Mr. And Ms. Campus

133 1 0
                                    

Same Day

Jiko's P.O.V.

"Are you ready?", sabi nung kasama kong nasa backstage na nag aayos sa akin na binayaran ni Ryke kahit ayaw ko.

"Yeah, medyo intense.", at tumingin ako sa salamin ulit at chineck ang sarili kong itsura for casual wear.

"And here are the Mr. Campus candiates for 2014 in their casual wear."

"It's your cue.",at lumabas na ako ng backstage at lumapit sa backstage entrance

"Candidate #1-Mr. Glenn Rio"

Lumabas na 'yong kasamahan ko sa pageant, ka close ko nanaman silang lahat dahil hindi maiiwasan 'yon kapag co-candidate mo. Talagang magiging friends kayo. I think.

(Cheers and applause)

Grabe, dami niyang supporters. Ilang saglit pa nakabalik na siya sa backstage at ngumiti sa akin. Lumabas na din ang mga iba kong kalaban sa paligsahan.

Ikiniskis ko ang mga palad ko para medyo mawala ang kaba ko sa first pageant ko.

"At last, but not the least. Candidate #10-Mr. Jin Kennedy Pelaez"

Spotlights... Camera shutters... Cheers... Applauses...

Maliwanag ang paligid, puro ilaw na iba't ibang kulay. Puro hiyawan at sigawan.

Naglakad ako sa stage, with all grace and presence. Last pose in the aisle, at lalong lumakas ang hiyawan nila. At ilang saglit tumahimik silang lahat...

"Good afternoon, everyone! I'm Jin Kennedy Pelaez, representing Bachelor of Science in Computer Engineering.", pakilala ko sa lahat while keeping eye contact to the judges, and gave them the best smile I got. Naghiwayan ulit sila, lalo na 'yong mga kaklase ko at mga bagong kaibigan ko.

Nakita ko rin si Ryke, may hawak hawak na banner.

"Go JIN!!! We love you!" - iyan ang nakasulat sa banner niya

Napangiti ako lalo dahil doon, at tuluyan na akong nag exit ng stage.

"Great job, Jin. Now we'll prep for your sportswear, ok?", at tumango ako sa babaeng binayaran ni Ryke na nagngangalang Sofia

Ilang minuto din akong inayusan ni Sofia, at sa wakas naisuot ko na ang sportswear ko.

"Ready ka na, Jin?", tanong sa akin ni Kyla Gomez, partner ko sa pageant. Suot na din niya ang sportswear niya.

"Yeah.", ngumiti ako at naghanda na kami sa paglabas ng announcement ng paglabas ng mga candidates in their sportswear

May mga nag dance number pa bago kami lumabas...

"And once again, let's welcome the candidates for Mr. and Ms. Campus 2014 in their sportswear!"

Omniscient P.O.V.

Naglabasan na lahat ng mga kasali sa Mr. And Ms. Campus 2014 na naka sportswear.
May naka target shooting ma attire, may naka pang Taekwondo, naka pang motor cross, fencing, at iba pa. Pero ang pinaka napasin sa lahat ay ang kila Jiko at Kyla.

"Wooohhh!!! Ihhhh!!! Yahhhh!!!", halo halong hiyawan ng mga taga suporta nila Jiko at Kyla nang sila naman ang lumabas mula sa likod ng entablado. Si Jin na topless na lalong nakapagpalakas ng hiyawan dahil sa kakisigan nito, swimming trunks at isang blue na surf board sa kanang braso. At si Kyla na sobrang sikat sa campus kahit babago palang dahil sa kagandahan nito, loob at labas. Naka tube na black, cycling din, at pink na surfboard sa kaliwang braso. Her black hair tied up in a low ponytail. .

My Foreigner Kapitbahay (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon