Chapter 3: The Offer
"Take care princess, tawagan mo lang ako or si kuya josh pag may problema okay? be good, i'll go now!" nakangiti si Kuya Tristan habang kumakaway sa loob ng sasakyan niya
Siya kasi naghatid sakin ngayon, busy kasi si kuya Josh. Kakauwi lang din ni kuya Tristan galing Singapore kasi may inayos siya sa company kasama si dad.
Hindi tulad ni kuya joshiah seryoso si kuya Tristan. Matangkad, gwapo, matalino at tahimik. kung ikukumpara kasi siya kay kuya joshiah, maingay at pilyo iyon, samantalang ito si kuya tristan kalmado lang.
Matamlay akong pumasok sa loob ng gate ng school at hindi na pinansin ang paligid.
Dumiretso agad ako sa silid at tahimik na umupo sa upuan ko sa likod at agad na natulog.
iidlip muna ako, anong oras na din kasi ako nakatulog kahapon, tinapos ko na kasi thesis ko.
"Ms. Acquiver, hello?" tawag sakin ng teacher namin sa math na agad na nagpaayos saakin
"Yes ma'am?" mahina kong sabi habang tinitingnan niya ako ng matalim.
Ano ba naman kasi to si ma'am paulit ulit nalang kasi yung lesson e halos kabisado ko na lahat.
"Answer no. 5-10 on the board without using calculator or reading the book." matalim padin ang mga mata nito habang tinitingnan ako.
"Yes ma'am" tugon ko at nagtungo sa board. sus yun lang pala eh, basic.
Walang kahirap hirap kong sinagutan yung limang given at umupo.
Napataas naman ang kilay ni ma'am at chineck ang sagot ko gamit ng calculator.
"Correct." masungit niyang sabi dahilan kung bat pumalaklak ang klass.
"Galing talaga ni keila"
"Pahiya si ma'am"
"Wow naintindihan niya yun?"
Sabi ko naman kasi sainyo andali lang ng lesson namin, kahit naka pikit ako kayang kaya ko yan sagutin noh. charot hehehehehe
Sa kalagitnaan ng discussion namin may kumatok sa pintuan na isang student assistant.
"Excuse me Mrs. Madz, pinapatawag po sa office si Ms. Acquiver at Mr. De Jesus." Magalang na sabi ng estudyante.
"Keila, Miguel, you may go now to the office" mataray padin na sabi ni ma'am madz ng hindi kami tinitingnan.
Ewan ko ba, lagi atang meron si ma'am, lagi nalang ang init init ng ulo wala naman akong ginagawa hmmp.
Tahimik kami nagtungo ni migs sa office ng principal, at bago kami tuluyang makapasok ay inabutan kami ng isang itim na invitation at isang rose ng isang babae.
"Para saan kaya ito?" tanong ko kay migs ngunit hindi ito umimik.
Nag kibit balikat lang si migs at binuksan na ang pintuan.
"Good Morning, ano po kailangan nila?" magalang na bati saamin ng secretary ng principal.
"Uhm pinapatawag daw po kami ni Sir Garcia" magalang na sagot ni miguel
Agad naman tumango ang babae at may tinawagan sa telephone.
Tumingin ito samin at ginuide kami sa isang pinto.
YOU ARE READING
Gone With The Wind
Fiksi RemajaShe is an Acquiver dapat sakanya ay pinupuri at minamahal pero hindi yun ang naging takbo ng buhay ni keila. Itinago niya kasi sa buong paaralan ang tunay niyang pagkatao and she is determined to keep it that way until one day it all changed. Will k...