EUNBI'S
Dalawang araw akong absent dahil nagkasakit ako, pero kailangan na kailangan ko nang pumasok dahil baka bugbugin ako ni mama.
Di ko nakausap si Beomgyu ng dalawang araw, ni hindi man lang siya nagparamdam. Siguro busy lang siya with something. Ayaw ko namang mang-abala.
Papunta nakong school ngayon kahit masama pa ang pakiramdam ko, at late nako. Siguro tatanggapin naman nila ang excuse ko.
Dumaan ako sa hallway papunta sa classroom namin. I heard the same noise from that room, yung room ng section a. "Uyyy bagong loveteam naba?!" sigaw nung isang student dun. Loveteam?! Baka sobrang bagay sila! Nakakainggit naman. Tinignan ko kung sino yung tinutukoy nilang loveteam, and my heart sanked.
Beomgyu and Eunha, sila yung tinutukoy nilang loveteam.
Medyo masakit, pero malay mo tinutukso lang sila. Malay mo biruan lang diba? Wag dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano, be positive! Dumiretso nako sa room, di ko nalang muna sasabihin kahit kanino; magpapanggap nalang ako.
• • • • ❖ • • • •
Naglalakad ako mag-isa papunta sa canteen, nagugutom nako eh. Nadatnan ko naman yung squad ni Eunha, iiwasan ko nalang sila. Nang malapit nako sa kanila, pinatid ako ni Eunha kaya natumba ako at nagkasugat sa tuhod.
"Wag ka kasing lalampa-lampa. Bobo ka na nga, ang lampa mo pa! HAHAHA." nagtawanan sila kaya nakuha nila ang atensyon ng ibang students. Tumayo ako at pinagpag ang uniform ko. "Ano bang problema mo ha?!" tanong ko sa kanya. "Malandi ka kasing ahas ka! Inaagaw mo sakin si Beomgyu eh hindi naman siya magiging sayo!" waw ang kapal ng mukha ng babaeng to?! magiging sakanya si Beongyu, no way! "Nahihibang kana ba talaga?! Magugustuhan ka niya ganon?! Kahit anong gawin mo, hindi magiging sayo si Beomgyu!" sigaw ko at akmang aalis na, pero pinigilan niya ako nang sinabunutan niya ako! "Aray!" humarap ako sa kanya at sinabunutan rin siya! Sinampal niya pa ako tangina! Sumusobra kana ah! Akmang sasampalin ko na siya nang tinulak ako ni Beongyu. Wtf?
"Ano ba Eunbi?! Nakakahiya ka!" sigaw ni Beomgyu sakin. "Ano ba Beomgyu?! Nahihibang kana rin ba?! Nagustuhan mo ba siya ha?! Pinaglalaban mo ba siya ah?! Sagutin moko!" sigaw ko pabalik sa kanya. "Oo! Gusto ko siya at ipinaglalaban ko siya! May angal ka?!" this broke my heart, so wala na nga talagang pag-asa. "B-b-beomgyu, pano na tayo?" naiiyak na tanong ko sa kanya. Why is he acting like this? Ang galing niyang umarte ah! "Di kita magugustuhan! Di ko magugustuhan ang isang tulad mo! Bobo ka! Wala kang matutunguhan! Wala kang kwenta! Kaya sinong magkakagusto sayo?! Wala! Wala!" tears rolled down my face. So yun nga talaga ang tingin niya sakin? Akala ko nagbago na siya.
Puro bulungan ang naririnig ko; "desperada naman ni ate!" "nakakahiya shet!" "lutong naman nun." "landi ni gurl, bobo na nga eh.". Tumakbo nako at lumabas ng school. Nahihiya nako, napahiya ako. Sirang-sira nako, maslalo na sa tingin sakin ni Beomgyu. Nasasaktan ako tangina! Di ko na kaya! Ayaw ko ng mabuhay! Bakit ba kasi ganito ako?! Bakit pa ako nabuhay?!
Nasa tapat nako ng bahay ko at kakatok na sana nang biglang bumukas yung pinto. "Sige ali— bakit ka nandito?! Diba may pasok ka?! Nagcutting ka no?!! Kaya ka bobo eh, di ka pala pumapasok!" bigla niyang piningot ang tenga ko at hinila ako papasok ng bahay. "Uyy Eunbi! Ikaw na bata ka! Di kana nadadala! Bakit kaba kasi nabuhay?! Bakit kapa ka—" bigla akong nagsalita. "Ma! Pa! Pagod na pagod nako! Ginagawa ko na ang lahat para sainyo, pero wala lang ang lahat ng yon para sainyo! Lahat kinakaya ko! Mga masasakit na salita mula sainyo, pati yang pang-aabuso niyo! Bakit niyo pa ba ako binuhay kung gaganituhin niyo lang naman ako?! Bakit di niyo nalang ako nilaglag?! Bakit?!" nakatikim ako ng sampal mula kay mama. Hinila ako ni mama papunta sa pinto at tinulak ako palabas ng bahay. "Wala kang karapatang sagutin kami! Lumayas kana! Di ka na namin kailangan dito!" at sinara na niya ang pinto. Bakit nangyayari ang lahat ng ito sakin?
Wala ako sa aking sarili, at ewan ko kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Ayaw na sakin ni Beomgyu, ayaw na rin sakin ng magulang ko at pinalayas pa ako. Ang ganda ng buhay ko.
Nakita ko nalang ang sarili ko sa bahay ni Yaya Evelyn, nakaabot pala ako dito. Kumatok naman ako at pinagbuksan ako ni Yaya Evelyn. Naiyak ako at bigla niya naman akong niyakap. "Nak? Bakit ka nandito? Teka, ba't ka umiiyak?" pinapasok ako ni yaya evelyn sa loob.
"Ayaw na nilang lahat sakin." sabi ko at umiyak na nang tuluyan. Yinakap naman ako ni yaya Evelyn. "Tahan na nak. Gusto mo ba, dito ka nalang muna? Pwede naman." sabi naman niya sakin. Tumango naman ako at ngumiti ng bahagya. Yinakap ko siya ulit.
I need to change, for good.
BINABASA MO ANG
𝐁𝐎𝐁𝐎 | Tomorrow Series 3
Fanfic𝐁𝐎𝐁𝐎 [bo·bo] 𝙖𝙙𝙟𝙚𝙘𝙩𝙞𝙫𝙚 ➥ foolish; slow at understanding ➥ not sensible; half-witted Kang Eunbi, a girl that hasn't been given an intellectual mind, was indeed struggling to live her life. Ever since she was young, the girl w...