicious food Yelda, my breakfast tomorrow okay.” Tumango-tango ako at least kahit papaano hindi niya nalaman na ako ang babaing ayaw na ayaw niya sa mundo sa pamamagitan man lang nito makagawa ako ng tama para sa kanya.

Naghugas muna ako ng plato bago umakyat sa kwarto ko.    

No’ng matapos ako kaagad akong umakyat sa kwarto  at naglinis ng katawan saka ako ulit lumabas ng maramdamang kong nauhaw ako at nong umakyat ako ulit nasalubong ko ang aso ni Lucian na kaagad na sinugod ako at hinila-hila ang laylayan ng panshiama ko.

“Hello! Ano ginagawa mo—okay wait.” Sinundan ko siya kong saan niya ako dinala hanggang sa napahinto ako ng mapagtanto kong nasa tapat ako pintuan ng kwarto ni Lucian.

“Hindi pwede cutie.” Nakangiti kong sabi sa aso saka akmang lalakad patalikod ng bigla kong nakitang tumakbo siya sa loob at nong sumilip ako nanlaki ‘yong mata ko ng makita si Lucian na nakahandusay sa sahig.

“Sir Lucian!?” Tumakbo na ako saka siya niyogyog. “Ayos ka lang? Sir Lucian naririnig mo ako?” mukhang hindi, kaya kahit hirap at napaka bigat niya kinaya ko siyang paupoin at pinasandal sa kama.

“Kukuha muna ako ng tubig—” bigla niya akong hinila kaya napasubsob ako sa dibdib niya. “S-sir-“ napalunok ako ng dahan-dahan niyang minulat ang mata niya saka tumitig sa’akin.

The Billionaire's AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon