Chapter Two

886 21 0
                                    


Jazzy POV

After that streamy night a month ago ay nasundan pa ulit yun. Siguro we had a silent agreement na we'll keep it between the two of us. Same pa rin kami sa isa't isa.
Wala namang nag bago except sa  paminsan minsan naming make out session.

"Kate, paki bilisan please. Baka malate ako sa training ko." Sigaw ko sa kanya. It's almost 6:45am na at 7am ang start ng practice ko. Malapit lang naman sa school at may taga hatid naman kami pero syempre ayaw ko lang talagang malate.
Napasali kasi sa volleyball team namin, hindi man ako ang captain pero ka close ko naman yun.
Si Joey ay isa sa mga kinaiinisan ni Kate, ewan ko ba dun kung bakit inis na inis kay Captain kahit wala namang ginagawa sa kanya. Setter ako sa team namin kaya kailngan ko rin mag karon ng connection sa team mates ko.

"Bakit? Excited kana man makita yung kangaroo na yun?" Naka simangot na sabi niya.

"Hindi lang naman si Joey ang nandun."napabuntong hininga nalang ako. "And beside hindi naman siya ang gusto kung makita." Nakangising sabi ko sa kanya.. nako patay! Mas lalo pa atang napasimangot ang mukha ni master.. Haay! Kate please wag kang ganyan.
Tinalikoran ba naman ako at inirapan. She makes my heart melt.
Dali dali siyang lumabas ng pinto at iniwan ako. Kahit masungit ka bakit ang cute cute mo pa rin sa paningin ko??

"Kate, hintayin mo naman ako."

"Mag isa kang pumunta sa school at maglakad ka!" Padabog na sabi niya. Ke aga aga pero ang init na ng ulo! Baka meron?

"Hey! Wait lang naman." Habol ko sa kanya bago pa siya maka pasok sa elevator.
"Kate naman, nagbibiro lang naman ako eh." Lambing ko sa kanya. Hinila ko papalapit sa akin at niyakap. "Ikaw lang naman ang gusto kung makita." Bulong ko.
Bago pa siya maka sagot bumukas na ang elevator. "Down po." Sabi naman ng babaeng naka bantay. Tumango ako at pumasok na kami. Tahimik pa rin si Kate pero hindi na siya naka simangot katulad kanina.

Pagkadating naman namin sa school ay naka abang na naman si Thanos sa kanya.
Tinatawag ko lang siyang Thanos kasi para sa akin kamukha niya at para din siyang villain sa paningin ko!
Siya si Leo Toralba pronounced as lee-yow ang pangalan niya. Ang totoo niyan may itchura naman siya at hindi totoong kamukha niya si Thanos more on parang si Noah sa To all the boys I loved before.
Marami rin namang nag kakagusto sa kanya kaso si Leo ay matagal ng nanliligaw kay Kate.
Siguro 3rd year high school kami nung nag simula siya so 15 years old kami and now mag 17 na kami. Halos mag kalapit lang din pala ang birthday namin ni bestfriend.
Mabait rin naman siya kaso ewan ko ba parang may off kasi talaga sa kanya. Ang laki pa ng katawan parang body builder.

"Good morning Kate. For you" sabay abot sa kanya ng isang bugkos ng roses. "Good morning din Jazz." Bati naman niya sa akin. Dinedma ko lang siya. Si Kate naman tuwang tuwa pa sa tanggap na roses. Bahala nga sila. Napa tingin ulit ako sa relo ko 5mins bago mag 7am. Shoooooot ang layo pa ng tatakbohin ko.

"Dela Vega, you're late." Salubong sa akin ni Coach. Napa tingin ulit ako sa relo ko.

"Coach naman, almost 2 mins lang eh." Napakamot nalang sa batok ko.

"Late kapa rin, bakit di mo gayahin ang ibang team mates mo maaga kung dumating. Ang lapit lapit lang naman ng tinitirahan mo dito sa school." Sermon niya. Yan din nga ang pagtataka ko kung sino pa ang malapit sa school yun pa ang palaging na lalate, hindi lang din naman ako. Pati na rin yung iba ko pang ka klase sa same condo building ko rin or yung malapit lang din dito sa school.
"Dahil dyan, give me 30 laps." Putek sa 2mins na late 30 lapse na agad? Ano pa kaya yung 5 mins?
Napaguba nalang ako ng hangin, kundi hindi dahil dun kay Thanos naka abot pa sana ako.

Nag handa na akong mag stretching ng marinig ko si coach na may pinagalitan ulit. Napa tingin ako kung saan siya naka harap. "Mendes! Isa kapa! Nandito kana nga sa loob ng school naka tira late kapa rin!" Sigaw niya kay Carly na bestfriend naman ni Joey. "Mag sama kayo ni Dela Vega, pero sayo give me 60laps." Naka simangot napahabol niya..

Secretly Married to my BestftiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon