Jiko's P.O.V.
Yes! Wala kaming pasok! Hindi ko din alam pero, yes, walang pasok!!! Pero maghahanda pa ako para sa pageant tomorrow. Pero mamaya nalang, aga aga pa kaya, 5:30 am pa lang.
Nakahiga ako sa kama ko habang hawak ang iPhone ko...
|Home|Profile|Notifications-99+|
|Friend Request-99+|Messages-99+|Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko. For real?! Bakit ang dami naman nito?
Tumayo na ako at binuksan ang PC ko. After 5 minutes
1)Double click Google Chrome
2)Ctrl+Shift+n
3)Close previous window
4)Type facebook.com on the address bar
5)Type my username and passwordUsername: JikoPot1997
Password: ********** (Lels, ganyan naman talaga 'di ba? XD)Browse browse browse....
Dami pogi... ay, ano ba yan.
Mga PM ng kung sinu-sino, tinignan ko isa-isa...
"Can I have ur number?"
"Are u single?"
"Marry me!"Ano ito? Bakit may ganito? Ako, pinagkakaguluhan? Himala! Pero totoo kaya mga ito? Mamaya posers lang... Tinignan ko isa isa...
May magkapareha pa ng pic, tapos magkaiba mga pangalan. At masaklap parehas na nag PM sa akin ng mga kakornihan.
Tinignan ko ang friend requests.
Dami, pero hindi ko naman mga kilala...
Pero there's this one guy... at I must say, he's gorgeous... Well, siguro nga. I'm confused with myself, too.I viewed his timeline...
Silver G.
Bakit naman ako ia-add ng ganito ka-gwapo? O baka naman poser lang? Siguro poser lang ito.
Ting
May nag message sa akin
• Silver G.
"Hi" - Sent 5:46 pm
Eh? Yung gwapo nag-PM. Hindi ko pa naman ina-accept. Sa bagay, naka public yung profile ko. Dapat ba akong mag reply? it wouldn't hurt, right?
"Hello"- Sent 5:47 am (Ako)
Seen ✔️
"Are you Asian? If you don't mind me asking..." (Silver)
"Yeah... Pinoy ako." (Ako)
Ay, engot. Mag Tagalog daw ba? Sorry naman daw po.
Silver is typing...
"Huh?" (Silver)
"I mean, I'm a Filipino... Are you um..."(Ako)
"I'm an American." (Silver)
Oh.... Amerikano, totoo kaya?
"I wouldn't doubt that... You really look like one." (Ako)
Naka open sa hiwalay na window ang picture niya. Shet, ang gwapo niya, ang ganda ng mga mata niya.
Hay... Asa naman akong magkaroon kahit panget na boyfriend, panget ko kaya."So, you're looking at my pic right now, right? ;)" (Silver)
Nanlaki mata ko dun, kaya bigla ko nalang nai-close ang window na isa. Paano niya nalaman? Ayan, di ko tuloy alam i-rereply ko... Mag rereply pa ba?
"Er.... I'm sorry...if that offended you." (Ako)
"Not really. By the way, did anybody already told you?" (Silver)
Napa kunot ang noo ko ng wala sa oras... Ang weird naman nito.
"Told what?" (Ako)
"That you're cute." (Silver)
Bolahan pala...Mamaya nantitrip lang ito.
Pero nag reply pa rin ako"Thanks... Just like you do... "(Ako)
Silver is typing...
"Could we like, Skype each other? Right now... " (Silver)
Na kyutan lang sa akin, nag aya na makipag Skype. -_________-*
Wewness naman nito oh... Papayag kaya ako? Siyempre, pogi eh sayang naman hahaha! I know how to be careful kaya naman papaunahin ko siya magpakita sa cam bago ako magpakita... Mamaya totoo ngang pinagtitripan lang ako eh."Yeah, sure. Why not... :)" (Ako)
"SilverG14, look for me, I'll wait, okay? ;)" (Silver)
"Okay, got it." (Ako)
Ako naman itong nag open agad ng Skype.
Hinanap ko na agad siya. Ilang sandali pa ay ni-contact ko na siya. Na-accept na niya yung invitation ko ng chat.SilverG14: Hi again
(Ako)JeePot14: :)
SilverG14: Could I see you?Gulp... Bakit ako kinakabahan? Siguro dahil first time ko makipagchat sa hindi ko naman kilala. Bahala na nga.
JeePot14: Yeah, but could you go first?
SilverG14: Why? Is there any problem?
JeePot14: No, it's just I'm configuring my cam. Just got it yesterday :)
SilverG14: Okay...Ilang sandali pa nag appear ang window for viewing each other. Bakit ang dilim? Totoo atang niloloko lang ako nito eh...
JeePot14: Hey, where are you?
Nakita ko na ang momove yung cam... Lumiwanag, saka ko siya nakita...
Totoo nga, hindi ito poser or whatsoever.
I GOT MYSELF A FOREIGNER, IHHH!!Nakita ko siyang kumaway sa akin
SilverG14: Hi (Audio)
Magpapakita pa ba ako? Ihhhh... nakakahiya... Pero bahala na.
Binuksan ko yung ilaw ng kwarto ko, nag ayos ng damit ko. Walang hilahilamos XD
Cute naman ako ehSilverG14: I want to see you (Chat)
Eh di ginawa ko na...
Una hindi nakatapat sa akin... Nahihiya na talaga ako kasi ang pogi pogi niya...
SilverG14: Where are you? (Chat)
Bahala na! Unti-unti, itinapat ko na sa akin. Pero nakababa bangs ko kaya medyo hindi makikita face ko.
Kumaway ako sa cam at saka ako ngumiti.
Nakita ko siya sa screen, parang natulala siya. Di pa siya pumipikit... Okay lang ba siya?
"Um... is everything okay?", tanong ko sa kanya
Pumikit siya ng ilang ulit at saka ngumiti din ng matamis. Geez, parang hindi ako masasanay na kiligin sa mga ngiting binibigay niya. Bigla akong nalungkot ng kaunti.
Hay... Tingin ko hanggang chat lang kami... Imposible naman na magkaroon ako ng katulad niya kung sakali. Ang nega ko talaga.
"Yeah... I'm great... So um... I'm Greg..." (Silver)
"I'm Jin, you can call me Jiko..." (Ako)
"Okay, Jiko. But before I forget...Good morning...", he smiled and that made me giggled.
"Good evening, Greg..."
BINABASA MO ANG
My Foreigner Kapitbahay (ON HOLD)
HumorKadalasan, mas angat ang tingin sa mga banyaga. At kung sakaling isang banyaga ang magiging karelasyon mo, aangat ka ng sobra sa paningin ng iba, lalo na kung maganda/gwapo. Pero dito, isang binata ang hindi sukat akalain na magkakaroon ng isang kak...