CHAPTER 4
Hindi ko alam kung tama ba ang naging disesyon ko, hindi kurin alam ang gagawin ko pagkatapos nito ni hindi ko alam ang mangyayari basta ang nasa isip at puso ko lang ay mabuhay ang kuya ko. Gagawin ko lahat mabuhay lang siya handa akong isuko ang lahat makasa kulang ang kuya ko.
No’ng araw na tumawag ako kay Sir Hellterson ‘yon din ang araw na nakalaya ako sa kulongan at ang sabi ni Sir Hellterson naoperahan na ang kuya ko sa sobrang tuwa ko nayakap ko ‘yong matanda eh..
Nasa hospital din pala ako para gamotin ang sugat na natamo ko sa ‘pag aaway namin ni tita Selena dito lang daw muna ako hanggang isang linggo bago niya ako sundoin at ayosin ang lahat lahat.
Wala akong idea sa ‘pag kakaroon ng asawa wala din akong alam kung ano ba talaga ang gagawin ‘pag may asawa na ang isang tao.
Sana nga magising na ang kuya ko siya kasi may alam sa lahat kaya nga minsan pinagkakamalan ng iba na tatay ko si Kuya dahil sa pananalita niya na dinaig pa si Papa.
~~~
Dumaan ang oras, araw at linggo. Nasa hospital lang ako at hindi iniwan si Kuya gusto ko kasi ako ‘yong una niyang makita sa ‘pag mulat ng mata niya. Nasa room ako ngayon ni kuya at nakaupo sa tabi ng hospital bed niya habang tinititigan ang mala anghel niyang mukha.
“Kuya, alam kong nangako ako na dadaan muna sayo ang lalaking magiging kasintahan ko.” Napayuko ako saka muling nagsalita. “Pero kuya hindi ko siya magiging kasintahan kundi... Asawa.” Umaasa nalang ako ngayon sa magandang tadhana na ibibigay ng diyos sa’akin.
“Sana mapatawad mo ako kuya. Para sayo ang ginawa ko.” Hindi kuna napigilan ang mga luha ko dulot ng takot at kaba. Natatakot ako sa ano mang buhay na magkakaroon ako sa susunod na bukas, kinakabahan ako sa tadhanang humihintay sa’akin.
“Mag pagaling ka kuya pangako mag hahanap ako ng trabaho at mag-iipon para mabayaran si Sir Hellterson pagkatapos non babalik na tayo sa normal na buhay. Kahit hindi na kasama si mama’t papa sisikapin natin maging masaya kuya.” Kinuha ko ang kamay niya saka ako humalik sa noo niya. Miss na miss kuna ‘yong kuya ko. ‘yong boses niya, ‘pag ngiti, mga kalokohan niya at lahat lahat.
Ilang minuto din akong nandon bago ako tumayo at naglakad papalabas ng room ni kuya nasa pinto palang ako ng sumalubong ang limang lalaking naka suot ng Black tuxedo.
Ano ‘to?
“Ma’am pinapasundo kana ni Sir Dave.” Napaatras ako ng isang hakbang dahil narin sa gulat. Natatakot lang ako sa mangyayari — napatingin ako sa pinto ng kwarto ni kuya at sunod-sunod na ang ala-ala sa isip ko. Kailangan kong tuparin ang pangakong ginawa ko hindi ako pwedeng tumakbo at takasan ang sulosyon kung bakit maayos na ang kuya ko.
“Sige.” Nagsimula na akong maglakad habang nakasunod silang Lima sa may likod ko. Nakakahiya nga dahil nakatingin lahat ng tao sa sa’akin kaya imbis na tumingin sa daan minsan napapayuko ako.
“Lahat ng gamit niyo ma’am nasa sasakyan na.” Ngumiti ako sa kanila saka tumango.
“Salamat po.” ‘pag ka labas namin sa Hospital muli ako natigil saka muling nilingon ang naging pangalawa kong tahanan. “Babalik ako kuya. Pangako.” Bigla nalang tumulo ang luha ko pero kaagad kurin naman pinunas ‘yon bago muling maglakad.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Awakening
RomansaLucian is a billionaire guy who thinks no one loves him for real because he believes they just want his money. He only cares about his dad's big company and is sure he'll inherit it all. But things get wild when his dad introduces a new woman who me...