Chapter 8: Preparation
"You're late again." Malamig na sabi ni miguel sakin pagkadating ko sa studio
Nagkibit balikat nalang ako at nilagpasan siya. Wala kasi talaga ako sa mood makipag asaran sakanya because im dead tired.
Buong magdamag ako nagbantay kay kuya josh kagabi at baka hanggang ngayon ay nagbabantay padin ako sakanya kung hindi dumating si denise
"Oh babygirl bakit mukha kang namatayan jan? Okay ka lang ba?" bati sakin ni madam red habang sinusuri ang mukha ko
"Wala po, masama lang po talaga gising ko" pagsisinungaling ko
"Sige, mag simula na tayo" sambit nito
"Tapos na tayo sa Talent portion. Ngayon na yung huling rehearsal natin dahil sa susunod na bukas na ang pageant." paliwang nito
Agad naman ako nabigla sa sinabi niya. Nawala sa isip ko na 4 na pala bukas at sa 5 yung pageant
Buti nalang handa na yung long gown and Costume na gagamitin ko para sa competiton. Ang kailangan ko nalang is swimsuit
Nagsimula na kami mag rehearse. Kailangan namin maging sweet sa isat isa since partner kami
"Okay, closer! ikaw naman miguel hawakan mo ang bewang ni Keila!" utos ni Madam red at tinuturo naman ang susunod na pagpwe pwestuhan namin
Agad naman akong namula ng maramdaman ang kamay ni miguel sa bewang ko at nang ilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga.
"Wag ka lumayo. Dont resist. Masasaktan ka lang" sambit niya at hinila ulit ako. This time dikit na dikit na talaga ang katawan namin sa isat isa.
"What do you mean?" takang tinapunan ko siya nang tingin
Nagkibit balikat lang siya at tumawa nang mahina. Nakita ko pa siyang may binubulong sa sarili ngunit hindi ko na narinig.
MIGUEL'S POV
Natawa ako nang mahina sa reaksyon ni keila.
"Slow" bulong ko at napatawa ulit
Nakita ko siyang umirap at agad niya naman tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa bewang niya
"May problema ba kayo?" Tanong ni Red habang nagpapabalikbalik ang tingin samin ni Keila.
"Wala po" magalang na sagot ni keila at napayuko.
"Silly girl. pano niya nakukuhang maging maganda kahit wala siyang ginagawa?" bulong ko sa sarili
KEILA'S POV
Pagkatapos namin mag rehearse tinext ko agad si manong kuya na wag na ako sunduin dahil didiretso ako sa mall na malapit dito sa studio at mag ta taxi nalang ako pauwi
"Miss try mo ito" sabi sakin ng isang sales lady habang winawagayway ang hawak niyang two-piece striped halter na swim suit
Naghanap hanap pa ako hanggang sa napukaw ng isang itim na two-piece bikini ang atensyon ko. kakaiba kasi ang design nito kumpara sa mga nakita ko
Agad ko naman itong binili at napagpasyahan ng umuwi. Pagod na pagod na din ako dahil magdamag kaming rumampa simula alas dos hanggang alas-sais
Nagtaxi nako pauwi at di na ginambala pa si kuya manong gaya ng sabi ko kanina sa text

YOU ARE READING
Gone With The Wind
Novela JuvenilShe is an Acquiver dapat sakanya ay pinupuri at minamahal pero hindi yun ang naging takbo ng buhay ni keila. Itinago niya kasi sa buong paaralan ang tunay niyang pagkatao and she is determined to keep it that way until one day it all changed. Will k...