CHAPTER 6

4.2K 110 0
                                    

CHAPTER 6


Gusto kong tumakbo at lumayo sa bahay kung nasaan nakatira ang kampon ng kasamahan. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa lahat ng sinabi niya sa’akin o baka disappointed lang ako kasi mabait naman siya nong unang pagkikita namin ‘yon nga lang hindi niya ako kilala.

Ngayon hindi kuna problema kong paano umalis kung dumating man ‘yong araw na mabayaran ko si Sir Hellterson. Kailangan kong humanap ng trabaho para maka-ipon.

“May gusto ka bang kainin hija? “ lumingon ako saka ngumiti kay manang Yelda.

“Ako nalang po magluluto. “ Kinuha ko agad ang mini pan sa may cabinet saka ko naman sinunod kuhanin ang dalawang itlog sa ref.

“Hija trabaho ko na asikasuhin ka. Sige na maupo kana doon ako na gagawa niyan. “ Kinuha pa niya ‘yong hawak kong itlog pero kinuha ko rin naman ‘yon kaagad sa kanya.

“Kaya ko naman. “ ngumiti ako kaya wala na siyang nagawa kundi bumuntong hininga saka pinanuod ang ginagawa ko.

“Anong oras ba uuwi si Lucian? “ bigla kong tanong na pati sarili ko nagulat. Syempre para ready naman tayo kung sakaling bumalik siya at baka sa pagkakataong iyon hindi na mga salita ang gamitin niya para saktan ako kundi mga kamay na niya o ‘di kaya ipapasagasa, ihuhulog sa hagdan, susunogin—!

“Ah! Hindi siya uuwi ngayon araw sa isang linggo tatlong beses lang siyang umuuwi dito sa bahay. “ para akong lumipad sa tuwa ng marinig ko ‘yon. Tatlong araw lang siya umuuwi dito kaya hindi kami magkikita ng madalas.

“Matagal ka nabang nagtratrabaho sa bahay na ‘to Yelda. “ ngumiti siya sa’akin.

“Oo, bata palang si Lucian nagsisilbi na ako sa pamilya nila ‘yang batang ‘yan napaka buti hindi ko nga alam kung bakit umiba ang ugali niya. “ at dahil ‘yon sa’akin dahil ayaw niya ako sa mundong ‘to na dapat hindi na kami pinagtagpo kasi para sa kanya mali ‘yon, kahit pa sa damdamin ng iba tama at marapat lang na pinagtagpo ang dalawang pusong may magkaibang saloobin.

“Parang siya ‘yong kuya ko. “ hindi ko dapat kinukumpara ang kuya ko sa kanya kasi ni sing liit ng butas ng karayom wala silang ‘pag kakapareho. maliban nalang sa pareho silang lalaki.

“Narinig kong pinag-uusapan ka ni Senior nong araw ng kasal niyo ni Alucard. Nasa ospital ang kuya mo? “ tumango ako bilang sagot ko. Sigurado akong malapit ng magising si Kuya at hindi kunarin alam kong paano ipaliwanag ang lahat ng ito sa kanya.

“Kain na po tayo. “ nakangiti kong alok sa kanya saka ko inihanda ang plato at ang iba pang gamit sa hapagkainan.

Pagkatapos namin kumain ng hapunan na pang umagahan naman ang ulam naghugas na ako ng plato nong una ayaw pa ni Yelda pero wala narin siyang nagawa no’ng patapos na ako.

Habang nandito ako sa bahay na ‘to na-realize ko na mas mabuti naring nandito ako kesa naman nasa poder ni tita selena. Huminga ako ng malalim saka minasahe ang medyo masakit kong braso pagkatapos non umakyat na ako sa kwarto ko.

Habang naglilinis ako ng katawan sa banyo biglang bumukas ang pinto at sa sobrang gulat ko napatakip ako sa dibdib ko.. pero isang hayop lang pala ang bumungad sa’akin.

“Aww Aww. “  tahol ng aso ni Lucian.

“Hello.. “ ngumiti ako sa aso saka ako nagpunas ng towalya at nagdamit bago ako yumoko at binuhat ang napaka cute na nilalang na ‘to. Hindi naman uuwi si Lucian kaya pwede kong makasa itong aso niya, huminga ako ng malalim saka naglakad patungo sa kama inayos ko ‘yong kumot ko saka ko nilapag ang aso.

“Good night sweetie. “ humalik ako sa ulo niya saka ako dahan-dahang nahiga at pinikit ang mga mata....

....

The Billionaire's AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon