Ginagamot ko na ngayon ang sugat ng lalaking to di ko siya kayang tignan dahil sa kahihiyan na nangyari kanina di ko din siya kinakausap kasi sobrang lapit ko sakanya at dihil din don nahihirapan ako makahinga ng maayos .
"Sabi ko naman kasi sayo pwede mo naman sabihin sakin na may gusto ka sakin di na kasi bago yun sa pandinig ko ." Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pang ngisi ng labi niya .
Bwiset na lalaking to pag di ako nakapag timpi masasapak ko to grabe na talaga pag ka hambog nito diniinan ko ang bulak sa sugat niya .
"Ouch dahan dahan naman." Diniinan ko ulit yung bulak kala mo ha .
"Ano ba nanadya kana e!" Tinabig niya ang kamay ko tinignan ko siya ng masama nakakunot nanaman ang mga kilay niya .
"Che! Ang kapal ng kalyo mo sa paa di mo ba nahahalata ha manhid kaba pulang pula na nga yung muka ko sa kahihiyan pinaulit-ulit mo pa. Bwiset na to pag tapos nito please lang lumayas kana sa unit ko!"
Sigaw ko sakanya pero ang gago ngumiti nanaman abnormal ba ang isang to? Inirapan ko siya tapos ginagamot ko na ulit ang sugat niya sa braso aayusin ko na lang to para matapos na agad ng maka alis na siya sa condo ko pag naiisip kong nasa iisang lugar lang kami feeling ko na su'suffocate ako .
"Baka gusto mo kong pakainin muna nagugutom nako it's 12 midnight already di pa ko nag di'dinner" oo nga pala di pa din ako kumakain ng dinner no choice ako kundi pakainin muna ang kumag nato .
Pag tapos ko linisan ang sugat niya saka bendahan tumayo nako saka pumunta sa kusina para mag luto .
Narinig kong bumukas ang tv ko at home na at home ang loko.Nagluto ako ng tinola at habang nag sasandok ako ng kanin hikab nako ng hikab grabe inaantok nako.
Pumunta ako ng sala nandon pa din siya nakaupo sa sofa habang nakataas ang dalawang paa .
"Kakain na tayo tumayo ka na jan."
Tinignan niya lang ako saka tumayo ."Alam mo nag tataka ako kasi yung mga babaeng may gusto sakin di ganyan kumilos. Di kaba masaya tayong dalawa lang dito solong solo moko? Yung iba kasi pag ganto nag huhubad na sa harapan ko e. Ikaw kasi Para kang asawa na high blood kasi late nako nakauwi hahaha!" Pinaningkitan ko siya ng mata .
"Ano akala mo sakin ganon ka desperada excuse me mr.florencio over my dead gorgeous sexy body hindi ko naisip ang mga ganyang bagay sayo no. Assuming neto" inirapan ko siya saka nag lakad papuntang lamesa saka umupo.
Umupo na din siya sa harap ko saka inamoy ang niluto kong tinola.
"Mukang di naman masarap"pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko okay khiana wag mong papatulan Yan alalahanin mo crush mo yan inhale exhale.
Di ko na siya pinansin sumandok siya ng kanin sabay subo tinititigan ko lang siya tumango tango pa siya pag tapos sunod sunod na ang naging subo niya hmm di pala masarap ah Napangisi ako sabay kain na din .
Natapos kaming kumain na nakahawak siya sa tyan niya busog na busog ata siya ubos e pati yung kanin sa rice cooker ubos .
"Pwede na di na masama" Komento niya sa niluto ko niligpit ko na ang pinag kainan namin saka inilagay sa lababo saka ko siya hinarap .
"Makakaalis kana nalinis ko na ang sugat mo tapos napakain na din kita tapos na ko sayo so ba'bye." Ngiti ko sakanya.
"Dito ako matutulog" nanlaki ang mga mata ko .
"A-ano ? Hoy lalaki hindi ka pwede matulog dito no di ako sanay ng may kasamang ibang tao dito lalo na lalaki ka." Nginitian niya lang ako .
"Para namang gagahasain kita kung makareklamo ka e wala kanaman boobs" namula ang muka ko dahil sa sinabi niya na patingin ako sa dibdib ko saka ko siya tinignan.
"Hayop ka talagang gago ka!" Tinulak ko siya sa pinto saka binuksan nanlilisik ang mga mata ko jusko bakit ba ako nag ka gusto sa bastos na to.
"Hey! Nag bibiro lang naman ako kasi alam ko naman na ikaw ang gagapang sakin at---" lalong sumama ang timpla ng muka ko sa sinabi niya di ko na siya pinatapos sa sinasabi niya tuluyan ko na siyang sinarahan ng pinto saka huminga ng malalim nakakaubos ng pasensiya .
Nagulat ako ng bumukas ulit ang pintuan kaya na palingon ako di pa rin pala umaalis tong kumag na to.
"Ano nanaman bang kailangan mo ? Saka P-pano mo nabukas ang pintuan ko?" Tanong ko sakanya nakangiti nanaman siya sakin ng nang aasar.
"Yung sapatos ko kasi di mo binigay." Saka ko napabaling sa mga paa niya oo nga pala yung sapatos niya .
Kinuha ko yung sapatos niya saka ko lumapit sakanya aabot ko na sana ito ng nagsalita nanaman siya .
"Saka nga pala yung tinatanong mo sakin kanina bakit nabuksan ko yung pintuan pano kasi yung code mo birthday ko ang dali lang hulaan para sakin"
nanlaki ang dalawang mga mata ko nakatitig lang ako sakanya inaabsorb kung ano yung sinabi niya para nanaman siyang natatawang ewan pulang pula ang muka niya at pigil na pigil nanaman siyang tumawa .
Kaya imbis na iaabot ko ng maayos binato ko nalang sakanya ang sapatos at tumama ang isa nito sa muka niya.
"Bwiset ka talaga!!!!" Saka ko sinara ulit yung pinto double lock ko na para siguradong di niya na ito mabubuksan.
Saka ako napasigaw "aarrrhhhhhh" bwiset talaga bwiset di pa ba tapos tong kahihiyan ko na to bwiset ka talaga karshen lorence florencio isang kang bwiset na kalyo sa paa.
BINABASA MO ANG
Please Stay
RomanceEzekiah Katana Della Rios And Karshen Lorence Florencio Story ❤️❤️❤️ Minsan I ask my self .. Bakit siya pa ? Bakit Di nalang iba? Masakit mag Mahal Ng taong di Naman nag eexist sa Mundo natin dahil fictional character lang sila madaming beses narin...